n e c k l a c e

19 0 0
                                    

"Ang sarap ng cupcake"




Alam mo, napakaganda ng araw.



Tapos may mag aalis sa kurtina para makapasok yung araw na makakapag gising sayo.



Paggising mo masasabi mo talagang napakaswerte natin kasi nakikita pa natin ang ganda ng araw



Yung excited kang bumangon at ang ganda ng araw ang unang bubungad sa ating paggising.




pero...




HINDI!




Hinding-hindi mangyayari yan sakin!!



Hanggang panaginip ko lang yan!



Ang sarap na sana ng tulog ko pero may bwiset na naman na nakapasok.



Heston Valta. Ang bwiset at baliw na tobol kong bestfriend, bakit ko nga ba naging kaibigan to? Walang ibang ginagawa dito sa condo ko kundi ubusin ang mga pagkain dito na meron ako.




"hoy kakagawa ko lang niyan kagabi at kakainin mo na?!" kita niyo na? magnanakaw talaga ng pagkain eh



Pinayagan kaming mag condo kasi malapit narin naman ang pasukan at kasi malayo yung bahay namin sa school na papasukan namin.



"Ang daming pagkain dun sa sarili mong ref pero andito ka ginugulo ang ref ko?!" hindi ko rin alam kung paano ko natiis makasama ang baliw nato hays.




"Alam mo kyn mas masarap yong may kasama kang kumakain" sabi niya na may nakakalokang ngiti, at sinabayan pa talaga nang pagtaas ng dalawa niyang kilay.



Ang sarap niyang ibalik sa mental.



Sabay? kailan naging sabay kumain yung paggising mo makikita mong sarap na sarap siya sa ninakaw niyang cupcake? Parang batang kumain na nagkalat ang icing sa mukha niya, kadiri.



Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa banyo.



Napakaaga ha bwiset na agad haharapin ko?



Ngayon na ba ang araw na ibabalik ko na siya sa mental? at bakit pa kasi siya nakalabas? hays



Paglabas ko ng banyo ay wala na si Heston sa kwarto ko, mukhang andun na sa sala nanonood ng tv.



Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kusina para tikman ang cupcake na ginawa ko kagabi pero pagbukas ko ng ref ay mukhang hindi niya ata binalik. Gusto niya ata ng away ha?



Pumunta na ako sa sala para tingnan kung dala nga ba niya ang box at hindi ko na napigilang ibato sa kanya ang tsinelas ko.



"ANONG GINAGAWA MO HESTON?"



"hoy teka lang kalma pero ang sakit non ha" hinihimas na niya ang kanyang ulo dahil sa pagbato ko ng tsinelas sa kanya.



"paano ako kakalma bakla ka? tingnan mo nga yang ginawa mo, inubos mo ang cupcake ko eh!" sa totoo lang, meron pang isa. Nag iwan pa talaga siya ng isa. Ang bait noh?



"Uy hindi ko inubos ah, ayan oh may isa pa." nakangiti niyang sabi na nakataas baba ang kilay niya.



"hindi ko naman birthday kyn ah? pero salamat sa cupcake"



ang kapal!




"hoy hindi para sayo yang cupcake na ginawa ko, ginawa ko yan kasi anniversary nila mommy at daddy ngayon!" may patakip pa siya sa bibig niya at bigla nalang siyang tumakbo papuntang banyo.



ParadiseWhere stories live. Discover now