s c h o o l

20 0 0
                                    

"Kyn, wake up late na tayo"



Today is monday and... back to school na tayo.


During the last week of vacation before balik na sa klase ay nasa condo lang kami. Kain, tulog, cellphone and ayun gala gala kung saan.


Heston wanted me na sumama sa kanya lagi pag pumunta sya sa mall o kung saan ba gusto niya at wala namang ibang ginawa kundi kumain, pag pumayag naman ako na sumama sa kanya ay ayun manlibre naman sya sa akin so okay na yun may libreng pagkain ako hehe



But sometimes hindi talaga ako pumapayag kasi nga ayoko sa madaming tao talaga kaya goodluck sa akin pagbalik ng klase hays



So ayun na nga, Heston wanted me to explore everything after paglabas ko ng hospital and minsan sa condo lang talaga ako and because of that I forgot about school na. I forgot to buy things for school haha



Naalala ko lang nung nasa bahay ako celebrating my parent's anniversary bago ako natulog sa kwarto nila mommy ay plano ko nang sabihin kay Heston na bibili kami ng gamit bukas but then napasarap tulog ko ganern



Saturday morning ay gumising talaga ako nang maaga at kailangan ko pang puntahan sa kabilang kwarto si Heston para gisingin. I usually wake up at 10 in the morning, 9 ata mag open yung mall so gusto kong maaga kaming makarating dun para hindi pa masyadong maraming tao


Gumising ako nang 8 AM at pagkatapos kong mag ayos lahat lahat ay 8:45 na kaya pinuntahan ko na si Heston.



Ang tagal pa nga nyang kumilos kasi ang aga pa daw and I told him na kailangan namin bumili ng mga gamit para sa school at sinabihan man lang ako na hindi na daw muna kami papasok. baliw



Sabi pa niya na bigyan ko sya nang 5 minutes na humiga muna sa kama tas aba nakatulog ulit at nagising ng 9:37 ang galeng.



Pagkatapos niyang mag ayos ay sinabihan ko sya na doon nalang kami kakain sa mall at agad namang pumayag.


Nakarating kami ng mall 10:30 na. Pagpasok namin dumeretso agad ako sa National Book Store para dun narin bumili ng mga art materials. Dahil wala narin akong mga gamit, hindi na ako nakakapag practice ulit ng drawing.



After picking the things I need ay pumili narin ako ng gamit para kay Heston, hindi ko pa sya kasama ngayon kasi sa cr sya dumeretso at medyo malayo yun dito sa NBS.



Ako na muna ang nagbayad sa mga gamit niya kasi mukhang plano nya ata talagang hindi na ako puntahan dito at para ako na ang mag bayad hays.


Halatang ayaw parin pumasok eh


Tinawagan nalang niya ako at puntahan ko raw sya sa Mang Inasal para mag agahan muna. Pagkain lang talaga nasa utak neto at nauna pa talaga sya dun.



Pagkatapos naming kumain ay nag ikot ikot muna kami dito sa mall at naisipan nyang bumili ng sapatos. Minsan lang to mangyare yung bibili sya para sa sarili niya. Habang nagpipili sya ng sapatos na gusto niya ay pumunta muna ako sa mga damit ng lalake. Naisipan ko ring bigyan sya ng damit kasi gusto ko lang.



Daming pera ha


Charot



Hindi kase. Hindi rin naman ako mahilig gumastos na para sa sarili ko at halos sa kanya ko lang talaga ilalabas pera ko. Kung may event lang siguro ako gagastos na para sa sarili ko at aside sa damit ay inilabas ko lang pera ko para sa mga art materials lang talaga.


ParadiseWhere stories live. Discover now