Prologue

99 14 12
                                    

Kinapa ko ang aking dibdib, nagbabakasakaling makahanap ng anumang emosyon—saya, lungkot, awa man o poot. Ngunit ako'y nabigo. Ang tanging naramdaman ko lamang ay ang pamamanhid ng aking katawan na hindi alintana.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagsayaw kasabay ng musikang tila walang katapusan. Ito lamang ang natatanging paraan para ako'y makalimot sa kahit katiting na oras . . . para makalimutan ko ang realidad na matagal ko nang tinatakasan.

Mapait akong napangiti nang maramdaman ko ang isang bisig na pumalibot sa aking baywang na siyang pumigil sa aking paggalaw. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking kanang balikat at mas lalong hinigpitan ang hawak sa aking baywang.

Ako'y humangos habang ang musika'y patuloy pa ring dumadagundong sa buong silid. Ngayon ko lamang tuluyang naramdaman ang pagod at sakit ng aking katawan.

Maya-maya pa'y nanghina na ang aking tuhod kaya't dumausdos ako sa sahig. Sa pagkabigla, siya nama'y napaluhod upang masuportahan ang aking timbang.

Hindi ko sinasadyang pati sila'y madamay. Wala sa intensiyon kong iyon ay malaman din nila. Sinubukan kong itago sa abot ng aking makakaya, sadyang wala yata sa aking panig ang tadhana.

"Uno, please, tama na." Bakas ang sakit sa bawat salitang kaniyang binitawan.

Kahit nanghihina ay humarap ako sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, okay lang ako," sambit ko habang ipinipilit sa aking labi ang isang ngiti.

"Stop saying you're okay, Uno, tama na," wika niya habang hawak ang aking mga kamay.

"I'm fine . . . I really am," I said, looking straight at his eyes. This time, I managed to smile. It doesn't matter anyway, right?

Muli niyang inihawak ang kaniyang mga kamay sa aking baywang. "I'm here. You can pass your pain to me," he said, almost begging.

"I can't."

Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Ginawaran ko siya ng isang mahigpit na yakap. Goodbye . . .

"ARIA!"

Narinig ko pa ang sigaw niya nang ako'y kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at tumakbo papalayo upang hindi niya na ako mapigilan pa.

Nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo. Napuno ng pagtataka ang mga mata ng mga taong aking nakakasalubong. Iniwasan ko ang kanilang mga tingin at ibinaling sa iba ang aking atensiyon.

Tiningala ko ang langit at napangiti sa aking nasilayan. Ang itsura nito ngayon ay repleksiyon ng aking nararamdaman . . . para bang ako'y dinadamayan at naiintindihan.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan ay saka lamang bumuhos ang kanina'y nagbabadyang ulan. Binuksan ko ang makina at nagsimula nang magmaneho papalayo. Kailangan kong mapag-isa, kailangan kong makalayo sa kanila.

"Ilang beses ka na naming pinagsabihan, hindi ba? Pero anong ginawa mo? Sinuway mo kami, Aria! You're an heiress, for Christ's sake!"

"You have to do it, Aria. We have to . . ."

"Uno, ayaw ko na . . ."

"Uno, he . . . he left me."

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Sa pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang patay-sinding ilaw sa aking harapan.

Agad kong naapakan ang preno nang bumusina nang pagkalakas lakas ang sasakyang kasalubong ko. Hindi ko namalayang naroroon na ako sa linyang hindi nararapat para sa saksakyan ko.

Bumalik ako sa pagmamaneho. Hindi nagtagal ay narating ko ang destinasyon na aking tinatahak.

Bumaba ako ng sasakyan at nagsimulang maglakad. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng payong upang ipangsangga sa ulang butil-butil ang patak.

Nausisa ko na lamang ang aking sarili na huminto sa tapat ng kaniyang puntod. Paluhod akong umupo at inalis ko ang mga tuyong dahon na naroroon sa kaniyang lapida.

Niyakap ko ang aking mga binti at inihiling ang katapusan ng mga problema . . . ng lahat ng kalungkutan.

Sa bawat pagpatak ng ulan ay siya namang pagpatak ng aking mga luha.

Always and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon