p a i n t i n g

15 0 0
                                    

"Heston, nasaan ka? papunta ka na ba dito?"


Narinig kong may kausap tong si Lynthia pero hindi ko pa sya nilingon kasi wala akong balak na buksan tong mga mata ko lalo na ngayon na nagpapabigat na naman.


"Ano na Lynthia? Naku lagot ka dun sa kaibigan niyang pogi anong oras na oh!" sabi ni Anna na napakamot na sa ulo niya.


Bakit ba ang iingay nila? Sila talaga tong malalagot sa teacher eh alam namang nagkaklase pa tapos nang iisturbo to—


"H-huy! teka ano ba hoy! ibaba mo ko, baliw!" reklamo ko kay Heston sabay hampas ko sa kanya.


Binuhat ba naman ako bigla tapos ang bilis pa nitong maglakad.


Kinabahan na ako nang makalabas na kami sa classroom. Hindi naman siguro ako papatayin nitong mabait kong bespren hehe.


"Eto na oh gising na nga ako eh!" reklamo ko parin sa kanya at mabuti nalang binaba na niya ako.


Nasa fourth floor pa naman kami akala ko ihuhulog na niya ako huhu


"Hoy babae lunch time na pero tulog ka pa? Puyat pa more" galit niyang sabi sa akin.


Hinahanap ko kasi kagabi yung pangalan na binigay sa akin ni Lynthia. Sinearch ko pa sa facebook pero wala namang lumabas, akala ko pa nung una nagsisinungaling tong si Lynthia pero hindi naman niya yun gagawin sa akin.


Siya pa nga nagsabi na pwede ako mag tanong sa kanya na kahit ano.


O baka wala syang facebook account kaya walang lumabas? Ano bang buhay meron yun? Nilulunod ba niya sarili niya sa libro? Naawa tuloy ako.


Pero hindi naman siguro. Meron yun baka ibang pangalan lang ginamit. Oo tama ganun siguro. Think positive!


Masama parin ang tingin sa akin ni Heston. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na dahil dun sa secretary last year kaya ako nag puyat at baka susugurin pa niya yun. Iba panaman kumilos ng utak nito.


"Bakit ka ba kasi nag puyat kagabi, girl?" tanong sa akin ni Anna.


Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kahit naman gumawa pa ako ng ibang rason sa harap nila ay malalaman rin naman ni Heston na nagsisinungaling lang ako.


Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at napanguso kasi hindi ko alam isasagot ko. Hindi ko kayang makipag laban sa staring contest na yan sa sama ng titig sa akin ni Heston.


Ngayon lang naman ako nakatulog sa klase eh. Naku sisihin niyo si Khian at wag ako! Baka isumbong pa ako nito kila mommy, mas lalong lagot ako dun.

ParadiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora