#9

1 0 0
                                    

HAVEN CZERO FERRER

Nasa Watsons ako ngayon kasama si Czashy.
Sinundo ko sya sa school nila para lang magpasama na bumili ng arghhh!! Nu bang klaseng babae yun...

" Kuya anung napkin ba? "
Haissttt... nakakahiya ..
Buti nalang naisip ko agad si Czashy.
Lunch Break naman nila ngayon eh..
Bwiset kasi yung babaeng yun.
" Ahhh. Yung ginagamit mo. Yun nalang. "
Natawa si Czashy.
For sure natatawa nanaman sya sa mukha ko.
Well ikaw ba namang utusang bumili ng napkin. What the!
" Tara na kuya.. 'Eto na! "
Tapos hinagis niya saken yung hawak niya.
Sh*t. Anu ba 'to,!!

Hinatid ko na ulit si Czashy sa BU at dumiretso na 'ko sa IU ( Inazuma University ) kung saan ako nag aaral.
Fourth Year College na 'ko at graduating na.
Business Management ang kinuha 'ko kasi ako yung panganay. Alangan namang hintayin ko pa si Czashy para mag manage ng mga companies namin.

Dumiretso ako sa office ng owner ne'tong school na 'to.
" Czero ikaw na ba yan? Ang tagal mo ... "
o wowww. Galit na sya, kakahiya naman po sa kanya. Aku na nga 'tong inutusan eh.
Hinagis ko sa kanya yung anu nya.
Hay naku..
hinintay ko sya 'gang matapos syang maglinis.

*door opens*

" Let's go ! So ? San tayo? "
" Bibili tayo ng mga materials . Punta muna tayo sa National Book Store. "
Tumango tango sya.
Dumiretso na kami sa Bookstore at binili na namin yung kelangan naming bilhin kaya pumunta na kami sa bahay para simulan na yung pinapagawa sa'men nung professor naming napaka tamad .

Pagpasok namin sa bahay..
O MY GOD! Andito nga pala sila Dad.
Ayshh! Issue nanaman 'to sa kanila.

" Hey Czero! Ang aga mo naman umu---- "
Napatigil si mommy sa sinasabi niya.
Tapos dumako yung tingin niya kay Shane.
Nagkatinginan nalang kami ni Shane.
Sinenyasan ko sya na ngumiti nalang. 
" Wifeyyy! Nakabi------ , Haven Czero my son...!!! "
Baket ba ang OA nila?
" Mom , Dad , si Shane Kally Cortez po . Classmate ko. "
Nagkatinginan pa sila. Haaay naku!
" AAAAAHHHHH... CLASSMATE... "
tapos tatawa tawa sila.
Ang weird ng parents namin ni Czashy noh? Kinalabit ako ni Shane. Nagtataka siya. Well , nag shrug nalang ako. 
" Oh hija! Halika na dito . Pasok pasok... Bago niyo gawin yang gagawin niyo mag merienda muna tayo. "- mom
" Para may lakas kayo... "- dad
Napatingin ako kay dad . He's smirking. What the!
" Dad! "
" May lakas kayong gawin yang PROJECT niyo 😉 "
Haaaayyyyy!!! Anu ba 'to. Nakakahiya sila kay Shane. Baket na kasi dito ko pa naisipang gumawa...
ng project...

HAVANA CZASHY FERRER

Andito ako sa room namin .
Time ng Math pero wala paring teacher. BORING!
Makikipag usap nalang ako dito kay Chain, baka sakaling di na siya masungit.

" Chain, ... "
Tumingin sya sa'ken tapos tinaasan ako ng kilay. Taray amp.
" No offense ah pero you and Hazel look good together. "
Wala syang reaction.
Para lang akong nakikipag usap sa robot.
" And I think , you should start courting her :) "
Tinaasan niya nanaman ako ng kilay.
" JOWK! "
Tumawa pa 'ko magisa.
Ghaaad! Ang panget niya kausap. Nagmumukha akong baliw dito.
" Shy. Seems like wala kang matinong sasabihin kaya---- Let me rest. I'm not feeli--- Nothing.. Just. You know .. "
Dami pa niyang sinasabi.
Hinawakan ko yung noo niya.
OMYGOSH!
" Anu ba! "
" YOU'RE NOT FEELING WELL! Ang taas ng lagnat mo. Dadalhin kita sa clinic. Tara na!! Dun ka magpahinga para peaceful. "
" Tsk. Manahimik ka lang! Peaceful na wag ko lang marinig boses mo. "
Tapos umub-ob sya dun sa table.
Kita mo na yan. Ang sama padin ng ugali kahit may saket. Sila Hazel naman may klase ngayon eh sya lang naman yung nakakapag paamo dito sa unggoy na 'to.
" Chain. "
" Ayaw mo talaga maging peaceful buhay ko eh noh? "
Putek! Ang kulit talaga ne'to eh noh?
" Anu ba? Tara na kasi. Promise magiging peaceful na pagtulog mo dun kasi wala nang mag iingay or di mo na maririnig boses ko. Hirap kasi sayo eh, ikaw na nga yung inaalala galit ka pa. Bahala ka nga dyan! "
Tumayo ako ... San ba 'ko pupunta?
Well, Last subject naman na 'to eh.
Dun nalang ako sa rooftop magpapalipas ng oras.

CHAIN KALEIDE CORTEZ

Tsk. Nag walk out na .
Tumayo na din ako .
Mabuti pang umuwi nalang . Wag lang talaga pumunta sa clinic.
Hindi naman sa ayaw ko syang sundin or what. Ayoko lang talaga ng room na parang sa hospital. Panget ng ambiance.

Pag uwi ko tinext ko si Hazel.

KALEIDE:
  Hazel umuwi na 'ko,
sumama pakiramdam
ko eh. Sige. Alam kong
may klase ka pa. Ingat
sa pag uwi. Sumabay
ka kay Sweden or Blaze
o kaya mag pasundo ka
nalang sa driver mo.
BYE.

Mababasa niya din naman 'to.
Nagbihis na 'ko.
Wala akong balak gawin kundi matulog.

" Sir andyan po si Ma'am Ylona. "
What the! Anu namang ginagawa nun dito eh diba may pasok pa sila?
" Kuya Chain!!! "
I looked at her. Nyare sa kanya?
Don't tell me? Haiiist.

* * * * *

Andito kami sa mini bar ng bahay namin.
" *sniff* *sniff* Kuya ., huhuhu.. "
" Anu ba kasi yun? Nag away nanaman kayo ng bestfriend mo? Bestfriend mo ba talaga yun? "
Hinampas niya 'ko.
" Anu ka ba kuya! Bestfriend ko yun si Maine. Ako naman kasi may kasalanan eh. "
Naiinis na'ko dito sa pinsan 'kong 'to eh. Punta punta dito di naman nakikinig sa'ken.
" Umuwi ka na nga. Di ka naman makikinig sa'ken eh. Humanap ka ng ibang kaibigan wag yung hindi ka naman tinuturing na kaibigan. "
Ang haba ng sinabi 'ko, todo effort pa 'kong mag explain . Tapos makikita ko tulog na sya.
Haaayyy! Anu banaman 'tong taong 'to. Binuhat ko sya tapos dinala ko sa guest room. Madami dami din yung nainom niya, kaya tinawag ko si Manang para asikasuhin siya.
" Sige po Sir Chain. Ako na po bahala kay Ma'am . "
Tumango lang ako . At dumiretso na 'ko sa kwarto ko.
Tinignan ko yung phone ko.

4:00 PM

HAZEL:
Eyy. Umuwi ka na?
Sorry kasi katatapos lang
ng klase namen. Wait lang
ah... Pupunta muna 'ko sa
faculty.

5:15 PM

HAZEL:
Masama pakiramdam mo?
Uminom ka muna ng gamot.
Gawin mo ah. Subukan mo
lang na hindi. Lagot ka sa'ken.

5:30 PM

HAZEL:
  Naka uwi na'ko.
Si Czashy kasama 'ko.
Nagpahatid kami kay
Kuya Leon ( yung driver
nila ) .

6:00 PM

HAZEL:
  Still sleeping,?
Sige pahinga ka lang.
Basta pagkagising mo
kumain ka ha tapos
yung gamot.
Sige sige.. Goodnight 😇

7:28 PM

KALEIDE:
Thanks .. Goodnight🙃

Naka offline na sya.
I'm so thankful because I have a very good friend like her.
Di ko alam pero I find myself nalang na nagluluto ng dinner.
Tsk.

CARPE DIEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon