CHAPTER 8 : Taking Their First Steps Forward

23 0 0
                                    

CHAPTER 8
Taking Their First Steps Forward

______________________________________

Sofy

Lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub

Unti-unti ay lumayo na siya at umayos ng tayo.

Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari!

Ni hindi ko nga alam kung paano ulit makakagalaw. Na-istatwa na ako mula sa kinatatayuan ko.

"B-bakit mo yun... g-ginawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Gusto kita."

"Gusto kita, Sofy." Pag-uulit niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Lubdub lubdub lubdub

A-ano?!

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin? Ilang araw pa lang tayong magkakilala may gusto ka na sakin?"

Hindi makapaniwalang tanong ko habang seryoso naman siyang nakatingin sa akin.

"Yun din ang hindi ko maintindihan. Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero napangiti mo ako na akala ko imposible na para sa akin. Masaya ako kapag kasama kita, niyaya kitang lumabas, hinalikan kita, at naglakas-loob akong sabihin sayo na gusto kita. Naguguluhan din ako sa sarili ko, pero kung hindi kita gusto, hindi ko na alam kung ano pa ang ibig sabihin ng lahat ng nararamdaman at mga pinaggagagawa ko." Paliwanag niya.

Bakit... parang lahat ng sinabi niya, ay ganun din sa nararamdaman ko?

"Masaya din ako... kapag kasama kita. Nakakalimutan ko na may sakit ako. Kahit sa maiiksing sandali na magkasama tayo, nararanasan ko kung papaano mamuhay ng normal. Na walang iniindang sakit. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo. Nagpapasalamt ako na nagkakilala tayo." Napahinga ako ng malalim matapos sabihin ang mga iyon kay Andrius at saka napaisip.

Pakiramdam ko nagkakagusto na ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko iyon gayung hindi ko naman masasabi kung saan ba talaga patutungo ang mga nararamdaman ko.

"Hindi ko alam kung masusuklian ko iyang nararamdaman mo, pero Andrius, masaya ako sa kung anong pagkakaibigan ang meron tayo. Iyon ang lang sigurado ako." Pagtutuloy ko na ikinangiti nito.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman hinihingi na suklian mo iyong nararamdaman ko. Sapat na sa akin na nasabi ko sayo na gusto kita at kung gaano ka kahalaga sa akin." Paliwanag niya na ikinangiti ko.

"Salamat." Tugon ko.

"A-at... sorry pala tungkol kanina. Alam kong nabigla kita, at hindi ko dapat ginawa iyon. P-pasensya na. N-nadala lang ako." Paliwanag niya aa isang bagay na hindi ko naman alam kung ano.

"H-ha? Tungkol saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Doon sa..." Sagot niya at saka naiilang na ngumunguso.

Anong nginunguso--

Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang tinutukoy niya.

"A-ah... ahh, iyon... HAHAHA." Ang awkward. Whoo...

Bakit parang pinagpapawisan ako. Sandali, hindi naman ako iyong may atraso ah.

"Sorry." Aniya habang naiilang na itinatawa na din lamang ang nakakailang na pangyayari.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Where stories live. Discover now