Chapter Four

156 26 1
                                    

Mapapasipag ata ako sa pag-uupdate mga people. Keep reading!

Vote/Comments?!

-Cassandria-

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang mala 5 star hotel na room.

Grabe, nahiya naman ang Supreme Mistique dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Grabe, nahiya naman ang Supreme Mistique dito.

Para ka nang nakapasok sa office ng CEO na sikat. Ang ganda dito.

Nakaupo sa bonggang swivel chair yung guro na nakita ko nung pumunta ako dito.

So wait? Ibig sabihin ba nito, siya ang headmaster ng academy na'to. Pero ang bata pa n'ya. Nahiya yung kutis ko sa kutis n'ya.

"Welcome in Zarcanian Academy, Ms.--?" tanong niya sa'kin.

"C-cassandria E-eliana  po." tinuro ko ang kwintas na suot ko para ipaalam na doon galing ang pangalan ko. Inutal-utal ko pa ang pagsaaabi nito para magmukha akong kawawa.

"What's your surname Ms. Cassandria" tanong nito sa'kin. Napaghandaan ko na'to kaya easy na lang 'to.

"E-eh kasi p-po wala po a-akong maalala eh. S-sabi po nung healer b-baka daw nagka-amnesia ako." yumuko ako pagkasabi ko nun.

Mukhang naniwala naman ang headmaster. Napatango pa nga siya pagkasabi ko e. Mukhang may narealize.

"Well,'di na yon kataka-taka. So, sa palagay mo ba, mayroon kang matutuluyan?" tanong nito. Kaasar 'to ah. Alam naman na may amnesia ako tapos itatanong pa kung meron, syempre wala no!

"Ah h-heheheh wala po e" kinamot ko pa ang batok ko.

"Ganoon ba? Halata namang may magiz ka, pwede ka naman ditong mag-stay sa Academy."

"Pero po, ang alam ko po, dapat po naka-enroll muna para makapasok dito."

"Wag kang mag-alala ako nang bahala doon. The day after tomorrow, pwede ka nang pumasok. Wag kang mag-alala sa mga gamit mo, kami na ang bahala. Okay ba yon?"

Tumango-tango ako sa sinabi n'ya. Effective plan nati  ahh!

"Sya nga pala, ano ba ang magiz mo ija? Malakas kasi ang nakapalibot na aura sa'yo kaya paniguradong malakas ka. Di ko rin mabasa ang naisipan mo."

"P-po?"

"Nevermind. Tatawagan ko lamang si Austin para maihatid kana sa dorm mo."

Austin? Hindi ba yun yung sinasabi ni Maximus? O baka iba?

Pumasok ang isang lalaki na matikas. Halata mong alagang-alaga ang katawan. Mas matangkad din siya sa'kin. Nakasuot siya ng slacks na itim at polong kulay asul. May cloak dun siyang kulay puti.

"Mr. Austin, pwede mo bang maihatid si Ms. Cassandria sa Crystal Fox. Doon ko na siya isasama dahil mukang malakas naman siya."

"Sige po,masusunod." yumuko muna ito bago ako binalingan at niyaya nang lumabas.

The Goddess In Disguise (HIATUS) Where stories live. Discover now