Chapter Twelve

200 15 5
                                    

-Cassandria-

"ANONG SABI MOO?!!!" sigaw ni Zandra habang nanglalaki ang matang nakatingin kay Luis na parang maiihi na sa kaba. Nabitawan naman ni Aki ang kutsara na may lamang chocolate cake na kinuha niya sa plato ni Zandra at napatingin din kay Luis.

Ako lang ata ang hindi kinakabahan, tsh.

Kahit magpatayan pa sila dyan.

LOL

"Nasan sila Luis?!Baka mapuruhan sila! Asan?! ASANNN?!" hindi naman siya galit no?

"Sumunod kayo sa'kin bilis." tumakbo na sila kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

Paglabas namin ng dorm ay kumpol ng mga tao ang naabutan namin.

Karamihan sa kanila ay mga taga-Dragon's Ice. Puro mga bulungan ang naririnig ko.

"TUMABI NGA KAYO DYANN!!"

Dahil sa malakas na sigaw ni Zandra ay nahawi ang mga ito at nagkaroon ng daan.

Naabutan naming nakahandusay si Brett samantalang nagyeyelo naman ang kalahating katawan ni Brent na puro pasa ang mukha. Mababakas mo sa mukha nito ang pagod at ano mang oras ay hahandusay na rin sa lupa. Bakas rin dito ang panlalamig dahil sa makapal na yelo na nakabalot sa kanya.

Teka, paanong nagyeyelo si Brent eh si Jacob lamg may magiz na ganyan?

Speaking of Jacob, siya na lang ang tanging nakikipaglaban kila Desmond. Halatang hindi na kaya ng katawan ni Jacob ang makilaglaban pero patuloy pa rin si Desmond sa pagsuntok habang nakangisi naman sa tabihan sila Bridget kasama si Freya.

Nakatayo lang din sa may tabihan sila Jerwick. Tahimik lang sa tabi nito si Azula nanhalata mong nasisiyahan sa napapanood.

Psh, bitch.

"Tama na yan, Desmond. Ano ba?!" pumagitna si Zandra. Si Aki naman ay nagtungo sa kambal habang ako ay kasama sa mga kumpol ng mga estudyante.

"Tama na?! Eh kulang pa ang inabot nyang lalaking yan eh!!" hindi na siya nakapagtimpi at tinulak na si Zandra at saka tinuloy ang pagsuntok kay Jacob.

Nagkaroon ng gasgas sa binti si Zandra dahil sa pagtulak sa kanya. Nakita kong umiiyak na si Aki na basang-basa na. Nasa may unahan niya sila Bridget na kasama na si Azula na may pakana kung bakit nabasa si Aki.

Tahimik akong naglakad patungo sa direksyon nila Aki.

Tumigil ako isang metro ang pagitan kay Aki.

Tutal may hinala na sila na nullifying ang isa kong ability, papakitang gilas muna ako. Tikman niyo ang init ng apoy na galing sa isang dyosa.

Inilipat nila Azula ang tingin nila sa akin habang nakangisi. Tiningnan ko lang sila ng seryoso.

Nagulat at napasigaw na lamang sila pati na rin ang ibang estudyante nang mag-apoy ang kanilang mga buhok.

Hindi magkandaugaga ang apat sa pag-alis ng apoy. Kahit ilang beses buhusan ng tubig ni Azula ang apoy ay hindi oa rin iyo maapula.

Sorry not sorry, heaven's fire po yan mga girls. Ako lang ang makakapagtanggal.

Umakyat ang puting apoy hanggang sa kanilang balikat. Dahil sa naiirita na ako sa pagsigaw nila, inalis ko na ito.

Agad nabaling sa akin ang mga masasamang tingin na nagmula sa kanila.

Inismiran ko sila habang seryosong naglalakad papalapit. Naglabas ako ng isang aura na hindi pa nila nararamdaman.

Sa palagay ko'y nagbago na din ang kulay ng aking mata. Mula sa pagiging hazel brown ay naging gold na ito.

Nakita kong napalitan ng takot ang kaninang maaangas na mukha ng apat na babae.

Tumigil ako sa harap ni Aki at hindi pa rin inaalis ang tingin sa apat.

Pansin kong halos nakatingin na sa amin ang lahat ng nanonood pati na rin sila Jerwick na nasa gilid. Natigil din si Desmond sa pagbugbog kay Jacob na ngayong nasa hita na ni Zandra at wala na ding malay katulad ni Brett. Tanging si Brent na lamang ang may malay sa kanilang tatlo.

"H-huwag kang lalapit! S-sasaktan kita!!" malakas na sabi ni Freya.

Siya na ngayon ang nasa unahan katabi ni Azula. Si Bridget at Alicia ay nasa likod at mababakas mo ang matinding takot.

"Why would I? Ni hindi ka nga makapagsalita ng diretso eh." ngumisi ako. "Sa tingin mo ba kaya mo 'kong talunin?"

Napanganga siya sa tinuran ko. Namula ang mukha niya sa galit at dinuro ako.

"You!! Hindi mo talaga ako kilala?! Isa akong Royalty. At ikaw?! Isang hamak na estudyante lang! Anong laban mo sa'kin aber?!" nangangalaiti niyang sabi.

Wala ka pa sa kalingkingan ko, echosera!

Humakbang ako ng ilan kaya napaatras sila.

"Huwag mo kaming pilitin, Ms. I-don't-know. Hindi mo pa kami kilala." hindi nagpatinag si Azula.

Hindi ko pa nga kayo kilala. But soon, malalaman ko lahat ng pinakatatago niyong sikreto.

I gave them the creepiest smile that I have and I am sure that it gives them shivers.

"No, sweetheart. Ako ang hindi mo pa kilala."

After I said those, silence fill the whole place.

Suddenly, a strong aura creeps my whole body.

Uh oh.

"WHAT THE HELL IS THE MEANING OF THI-KAYO NA NAMAN?! CARE TO EXPLAIN?! SA OFFICE. NOW!!" parang isang signal iyon para magsialisan ang mga estudyante. Sumunod na din kami kahit na hirap kami sa pagbuhat kila Jacob.

Magiging suki na ata kami ng office neto.

︎★︎★︎★︎

At last, nakapag-update na rin hahaha. Don't forget to vote.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Goddess In Disguise (HIATUS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon