a n s w e r s

10 0 0
                                    


"Asan ako?"



Gumising ako at sumalubong sa akin ang isang liwanag. Ilang beses akong kumurap bago luminaw ang paningin ko.

Puti lang nakikita ko.

Oo, isang puting kisame.

I raised my right hand and saw something on it.

Teka, sa hospital lang ako nakakita nito ah.

Sa gilid ko ay nakita ko si Heston na natutulog habang hawak niya ang kaliwa kong kamay.

Nasa hospital nga ako

I just looked at him for a few seconds, and then my eyes went to his hand holding mine.

Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya ng ganito.

Holding his hand made me smile.

I breathed a sigh of relief nang makitang suot ko parin ang bracelet.

Nang makita ko ito ay naalala ko na naman yung guy. Siya ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay.

Bakit nga ba siya nandun? At may sinabi siya nun na hindi ko maintindihan, ano nga ba yon?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kaya nagising si Heston dahil sa higpit ng hawak ko sa kamay niya.

Kumurap din siya ilang beses bago tumayo at naglakad na parang lasing palabas.

Habang naglalakad siya palabas ay ingat akong bumangon para umupo.

Nagulat pa ako nang kakasara palang niya ng pinto ay nagmadali siyang naglakad pabalik at palapit sa akin.

I was surprised when he hugged me tightly and put his chin on my head.

"Mabuti naman at gising ka na" sabi niya habang yakap pa rin ako.

I smiled and hugged him back pero bumitaw rin ako nang may naalala ako.

"Bakit nga pala ako nandito?" I asked with my brows furrowed.

He let out a sigh "Kasi bigla kang nahimatay" he said in a bored tone.

"Pwede naman sa bahay ah? At bakit ang lamig mo?"  ngayon ko lang naramdaman nang hinawakan ko ulit kamay niya.

Ginulo niya buhok ko bago sumagot "Mataas lagnat mo"

Tumango lang ako at napaawang agad bibig ko nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"Pwede din naman sa bahay ah?" tanong ko ulit sa kanya.

"Mas mabuti na dito kasi inaalagaan ka ng maayos-"

"Aalagaan mo naman ako diba?" diretsong sabi ko sa kanya.

Napahinto siya sa sinasabi niya at nakatitig na sa akin.

Hindi ko alam kung paano nalabas yun sa bibig ko, nakatitig lang din ako sa kanya.

Tumawa siya nang mahina at ginulo ulit ang buhok ko

"Hindi, baka mahawa pa ako sayo" biro niya.

Pabiro ko siyang hinampas sa braso "Baliw"

Sumeryoso din mukha niya at kinukulit buhok ko sa daliri niya.

"I will always take care of you and protect you no matter what happens" he whispered.

Lihim akong ngumiti sa sinabi niya at iniba ang usapan.

ParadiseWhere stories live. Discover now