volume 2: xxvi

16 1 1
                                    

THIRD PERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIRD PERSON

"Okay pa ba s'ya?" tanong isang tinig maskulado.

"Bumbero pala 'to, e," the one with a playful tone said.

"Umalis kayo sa kan'ya, he need proper ventilation. Ang lalaki ng pasa n'ya sa bandang beywang, ano nangyari dito?" tanong ng boses ng isang babae.

"Na-stuck s'ya sa maliit na bintana," now he was sure that voice came from Amethyst.

Troy tried to move his heavy eyelid. At first, his vision was a bit blurry until it adjusted. Unang bumungad sa kan'ya ang mga 'di pamilyar na mukha. Ang tanging pagkakakilanlan n'ya sa mga ito ay sila ang mga taong nagsagip sa kanila kanina sa parada ng mga patay. If they didn't come, for sure they were already devoured flesh per flesh. Nakita n'ya rin si Amethyst at Kington na tahimik na sumisimsim ng mainit na kape. Bakas sa kanilang maruruming damit at iilang galos kung paano sila nakipagtumbang preso sa mga halimaw.

He moved his body but overpowering pain hit him. Mahina ito napaungol sa sakit lalo na sa bandang beywang. "Shit," he cursed in pain. Parang sinuntok nang ilang ulit ito, nakakapanghina. Marahan n'ya itong hinimas-himas habang napapangiwi sa hapdi. Hindi ko na talaga isusuksok sarili ko sa mga masisikip na daanan!

"Wag ka masiyadong magalaw para hindi sumakit ang mga pasa sa beywang mo," the lady in front of him commanded. She was a dirtied scrub from the city's hospital which was very familiar to him. Her short hair was messy and she had thin eyeglass. Walang pakundangan nitong pinindot ang beywang ng binata dahilan para mapaungol ito sa sakit. "What the hell?! Masakit na nga!" He hissed but the woman remained her blank face. She was serious of what she was doing.

"Hahanap ako ng pain killer sa bag ko. We should also apply ice in the affected area," she said.

Hindi na umimik si Troy, bagkus ay nilibot ng tingin n'ya ang silid kung nasaan sila. Malamlam ang liwanag galing bumbilya, at nakasara ang mga bintana na tinatakpan din ng makakapal na kurtina. He also noticed how the room smelled like a flower--sampaguita to be exact. May maliit din na krus at imahen ni Hesus sa wooden table sa kanilang gilid.

"Nasaan tayo?" He asked, his face still wincing in pain. Bwisit na babae 'to! Masakit na nga e.

"Nasa Holy Cross tayo, bro!" nakangiting sagot ng isang binata na nakaupo sa may wooden table. Tingin nito ay matanda lang ito nang kaunti kay Amber. He had this playful sparkling smirk that complimented with his earpiercing. "Ligtas tayo sa loob ng tahanan ni Papa G!" natatawa nitong sabi.

"Quit it, Cody," suway ng isang lalaki kalbo na may kalakihan ang katawan. His skin was as slightly tanned. Malalim din ang boses nito na katulad ng naririnig ni Troy sa radyo. May nakasabit na shotgun sa likod nito. Maybe he was just being ready for a sudden attack of monsters.

"Why? Totoo naman, a! He's protecting us!" malakas pa itong tumawa na para bang may kung anong biro sa kan'yang sinabi na s'ya lang din ang nakakaintindi.

DEAD ENDWhere stories live. Discover now