7 : Sugar And Airplanes

58.3K 1.8K 425
                                    


April 13, 2020

Dr. Ibarra, what does this mean? Kase nararamdaman ko na parang mahal mo pa ako. That you still have feelings for me. Iyung mga simpleng banat mo. Iyung mga sagot mo. It has something to do with that thing called love. Nakakatawa ako. Pero sa tuwing naiisip ko na may iba ka na parang nagbabago lahat ng pag-unawa ko sa lahat ng ginagawa mo. Maybe you're just doing these things because you want to pester me. Kaso umaasa ako eh. Umaasa ako na baka may pag-asa pa. Na may pag-asa pa tayo. Pero pakiramdam ko wala na. May mahal ka ng iba eh. You already love somebody else. You already love her. She's your girlfriend I know. Hindi mo naman iyun ihahatid araw araw kung hindi mo iyun jowa eh. Dibale na. Masmabuti na siguro iyon. I guess this is my punishment for hurting you so much and I'm sorry.

- Janine Boromeo

-----

Janine

Walang pansinan.

I don't want to talk to him because of what he did. Napakababaw lang kase nung ginawa niya. What the hell was he even thinking of doing that?

I rolled my eyes as I felt him put his arm at the back of my seat. Maslalo pa siyang umusog palapit sa akin.

" Anong oras na?" Pasimple niyang tanong sa akin. Duh! May relo siya.

" 10:30 na Doc. Pumaparaan ah" Gusto kong matawa dahil si Vana iyung sumagot. Nasa likod lang pala namin siya.

" Hindi kita tinatanong" Walang galang niyang sagot kay Vana na nagsalita.

Lumapit siya sa akin at kukunin na sana iyung palapulsuhan ko para silipin kunwari iyung oras sa relo ko ng tumingin ako sa kaniya.

" Puwede ba, Dr. Ibarra. Tumigil ka na" Pambara ko

" Ganda ng kulay nung bahay ng phone mo, Dilaw" I rolled my eyes at what he just said.

" Nananadya ka ba ha?" Hamon ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin. I blinked when I suddenly saw Carlo in his smile. My Carlo. Iyung Carlo na asawa ko noon. Iyung Carlo na boyfriend ko noon.

Shit Ja. Get back to your senses! He's no longer yours you witch!

Nilabas niya iyung phone niya at pinakita sa akin iyung kulay ng bahay nito.

Yellow? When was the last time he had chosen yellow! He hates that color for pete's sake!

" Bagay ba?" He whispered. I admit it. Nakakaramdam na ako ng kakaiba sa galawan niya. Hindi naman ako manhid para hindi maintindihan ang lahat ng ginagawa niya ngayon.

" What?" I questioned. What is he saying?

" Wala. Manhid mo sabi ko" So ako pa ngayon ang manhid. Kung iuntog ko kaya ang ulo niya sa upuan.

" Manhid what?" I get it. I was just acting on it. Tinignan niya ako na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

" Sige pa, Dra. Boromeo. Acting pa more" He whispered. Paasa siya. Hindi ko na siya pinansin pa.

Nilabas ko nalang iyung phone ko para itext si Wade kung kamusta siya.

Alam ko namang nakatingin siya sa phone ko. I attempted to hide my phone from him so that he won't see who I'm going to text. Pero dahil sobra siyang matangkad ay parang giraffe yung leeg niya at tarsier iyung mga mata niya.

Wade, nakasakay ka ba? Sorry kanina

I texted him

Ayokong tumingin sa kaniya dahil siya naman ngayon ang mukhang nagtampo bigla. He crossed his arms and faced away from me.

The Falling Game (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon