Chapter fifteen

11 2 0
                                    

"hindi mo ba talaga ako mapapatawad Neillian?"

Napairap ako sa isip ko dahil sa tanong na yun.

"Wala akong sinabi na hindi kita mapapatawad, hindi lang ito ngayon  nangyari. Kahit noong bata pa ako, ganon lagi. Sa tingin mo ba madali lang magpatawad, ginawa ko nga ang lahat wag lang mag tanim ng galit sayo dahil kahit papaano nanay kita kahit hindi mo yun ginampanan" Matapang na sabi ko, I've gathered all my strength to say It

"Kahit pa sabihin mo na kahit papano ilagaan mo ako, inalagaan mo lang ako dahil gampanin mo bilang asawa kay papa pero bilang Ina hindi. Hindi mo gustong alagaan ako, lumaki akong nanghihingi ng atensyon mo kahit simpling alalay at pag alaga lang sana wala akong natangap diba?may narinig ka ba sakin? Ako ang kusang lumayo at tinggap nalang na ganun ka talaga sakin. Ako ang nagpalaki sa sarili ko, may nanay ako pero parang wala rin"

Kitang kita ko ang sakit at guilt sa mukha niya, sinabi ko lang lahat ng nararamdaman ko. She asked to talk to me, pinilit ako ni papa kaya kami magkausap ngayon.

"Hindi ko alam na ganyan pala Neillian" Parang ngayon niya lang napagtanto ang ginawa niya

"Ngayon alam mo na, ganyan ka sakin. Panong hindi mo napansin yon? O sadyang wala ka talagang pake at wala lang ako sayo"

"Patawarin mo ako Neillian, please give me a chance to fulfill my lacking as your Mother"

Natigilan ako ng hawakan ni Mama ang kamay ko. Mga ilang sigundo akong napatitig doon bago ako tumingin sakanya.

"Alam mong hindi ganon nalang kadali, hayaan mo mona akong mag hilom" Sabi ko at nag iwas ng tingin

"Naiintindihan ko" sabi niya at binitawan na ang kamay ko

Naunan akong umalis sa Restaurant. Pagkalabas na pagkalabas ko palang may butil na agad ng luha ang tumakas sa mga mata ko.

Sa pagmamadali ko hindi ko nakitang may makakasalubong ako kaya nagkabangaan kami, agad akong umayos at yumuko.

"Sorry po" sabi ko at akmang aalis pero hinawakan ko nito sa braso para tigilan ako

"Ayos ka lang ba Iha?" Tanong nito kaya napatingin ako sakanya

It was an old Man, pero sa pagkakakita ko mas matanda siya kina Tito Sam and he looks healthy though

"Ah, opo ayos lang po ako" sabi ko sa matandang lalaki

"Wag kang mag alala iha, hindi man maayos ngayon pero hindi ganyan parati. Build yourself stronger for your future" Sabi nito at matamis na ngumiti

I was still in mixed emotions kaya nag thank you lang ako. Pag uwi ko doon lang pumasok sa isip ko ang sinabi niya, tama siya hindi man maayos ngayon pero may bukas naman at hindi ganun parati. I should really build myself stronger for my future, dahil hindi ko alam ang mga mangyayari.

At yong mukha ng matana, tumatak talaga sa isip ko.

"magpaampon nalang kaya ako kay Tito Sam, Sean" Biro ko kay Sean

sinabi ko sakanya ang nangyari kanina. Isa rin kasi siya sa nagtulak sakin na kausapin si Mama.

"what?No" natawa ako sa reaction niya, para siyang galit na nandidiri

"Bakit ayaw mo ba akong maging kapatid? parang babagay naman sakin ang apilyedo niyo ah" Sabi ko at tumawa, mas lalong sumama ang mukha niya

"Kay Tito Tom ka nalang magpa ampon" Sabi niy at pinisil ang pisngi ko agad ko namang hinampas ang kamay niya, mas binulong bulong pa siya at hindi ko na yun pinansin.

Walang nagawa si Papa ng magdesisyon ako na dito na ako mananatili sa condo, safe at may kasama naman ako palagi. Si Sean, halos sa unit niya na rin tumira lalo na ngayong mas madalas na ang pag alis ni Tito papunta ibang bansa, at yun ang rason niya at dahil boring daw don sakanila. Hanep na gagong to ginawa pa akong pampawala ng boredom 

Catches Series 1: The Heiress Downfall[ON GOING]Where stories live. Discover now