#30

0 0 0
                                    

JAYDEN ZEUS WRIGHT

I can't believe myself .
Baket pa kasi ako umaasa na meron diba?
Pero sana nag message man lang sya na hindi sya makakapunta kasi may date sila ni Chain.

Naghintay ako sa rooftop ng 4 na oras.
DAMN!
My dad wanted to dine with me .
Minsan lang yun magyaya pero ang tanga ko kasi tinanggihan ko yun para lang sa ilusyon kong dadating sya.

Hindi niya kasalanan.
Kasi kasalanan ko.
Ako yung umaasa at pinipilit parin yung feelings sa kanya.
Pero ngayon ,, malinaw na.
Siguro nga .. Hindi talaga.
Tsk. ASA naman kasi ako.

Stupid .. Stupid..
Stupid Jayden.

CHAIN KALEIDE CORTEZ

" C-Chain---W-what do you mean? "

I don't know kung baket 'ko inamin yung feelings ko sa kanya.
Tinitigan ko sya sa mata.
She's not feeling the same way.
Punong puno ng pagtataka yung mukha niya.
Ngumiti ako tapos pinitik ko yung noo niya.

" Tsss. JOKE LANG 😂 hahaha.. pfttt-- look at your face Shy. Hahhahahha. PRICELESS! "

Tumawa nalang ako, trying hard na wag maging fake yung tono .
Huminga sya ng malalim tapos hinampas ako.

" WOWWWWW?!!! CEASEFIRE! "

Tsk. Sorry naman. Alangan naman kasing sabihin kong totoo yun. For sure maiilang ka saken . Haaayy..

" Sorry na. "
Ngumiti sya. Haaaay. Ganda.

" Oo na! Pero Chain kanina pa tayo nakaupo dito . Tapos naman na yung fireworks show. Let's go there!! "

Tapos tinuro niya yung --
Uh oh.
No no no. NOT THERE!

" Mystique Assylum ! Woaahh. Feel ko masaya dun. Tara na Chain Kaleide!!! "
Tumayo na sya tapos dire diretso papunta dun sa horror booth.
Arghhh..
Bahala sya. Di ako sumunod.
Akala ko kasi lilingon sya pero DAMN!
Pumasok nga talaga sya dun.

Wala akong nagawa ..
Hindi ko pwedeng pabayaan yung babaeng yun.
Pumasok din ako kahit ..
Anak ng tupa!!
Ano yun!
Baket parang may sumusunod saken .
Malawak 'tong assylum . Nasan na ba yung babaeng yun???

" Shy!!! Asan k---- P*ta! "

Napatakbo ako kasi bigla bigla nalang may sumusulpot.
Taena!
Asan na ba kasi yung babaeng yun?
Baket parang maze 'tong loob ng booth.
Andaming pintuan.

Left or right?

Nagulat ako nung parehas bumukas yung pintuan. Kaya tumakbo ako papunta dun sa likuran ------

Feel ko bumagal yung ikot ng mundo.
Ang bakla pero .

* dug dug dug dug dug dug *

Magkayakap kami ni Shy.
Napayakap ako sa kanya kasi nagulat ako pag talikod ko nakita ko syang tumatakbo.
Shet..
Ang init.

" C-chain.. ayan na sila... "

Hinawakan niya yung kamay ko tapos tumakbo kami hanggang sa nahanap namin yung exit.
Parehas kaming pawis na pawis..
phewww..
buti nakalabas na kami dun..
Anak ng.
Di ko talaga ginustong pumasok dyan eh.

Nagulat ako nung tumawa si Shy.

" HAHAHAHHAA.. takot ka pala eh . Hahhahahhahaha!!!! "

Tawa sya ng tawa.
Tsk.
Ayaw ko nga sa mga creepy na lugar diba?
Haiistt..

" Tawa pa. Di kita ililibre ng pagkain. Bahala ka dyan. "

Naglakad ako kasi akala ko susunod siya.
Haaayyy. Puro ako akala.
Nandun lang sya . Tinignan ko kung ano yung tinitingnan niya.

Oh God!

NOT AGAIN!

Pero the last thing I knew,, nakasakay na kami dito sa.. errr- Space Shuttle.
Baket ba hindi ko matanggihan 'tong babaeng 'to.
Anu bang meron sa kanya?

HAVANA CZASHY FERRER

Kanina pa ko tawa ng tawa.
Hahahhahhaa.
Si Chain kasi eh. Pfft.. hahhahahahha..

" Tsk. What's funny? "

Pfffttt- Hhahhahahhahahhahahhahhahahhahaahahhahahahhahahhahahhahahhaahahahha..!!!

" So the campus snob , takot sa heights at takot sa multo . Bwahahahaha. Oh yes.!:) "
Inirapan ako ng alien.
Taray!
Naglakad na sya papasokdun sa parang garden na may iba't ibang color na nag gu glow na flowers.
Ganda!!!
8:00 PM na kaya ang ganda tignan ng amusement park na'to.

Thanks to him .
I really enjoyed this .

" Uyy. Galit ka? "
Umupo sya dun sa may bato na upuan.
Tapos tumabi ako sa kanya.
Hindi sya sumagot kasi tinitigan niya lang ako.
NAKAKAILANG .
Parang kanina, nung sinabi niyang gusto niya 'ko habang nanunuod kami nung romantic firework show sa may lake.
...
Buti nalang hindi ako naniwala. Hahaha.
Akala niya ah.

Tumingin ako sa sky.
Walang star?
Kita ko sa peripheral sight ko na tumingala din sya.

" Sabi nila kapag isa lang daw yung star ., pwede ka daw mag wish. At matutupad. "
Tatawa sana ulit ako kaso baka magalit na talaga sya saken.
Seryoso sya ngayon eh.
Mag si seryoso din ako. Hehe..
" Naniwala ka naman!? "
Tumingin sya saken ng bahagya tapos tumango sya.
" Try mo. "

Hmmm.. wala naman sigurong masama kapag ita try ko nga.
Habang nakatingin dun sa nag iisang star.
Nag isip ako ng i wi wish ko.
Anu kaya?
Ahh. Alam ko na.
Pumikit ako ng madiin.

I wish, na sana bigyan ako ng sign kung dapat ko pa bang ipagpatuloy or kalimutan yung feelings ko para kay Jayden.

Pagmulat ko ng mata ko. Nakatingin saken si Chain.

" Anung ni wish mo? "
Tinignan ko sya ng ' OK KA LANG ' look.
" At baket ko naman sayo sasabihin? "

Tumingin sya sa taas.
Pinikit niya din yung mata niya.

" I WISH MATUPAD YUNG WISH NI SHY. "

Pagkatapos niyang sabihin yun.
Tumayo na sya .
" Tara na. Kain muna tayo bago kita ihatid. Anung oras na naka uniform parin tayo. "

Sumunod naman ako sa kanya kasi nagugutom na din ako.
Ewan ko ba.
Feel ko talaga may something dito kay Chain na hindi ko ma explain.
May time kasi na seryoso sya tapos parang laging may double meaning yung sinasabi niya,.
Ewan lang ah. Pero pakiramdam ko lang naman.
O baka ganun talaga sya.
Ay ewan., sa barkada kasi dya talaga yung hindi ko ka close.
Pero natatandaan ko dati., bago sila lumipat ng subdivision .. Binigyan niya 'ko ng locket.
San ko na nga ba nilagay yun?
Baket ngayon ko lang naalala...
Sya yung una 'kong naging kaibigan. Pero dati dati pa yun.
7 or 8 years old palang yata kami.
Nung lumipat sila ng subdivision tapos lumipat sya sa ibang school.

" Chain. May naalala ka bang binigay mo saken na locket dati? "

Andito kami sa Magic Cafe' at natigil sya sa pagnguya ng chocolate cake .
Antagal niya bago sumagot.
Pero after 5 minutes of silence.
Uming sya.

" Wala. Wala akong naaalala. Baka hindi ako yun. "

CARPE DIEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon