Chapter Twelve

12 3 0
                                    

"pak! Iba na talaga ang isang Neillian Catches!" Napatakip ako sa mukha dahil sa hiya

"Nag go-glow up kapag may event!" They continued teasing me

"Mga gago!" sigaw ko

Kakarating ko palang puno na kaagad ng pang-iinis galing sakanila. Hindi pa talaga nahihiya na nasa labas kami, mga tanga

Talagang nag-aabang ang mga gago sa labas ng Classroom. Nandito na sila Dionne, Jake, Kaede at Sky wala pa sina Miah at Colin.

"Baka naman, pa bluetooth ng kagandahan diyan!" Sabi ni Sky at hinawakan pa ang buhok ko

"Gaga, ang ganda mo ngayon Sky mukha kang Tao-Ah!" Napasigaw ako dahil tinuliyan niya na talaga ng hila ang buhok ko

"Hoy!hoy gago!" Sigaw nila dahil muntik na akong matumba dahil naka heels ako

"Aray ko, tangina mo!" Sabi ko kay Sky pero tumawa lang siya

Dumating na rin sina Miah Colin, saka lang kami pumasok sa loob ng classroom.

"Bagay sayo, ganda mo" Sabi ni Colin

"Thanks!" I said

We enjoyed the party, pero mas nag enjoy ako sa na tangap kong gift. Si Colin pala ang nakabunot sakin, sayang saya ako sa gift niya saktong na sa wish list ko.

"Jkm15," sambit ko, code name lang kasi ang ilalagay

Malakas akong tumawa ng maglakad si Jake papunta sa harap. Masama niya akong tinignan, naintindihan ko kasi yong code name niya.

"Hulog na hulog ah" Sabi ko at nilahad ang gift ko

Binili ko lahat ng na sa wish list niya, which is Perfume, shades and Hoodie.

"Yayamanin Neillian, may pa Jo Malone- hala Dior!?" Gulat na gulat na sabi ni Jake

"Hoy, Neillian! Ang mahal nito!" Sabi ni Jake

"Sinunod ko lang ang na sa wish list mo uy" Sagot ko

"At dahil diyan ikaw ang magbabayad sa KTV mamaya!" Sabat ni Miah

"Luh!?" Gulat na sabi ko at nag tawanan sila

Naka cater rin ang foods namin. Kung sa food lang, nakakaenjoy na talaga dahil masarap. May pa games rin ang teacher namin, sayang saya naman ang lahat. Duh kahit g10 na kami, kailangan parin namin ng price.

Pagkatapos ng Party, nag KTV kaagad kami dahil plano talaga namin. Chips lang binili namin, dahil busog pa naman kami galing sa party.

At nagsimula na nga silang mabaliw, kasali pala ako.

"And the Jay-Z song was on

And the Jay-Z song was on

And the Jay-Z song was on

So I put my hands up, they're playin' my song

The butterflies fly away

I'm noddin' my head like "Yeah!"

Movin' my hips like "Yeah!""

Hanggang sa isa isa na silang kumanta, unang Kumanta si Jake tas si Miah at ang kumakanta ngayon si Colin.

"Inlove na inlove ah!" Sigaw ni Kaede

Colin is singing just the way you are.

"Damang dama ang kanta ah! Sino ba yan, Name drop na!" Sigaw ko at malakas silang nagtawanan na parang may alam sila

"Malabo yan Yan! Mahinang nilalang kasi!" Sagot ni Dionne at pinakyu siya ni Colin

Sunod kaming kumanta ni Sky.

Catches Series 1: The Heiress Downfall[ON GOING]Where stories live. Discover now