Chapter Thirteen

8 1 0
                                    

"Jusko! Nilson, Tulong!" Panay ang sigaw ni Mana habang pilit na ginigising si Yza

Nakatulala ako at hindi halis makagalaw, nakatitig sakanila.

"Ano bang-!? Yza!" Dumating rin si Papa

"Dalhin natin siya sa hospital" Nag pa-panic na si Mama

Doon lang ako natauhan sa nangyayari. Nag mamadali akong bumaba. Binuhat narin ni Papa ang walang malay na si Yza. Napaatras ako dahil humarap si Mama sakin at sobrang sama ng tingin.

"Hindi ko inakala na magagawa mo to Neillian! Ganito ka ba kaingit!? Ano bang ginawa sayo ni Yza!?" Galit na galit niya akong sinigawan

Hinawakan niya ako sa balikat, napapikit ako dahil sa higpit at masakit na

"Wala akong ginawa! Ano bang sinasabi mo!?" Naguguluhang sabi ko

Nagsisimula na naman siya, I'm traumatized in this kind of situation.

"Magsisinungaling ka pa!"

"W-wala ng akong ginawa! Bakit pinagbibintangan mo na naman ako!" Namumuo na ang luha sa mata ko, sobrang higpit pa ng hawak niya

"Lilian, Tama na yan! Ano ba, kailangan pa nating dalhin si Yza sa hospital" pag pigil ni Papa

Malakas akong binitawan ni Mama at halos tumilapon na ako, tumama pa ang likod ko sa hagdan.

"Ayaw na kitang makita!" She shouted in my Face

"Lilian, Ano ba!" Sigaw ni Papa

Napatakip nalang ako sa mukha ko, kaagad akong napahagolgol. Ng marinig ko ang pagsaeado ng pinto kaagad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Agad kong kinapa ang phone ki at kung sino na lang ang de-nial na number.

[Hello Neillian? Are you planning to greet me an early merry christmas?] I heart Sean's playful voice

Napahikbi ako kaya natahimik ang kabilang linya.

"Sean, ayaw ko na dito" I said between my sobs, hindi kaagad nakasagot si Sean

[I will go there, wait for me Ok? Drink water] he said and hang the call

Pinunasan ko ang luha ko, I should not cry. Sanay na ako sa ganito, but this one is really the worst. Siya naman rin ang humiling, ibibigay ko na ang gusto niya. Alam kong noon pa, ayaw niya na talaga sakin.

Kumuha ako ng bag at nilagay ang mga importanteng bagay lang, dinala ko ang Ice bear na teddy bear ko at yong tinkerbell na figurine ko hindi ko namalayan na napuno na pala ang paper bag dahil kung ano-ano nalang ang nalagay ko.

Habang nag-aantay ko kay Sean, nakaupo lang ako sa kama nakatulala. People might be so happy right now, they will celebrate with their love ones. What did I do to have this kind of life?gusto ko lang namang pakinggan ako.

Nag vibrate ang phone ko at nakatangap ako ng text galing kay Sean na nandito naraw siya. Agad akong bumaba. Ni-lock ko pa ang pinto, para hindi ko na madagdagan ang galit niya sakin.

Tahimik lang si Sean pagpasok ko, hindi siya nagtanong pero tinignan niya ako.

"Where do you want to go?" He softly ask

"Hindi ko alam, ang gusto ko lang yong kalmadong lugar" Sagot ko, nakatingin lang sa labas

Hindi sumgot si Sean pero nag drive na kaagad siya. Parang lumilipad lipad lang ang utak ko habang na sa byahe kami, blanko at parang hindi gumagana. The whole streets is so busy, pero sa kalsada halos wala ng mga tao at sasakyan of course na sa bahay at kasama ang mga pamilya nila.

Catches Series 1: The Heiress Downfall[ON GOING]Where stories live. Discover now