Chapter One

262 37 14
                                    

Here's the first chapter guysss.

Vote/Comments?!

❦︎❦︎❦︎❦︎

-Cassandria-

"HERE WE GOOO! YUHOOO!" sigaw ko habang nagpapalipad ng dragon.

Pilit nito na mapaalis ako pero sorry s'ya, sanay na'ko sa mga ganyan LOL.

Tumakas ako sa realm namin dahil nabalitaan ko na nasa Pilipinas daw nagtatago ang Dragonistique. Isang mythical creature na malapit na maubos. Hilig ko kasing maghanap ng mga rare creatures then ginagawa ko silang alaga bwahahaha.

Malaki ito at kulay violet. Ang apat na sungay nito ay kasing taas ko. May matatalas na kuko na nagkakaroon ng poisonous effect sa taong nakalmot nito. Ang buntot nito ay maikukumpara mo sa limang tao na pinagpatong-patong na ang height ay 5'8. Ang pakpak ay kulay violet na medyo light at nagbubuga din ito ng poison flames.

Marami nito dati sa Asgard,kaso nawala na lang sila na parang bula. Sa pagkakatanda ko hundred years na noong nawala ang mga ito. Pati na rin ang ibang mythical creatures. Kaya naging alamat na lamang ito sa panahin ngayon.

Sa ngayon, mayroon na akong 2 griffin, 1 hydra and 1 chalkydri. Ang chalkydri is mesmerizing, as they arise as creatures with the colors of the rainbow bearing the head of a crocodile and the feet and tail like a lion, each having twelve wings. Hydra is a serpentine water monster that can camouflage in the water. Griffin is a legendary creature with the body, tail, and back legs of a lion; the head and wings of an eagle.

The rainbow serpent ang pinakamahirap hanapin. I almost travel the whole Earth para lang makita 'to. Almost kasi ng mga creature na galing sa Asgard ay lumipat dito. The rainbow serpent is a large rainbow snake that has 4 powers. Wala pa nga lang nakakaalam kung ano yung apat na yun. Kahit ako.

The Dragonistique become calm before landing. Ha! Sabi ko na mapapaamo din kita.

Habang hinihimas ko ang balahibo niyo biglang umilaw ang necklace ko.

Uh oh!

The necklace that I am wearing was given by the Gods of Gods, Maximus. Sabi niya, kapag umilaw ito, it means may pagtitipon na magaganap. It only means one thing.......

"Shet! Nalaman na nila na lumabas ako ng realm. Aish!" kagat-kagat ko ang aking kuko at 'di mapakali. Ano na naman kayang parusa ang ipagagawa nila!?

Sumakay na ko sa Dragonistique. Mamaya ko na 'to bibigyan ng pangalan. Lahat kasi ng mga pet ko may pangalan.

Habang nasa langit iniisip ko kung ano ang parusang ibibigay nila. Kapag kasi nahuhuli nila ako na lumabas ng realm, nagbibigay sila ng parusa. Pero hindi naman mabigat. 'Di ko nga alam kung paano nila nalalaman na lumabas ako eh. Galing ko kaya pumuslit hahahaha.

Nung huli ko kasing labas sa realm nagpunta akong TechnoLand. Kung sa Asgard ay mahalaga ang kalikasan, sa TechnoLand naman wala kang makikita ni isang puno. Mga hi-tech at advance ang technology doon.

Nakasira lang naman ako ng isang building dahil sa hinabol ko yung griffin kaya napilitan akong umalis doon. Mabilis na nabalita sa mga Gods and Goddesses ang nangyari kaya pinarusahan ako. Mild lang naman yung parusa eh. Magpanggap raw akong isang pulubi sa may Terrorian Market nang isang linggo ng hindi gumagamit ng abilities. Basic lang sa'kin yun kaya nakasurvive ako. Tinuruan na kasi ako kung paano manghunt ng mga hayop ni Pearce nung 10 pa lamang ako.

Nang makapunta ako sa liblib na lugar ay nagsummon ako ng portal pabalik. Mukang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa matinding sermunan hahahaha. Lagi kasi nila akong sinesermunan kada gawa ko ng mali eh. Para namang bata pa 'ko. Hello, I'm turning 18 na nga eh. Two months na lang.

'Di naman nila ako masisisi. Kasi naman ang boring kaya sa Supreme Mystique. Ang tahimik pa. Pero maganda naman doon. Yun ba namang ang nangangalaga ay mga gods at goddesses.

Simula kasi nagkaisip na ako ay doon na 'ko nagstay sa Supreme Mystique. Pinaunawa na agad nila sa'kin kung ano ako para daw hindi na ako maguluhan pa.

May kalaro naman ako doon. Si Flint. Mas matanda lang s'ya sa akin ng isang taon. Katulad ko rin siya. Kaso nung nag-7 na siya bigla na lang siyang nawala. Tinanong ko ang ibang goddesses kung nasaan siya pero 'di sila sumasagot. Kaya heto, naging galaera ako.

❦︎❦︎❦︎❦︎

Nang matanaw ko na ang palasyong tinutuluya namin ay nakita ko si Goddess Daphne na nag-aabang na. Muka lang siyang maamo pero masama yan magalit. Siya din yung tumayong nanay-nanayan ko dito. Yung iba tita na lang bwahahahaha.

Pagkababa ko sa Dragonistique ay nilapitan na agad ako ni Goddess Daphne. Piningot niya yung tainga ko dahilan para mapangiwi ako.

"Ikaw dyosa ka! Saan ka na naman nagsususuot ha? Nakuuu! Lagot ka na naman kay Maximus ne'too!" hinila na niya ako papasok.

Napalunok na lamang ako nang makita ko ang mga dyos at dyosa. Mga seryoso ang mukha nila.

Ghadd! Help meeee!

★︎★︎★︎

Please check the multimedia for the picture of Dragonistique. Thankiieess!

The Goddess In Disguise (HIATUS) Where stories live. Discover now