HAVANA CZASHY FERRER
Three months na yung nakakaraan matapos yung party where sinabi na sa amin na nga daw kuno yung beach resort nayun tapos yung buhat pangkasal moments ni kuya at ate Shane:)
Andito ako sa rooftop at tinitignan ko sa phone ko yung take ko sa kanila nung araw na yun.
Kyaaaahhhh! Ang kyut :)
Sana sila nalang , hehe ..Mag isa nanaman ako . Tatlong buwan na din na laging magkasama si Sweden at Maine, Si Blaze at si Ylona .. tapos sina Hazel at Chain. Close padin sila pero in denial stage pa ang mga unggoy,.
Duh! Walang poreber !
Joke lang :)
Ang bitter pakinggan . Haha.Mamaya may game sila Blaze.
First game nila kalaban yung Warden High .
Syempre manunuod ako :)
Wait. Anung oras na ba?
Nag vibrate yung phone ko.HAZEL:
Uyyy sis! Asan ka na?
Mag ii start na yung game.CZASHY:
Hala! Reserve mo 'ko ng
upuan . Papunta na 'ko.HAZEL:
Sige. 👍Nagmamadali na 'kong pumunta sa gym.
Pagdating ko. Andaming tao.
Ay malamang! Jusko. Anu bang klaseng statement yun.
Nakita ko na sina Hazel. Kasama niya si Chain at Sweden.
Ayy oo nga pala.
Cheerleader yun si Maine . Kaya pala laki ng ngiti ni Sweden eh."Eyyy yow guys. Sorry muntik na ma late ;)"
" Tsk. Sinadya. " - Chain
Tinignan ko si Chain. Alam kong sya maysabi nun kahit dun sya nakatingin sa phone niya.
" Don't tell me mag aaway nanaman kayo? "
- Sweden at Hazel
Well , tatlong buwan na din kaming nag gi gyrera ni Chain. Ewan ko ba!
Feel ko di ko talaga makakasundo yang taong yan. Yung tipong may time na ok kami pero mas madami yung time namin sa pagtatalo. Tsk. Sinu ba nag uumpisa?
" Haaay. Umupo ka nga dito Shy. Mag ii start na oh. Kaya please wag muna kayong mag away . " - Hazel
Nag roll eyes nalang ako bago umupo dun sa gitna ni Hazel at Sweden.* * * * *
" KYAAAHHHHHHH! Go papa Blaze!!! "
" GO BEYOND UNIVERSITY ! "
" FAJARDOOOOOO !!!!!!!!! I love you ! "May ka team mates naman sila Blaze na humarap dun sa sumigaw tapos nag flying kiss.. Engkkkk. Sana all.
Binging bingi na 'ko sa sigawan ng mga tao .
Pero sana nga manalo. Dikit yung laban eh.
Malapit nang matapos. Mukhang nahihirapang humabol yung team nila Blaze.
2 points lead yung Warden High.
Tapos 7 sec. nalang.6
5
4
3
2
1
" KYAHHHHHHHH!!!!!! "
Nagsitayuan yung mga tao...
Anung nangyare...?
" BEYOND UNIVERSITY WINS! "
Yun nalang yung narinig ko dun sa announcer.
Ehhh? Galing naman. Umabot pa sila,..
Napa palakpak nalang din ako.
Ang angas nanalo pa yun.* * * * *
Nandito kaming lima sa cafeteria.
Nakakapagod kaya manuod . Hahaha.
Chalap chalap ng Chocobanana Puree' with Banana Cake. 😋
Takaw ko. Hahhaha,, pero hindi lang ako.
Si Chain kala mo kung sinung seryoso dun ang takaw din naman 😅" Pero ang galing ni Wright dun grabe. For sure sya MVP namin . "- Blaze
" Wright? Sya yung nakapoints para manalo kayo sa last 7 seconds? "- me
Nag nod naman si Blaze.
Galing ah, baket parang wala naman akong nakitang Wright dun kanina...
ay ewan. Di naman kasi ako nagfocus sa game panu ko ba makikita..
" Hi Blaze! You're so hot kanina. I really really love the way you shoot the ball. It's so amazing,.. "
Napalingon kami. Clown???
" Thanks sa compliment Sabrinna. " -Blaze
Ah Sabrinna. Oo nga pala. Akala ko Clown, hehe:) kapal ng make up eh, .
Umupo sya sa tabi ni Blaze.
" What do you need Sab? Not now ok? " -- -----BlazeAndito lang kami nanunood ng drama nila.
The clown is so desperate. I mean the Sabrinna girl. Di ba sya naaawa sa sarili niya? Like diba? Pinapahiya na nga siya ni Blaze eh. Pinagtitinginan na sila nung mga tao, .
Hanggang sa nag walk out na si Blaze.
Tapos si Sabrinna naman naka smile padin kahit pulang pula na sya.
Syempre ikaw kaya pahiyain ng crush mo nu! Umalis na din sya." Baket ngayon ko lang nalaman yung existence ni Sabrinna gurl sa buhay ni Blaze?She's so desperate. " - me
" Eh kasi naman po,,, Grade 7 and 8 - Autumn ka palagi. Syempre nakakasama mo kami pero di ka naman nagtatagal. " - Hazel
" Tapos nung Grade 9 naman. Messed up ka nun buong year. O diba? Panu mo malalaman? " - Sweden
Ahhhh,,, si Autumn,.
Autumn nanaman.
Masyado akong madaming na missed dahil sa kanya pero iniwan niya lang ako without him telling me the reasons.
Napatango nalang ako.
They're right. Masyado kasi akong naka focus kay Autumn dati.Niyakap ako ni Hazel.
" Shhhh. Sorry. I didn't mean to. "
Umiiyak nanaman ako.
What the heck... kelan ko ba makakalimutan si Autumn?
Naiinis na 'ko sa sarili ko.
" Ok lang. CR muna ako ah. "
Kitang kita sa mukha ni Sweden at Hazel na worried sila. Si Chain naman, DUH! Asa naman ako. Tinignan ko sya. Nakatingin sya pero pagtingin ko umiwas din sya ng tingin.
Or baka illusion ko lang. Ay ewan.
" Samahan na kita. " - Hazel
" No . Hindi na. " nagsmile nalang ako sa kanila para i assure sila na ok lang ako.
Umalis ako.
Pero di ako dumiretso sa CR.
Anung gagawin ko naman dun ?
Di ko alam pero natagpuan ko nalang yung sarili ko sa rooftop.
Dun ako dinala ng peste kong paa.
Baket ba dito?
E diba ito yung lugar na puno ng memories namin ni Autumn.?
Arghhh. Gusto kong sumigaw. Kaso nakakahiya. Nakaka inis. Isang taon na 'kong umiiyak kay Autumn putek daig ko pa yung namatayan.
Hindi na maganda 'to.
Ayoko na.
Baket ba kasi di ko makalimutan yung taong yun. ?
Ang hirap mag move on.
Mas madali pa mag solve ng Math kesa dun.
Haaaist.
AUTUMN EXODUS FLAY please naman mawala ka na sa utak ko...
" ARGHHHHHHHHHHHHH!!!!! "
Anu ba yan. Sabi ko hindi ako sisigaw . Pero kasi...
di ko na talaga alam gagawin ko." Ahemmm. Miss, parang awa niyo na. Di solusyon ang suicide sa problema niyo. "
Taeng yan. MUKHA NA BA 'KONG MAG SI SUICIDE ?
Nilingon ko yung nagsalita.
Ah . Yung lalaking kahawig ni Autumn.
Yung lalaking magaling mag gitara.
Yung lalaking na meet ko dito three months ago.
Sasabihing mag su suicide daw ako?
" DUH! Over my dead gorgeous sexy body. Di ako mag su suicide noh! "
Halatang nagulat din sya.
" S-sorry Ms. Ferrer. Akala ko kasi.. Nevermind. Sige po. Enjoy! "
Tapos naglakad na sya paalis.
Tsk. Di man lang tinanong kung baket ako nandito.?
Arghhhh! Ok lang. Immune na 'ko dyan.