8 : Love And A Baby

64.5K 1.8K 257
                                    


April 14, 2020

Maniniwala ka ba na sa buong biyahe natin ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa 'yo. Dahil sa kilig na nararamdaman ko tuwing gumagamit ka ng ibang dahilan para lang magkausap tayo. You were obviously making up stories just so we could talk longer and I enjoyed it the whole time.

- Janine Boromeo

-----

Janine

Maaga kaming pumunta sa site pagkatapos naming magpahinga sa hotel pagkarating namin kahapon. We prepared the things needed. Nagset up kami ng halos sampung tent sa site. Each tent was for different types of medical needs. Every doctor has their own nurses. May medtechs at Rad techs rin silang kama kung kinakailangan. Nagdala kami ng x ray machines, ultrasound machines at iba pa. I am very happy because we don't lack manpower and medical supplies. Gusto ko kase na hindi tipid ang tulong medical na ipapamahagi namin sa mga tao.

" Doc Ja, tatlong ECG machine lang po ang nakuha ng team" Wika sa akin ni Mica. Isang nurse ng Coronary Ward. That's okay, three ECG machines are already good enough.

" It's okay. Set up nalang natin para maihanda na." We both worked on it. Dagsaan na iyung mga tao dahil mag aalas syete na ng umaga. Halos alam na nila kung saan sila pipila dahil may nakalagay naman sa karatula sa bawat booth na inayos namin. I can see middle aged men and women. May mga matatanda na rin na dumating. There are also children. Some are on wheelchairs.

Sometimes, when I look at the eyes of those patients, I realized my oath. I realize my job. That I'm not just a doctor by name. Isa akong doktor dahil tungkulin kong tumulong. Tungkulin kong gumamot ng pasyente. As much as possible, I'd do it for free. But I also need money. That's the reality of life. Kaya ang palaging nasa isip ko ay ang ibigay lahat ng aruga at ang lahat ng aking kakayahang pangmedical para sa aking pasyente.

" Magandang umaga Doc!" Bati sa akin nung mga tao. I smiled at all of them.

" Magandang umaga din po sa inyong lahat. Mag-uumpisa na po tayo. Pila pila nalang po tayo dito. Kung okay lang po sana ay gumawa tayo ng dalawang pila. Para po sa mga senior citizens natin iyung isang pila. Huwag ho kayong mag-alala dahil isa isa ko po kayong titignan. May mga dala po kaming libreng mga gamot dito para sa mataas ang BP. Mga pang maintenance na gamot din po. May libreng operasyon sa puso din po sa ikatlong araw ng medical mission ngunit iyung mga papalarin lang po ang mabibigyan ng pagkakataon para sa operasyon" Sunod sunod kong wika sa mga nakapila sa akin. Nakangiti naman silang tumango sa akin. I actually planned to prioritize the children this time because I believe they are the ones who's going to benefit more on the operation in the long run. Nasabihan ko na din iyung nurse ko na isulat lahat ng pangalan ng mga batang nakasama sa pila. On our third day, I will perform surgery on most of them. Depende na siguro sa kakayanin ng team ko. If we could extend more then we would do it for the patients.

I was smiling the whole time. Nakakataba ng puso makita ang mga pasyente na kahit masama ang kanilang pakiramdam ay pinipilit parin nilang ngumiti. A smile would be a good one to show them that I care for them. I care for them a lot.

When I looked at my side, I saw Dr. Ibarra looking at me with a big smile on his lips. Katabi ko lang siya dahil dun niya piniling iset up kasama ang team niya ang kanilang tent. He was looking at me with crossed arms.

" What?" I asked using just my lips. Walang boses na lumabas.

Nagthumbs up lang siya sa akin bago umupo sa may inihanda nilang upuan niya at may mesa din. I looked back at my patients.

The Falling Game (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon