volume 1: vii

32 2 0
                                    


THIRD PERSON

Mabilis ngunit mabibigat ang tibok ng puso ni Forest habang pinipigilan ang hininga sa ilalim ng clinic bed. Pilit n'yang sinisiksik ang sarili sa pinakadulo nito upang hindi matagpuan ng dalawang halimaw.

Si Nurse Evelyn at si Mark!

They turned into freaking monsters...

Gustong maluha ni Forest habang inaalala ang mga katakut-takot na nangyari kanina. Kung paanong si Mark ay biglang naging tila mabangis na hayop at sinunggaban ang inosenteng si Nurse Evelyn.

And I was so fucking sure that Nurse Evelyn died... but she was resurrected! She turned into a malevolent monster!

A zombie!

Mariin n'yang kinagat ang daliri nang mapansin na malapit si Nurse Evelyn sa kan'yang pwesto. Malamig s'yang pinagpapawisan. Hindi n'ya alam ang gagawin.

Ngunit alam n'yang hindi s'ya maaring magtago rito nang matagal.

Kinuha n'yang cellphone sa bulsa. Binabaan n'ya muna ang brightness nito. Sinubukan n'yang tumawag ng tulong. Nangangatog s'ya habang nagi-scroll at nagti-tipa ng numero.

No signal.

"Fuck..." inis n'yang bulong. Sinubukan n'ya muling tumawag pero wala talagang signal.

Ano na ang gagawin ko?

Sumubok pa s'yang muli na tumawag ngunit talagang wala- wala s'yang masagap na signal sa kan'yang cellphone. Nanginginig s'yang bumuntong-hininga.

Isa lamang ang ibig-sabihin nito.

Hindi na ako makakalabas!

Nang ibaba n'ya ang kan'yang cellphone, bumungad sa kan'yang harapan ang madugong mukha ni Nurse Evelyn! Duguan ang mukha. Itim ang mga mata. Ang bibig nito'y nakabuka, kita ang matatalas nitong pangil, handa na s'yang paslangin!

"AAAAAAHHHH!" Kusang gumalaw ang kamay ng binata. Yumukom ang kan'yang kamao at malakas na sinapak ang halimaw na nurse dahilan para tumalsik ito sa maliit na distans'ya.

Ginamit n'ya ang pagkakataong ito upang tumakas. Madali s'yang gumapang papalabas sa ilalim ng clinic bed. Sinubukan pa s'yang hatakin ng nurse papabalik sa ilalim ngunit sinipa n'ya ito sa mukha. Rinig n'ya ang nakakakilabot nitong ungol.

Sorry, nurse!

Nang makalabas sa ilalim ay mabilis s'yang bumangon upang tumakas.

"GRAAAAA!" ungol ng panibagong halimaw sa kan'yang harapan. Kilala n'ya ito- si Mark! Ang lalaking lumapa sa nurse kanina. Nakabuka ang dalawang braso nito, tila ayaw s'yang pakalawan.

Sumisipa ang adrenaline sa katawan ni Forest. Nahagip ng mata n'ya ang isang... radyo! Ginagamit ito ni Nurse Evelyn noon upang libangin ang kan'yang sarili.

Hinablot n'ya ito nang walang pagdadawalang-isip at ibinato sa mukha kay Mark. Bumagsak ang halimaw sa sahig dahil sa bigat ng de-bateryang radyo na tumama sa kan'yang mukha.

Mabilis na tumakbo ang binata papalabas ng clinic.

At kung iniisip n'yang ligtas na s'ya sa oras na s'ya ay makalabas ng silid na iyon.

DEAD ENDWhere stories live. Discover now