#16

0 0 0
                                    

HAVANA CZASHY FERRER

I can't believe that Mr. Jayden Zeus Wright ,the BU Basketball MVP is Mr. Rooftop.

Yes .. yung Mr. Rooftop.
Yung magaling mag gitara tapos yung nagsabing mag su suicide daw ako.
Yung Mr. Rooftop na kahawig ni Autumn.

Btw, andito kami sa Rooftop.
Ewan ko, dito napili niyang place eh.
" So , let's start sa mga personal info's. mo. "
Nag nod naman siya.
" Full name? "
" Jayden Zeus Garcia Wright "
Medyo natagalan kami sa personal info's.
Kaya medyo natagalan yung interview.
Well, he's kind.
Mabait sya in the sense na magkasundo kami.
Ewan ko pero ilang hours lang naman kami nagkasama pero parang kilalang kilala na namin yung isa't isa.

" Ummm. Can I treat you on a Coffee shop later , Ms. Ferrer? "
Napangiti ako.
Why not???
" Sure Mr. Wright :) "
Natawa nalang kami parehas.

* * * * *

Nakauwi na 'ko dito sa bahay.
I'm so happy.
Sobrang saya ko to have a new friend.
Ewan ko pero kumportable ako sa kanya even though pag minsan nag aabnormal yung beat nung heart ko.
Umilaw yung phone ko. New Notif.

Jayden Wright sent you a
friend request.
CONFIRM    DELETE

Syempre confirm . Wala pang 5 minutes.

JAYDEN:
How's your day?

CZASHY:
Pretty good :)
'Bout u ?

JAYDEN:
Same ;)
By the way,
can I pick you
up tomorrow?

CZASHY:
Sure thing :)

JAYDEN:
See you tom.
Pahinga ka na. Goodnyt.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

( 2 months later )

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

JAYDEN:
Sasali ka sa Camp?

CZASHY:
I dunno. My headaches
badly.

JAYDEN:
Aww. Uminom ka ng
gamot. But eat first.

TWO MONTHS... two months na kaming laging magkasama at magkachat ni Jayden.
Umaabot na nga sa point na inaasar na'ko ng barkada sa kanya. Even Kuya Haven and Nisha.
They're all teasing us.
Just like ' bagay kayo. '
             ' Kayo na? '
             ' Yieeee team Shyden. '
Ewan ko ba.
Pati sa school gumawa pa sila ng mga fan clubs. Pero syempre may mga bashers padin .

Wala naman akong pakialam kasi sa totoo lang di naman ako affected.
Close lang naman kasi talaga kami.
NO FEELINGS ATTACHED.

Sa Friday may camp kami.
Pero unexpected sumama yung pakiramdam ko kaya di ko sure kung makakasama ako.
Masaya sana kasi one week camp sya sa Green EcoPark. Eventhough di ako ganun kahilig sa mga camping activities. Pero kasi kasama yung barkada. Di ako makatanggi.

JAYDEN:
Kung masama padin
pakiramdam mo bukas,
Walang sasama sa Camp
Ok?

CZASHY:
WHUT???

JAYDEN:
Wag matigas ang
ulo please.
Baka mapano ka pa.

No way, gusto kong sumama.
Nakapag decide na 'ko.
Di naman magtatagal 'tong sakit nang ulo eh.

*tok tok tok*

" COME IN! "

Bumukas yung door then what the????

" You eat ok ? "
" The hell are you doing here Jayden? Its 10:00 PM.. "

Nag pout naman sya habang nilalapag niya sa bedside table yung Soup, Bread , and one glass of water. And then may gamot .
Seriously???

" May consent ako ni Kuya Czero at isa pa. Alam kong matigas ulo mo. Hindi ka kakain."
Touch naman ako dun 😄
" So? Anu naman? "
" Are you crazy? Syempre alam kong sobrang tigas ng ulo mo at kahit ma sinabi kong wag kang sumama if masakit padin yung ulo mo bukas eh sasama ka parin. So you need to eat para kahit papano gumaling ka at maging ok na yung pakiramdam mo. Understood? "
Nag nod naman ako ng paulit ulit.,
" Ouch! "
Napahawak ako sa ulo ko.
" Nod pa more gurl! Masakit na nga ulo mo eh. Haist. Kainin mo na'to! "
Napapout ako dun.
" Wag na magpacute. Sabing kumain ka na eh. Oh .. AAAHHHH.. "
Para naman akong bata na binuka nga yung bibig .
" Kainin mo 'to. Luto ko yan--- "
Pagkasabi niya nun sinarado ko agad yung bibig ko buti di pa nakakapasok yung kutsara.
What the.
" Lalasunin mo ba 'ko!? "
Nag pout nanaman sya.
Well kasi naman.
Parehas lang kaming di marunong magluto ne'to eh.
" Tikman mo kasi. Nag aral na 'ko mag luto. "
" No. "
" Ang kulit. Nag paturo nga ko kay Kuya Czero at Manang Alice. Try mo. "
" Still not convinced. Sumubo ka muna. "
Kita ko na parang nag aalangan sya.
" See? Ayaw mo! "
" No .. hindi sa ayaw ko pero baka kasi maubos ko 'to sa sobrang sarap. 😉 "
Putekkkk. I just rolled my eyes.
" Lamunin mo! "
" hey.. 'eto na nga eh "
Sinubo niya yung nasa kutsara.
5 min.
10 min.
15 min.
20 min.

JAYDEN ZEUS WRIGHT

Andun sya sa kama niya tapos ako nandito sa couch. Oobserbahan daw niya ko kung walang mangyayare saken na masama tsaka niya palang kakainin yung niluto ko.
For goodness sake...
Tinignan ko yung oras. 11:23 PM na.

" so hanggang kelan mo 'ko oobserbahan? Kung kumain ka na sana edi nagpapahinga ka na ngayon. "
She just rolled her eyes.
Ang kulit talaga ...
Umupo sya ng maayos tapos kinuha yung soup. Malamang malamig na yun.

Tahimik niyang kinain . At INUBOS yung soup. Hahahaha. Gutom sya.
Wala pang 5 minutes ubos na.
Di ko mapigilang mapangiti.
She looks like an angel.
Her black straight hair na bumagay sa medyo mabilog niyang mukha. Maputi.
Dark Brown Eyes . O my god. Ganda. Oo maganda sya pero mas cute sya.
Lahat ng gagawin niya lumalabas yung natural cuteness niya.
Swerte ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya kasi she's different.
Completely different from the other pretty girls I've ever met .

BACK TO REALITY....

Nakatulog na sya. Kanina pa siguro lumilipad utak ko kasi naman di ko namalayang nainom niya na pala yung gamot at tulog na sya.
Inayos ko yung kumot niya tapos binitbit ko yung tray.
Maingat akong lumabas sa room niya para hindi sya magising.

12:00 midnight na.

Gising pa si Kuya Czero.

" O kumusta? Ininom niya ba yung gamot? "
Nag nod nalang ako habang inaabot kay manang Alice yung tray.
" Delikado para sayo na magdrive ng ganitong oras. Gabi na. Dun ka na sa guest room matulog . MANANG PAKIHATID SIYA SA GUESTROOM. O pano! Goodnight. Magpahinga kana. "
Tinapik niya yung balikat ko. Tapos umakyat na sya sa kwarto niya.
" Sir dito po tayo. "

Sinundan ko si Manang Alice 'gang sa makarating ako sa tapat ng isang room.

" Dito na po kayo sir. May mga damit na po sa Closet . Maiwan ko na po kayo. "
" Thank you. "
Nag smile nalang si Manang .
Ako naman. Dahan dahan kong pinihit yung doorknob.
Guestroom 'to?
Mukhang masters bedroom eh .
Malaki din naman guestroom namin pero di naman kasing elegant ne'to.
Haaayyy...
Ginawa ko na kung anung dapat gawin . Magpapahinga na din ako.
Nakakapagod pakainin si Shy eh.

CARPE DIEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon