Kabanata 1

17 13 4
                                    

°°°°°

"Simba ka sa Linggo Diyetisse huh?" sabi ni Jaydee sa cellphone. Tumawag kasi siyang biglaan.

Si Jaydee ay aking ka-churchmate sa Halang, Calamba. Nakatira siya sa Real samantalang ako naman ay sa Turbina.

Naging mabuting kaibigan ko siya hanggang sa dumating ang time na hinangaan ko siya. Family-oriented, mabait, talented and God is his priority.

Mas hinangaan ko siya dahil sa galing niyang magbeat box. Hindi ko alam na bigla akong magkakagusto sa kanya eh 16 palang naman ako. Siya ay 17 palang naman. Malapit na naman ang birthday namin ni Jaydee. April na ngayon at sa June ang aming kaarawan.

Masaya siyang kasama tapos close ko pa lahat ng pamilya niya. Sabay pa nga ang birthday namin non. Tuwing birthday namin ay may konting handaan sa church.

Basta lagi kaming magkasama hanggang sa nagka cellphone ako at nagkakausap na kami doon ng madalas kahit magkalayo kami.

"Ah, oo. Magsisimba talaga ako. See you" sabi ko sabay patay na ng cellphone

Umamin din naman siya na may gusto siya sakin. Simula nga ng umamin siya ay naging ilang kami sa isa't-isa. Alam naming dalawa na hanggang doon lang kami dahil bata pa at pareho pa kaming nag-aaral

"Ano Diyetisse? Tapos na maging call center?" birong sabi ng aking kaibigan na si Tine. Magkapit-bahay lang kami at nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin.

Naging close kami ni Tine dahil boyfriend niya ang aking pinsan.

"Ah, oo. Tapos na. Nagulat nga din ako at biglang tumawag si Jaydee" kilala niya si Jaydee kasi kasama ko din si Tine sa church.

Ang alam ko nga nagkagusto din itong si Tine kay Jaydee.

"Naku! Kayong dalawa huh" nang-aasar niyang sabi

"Pinaalala niya lang naman na magsimba daw tayo sa linggo" paliwanag ko oara di na siya mag-isip ng kung ano-ano

"Bakit mukhang masaya ka?" habol kong tanong

"Wala naman. Dadating lang si Kuya dito sa isang buwan" sabi nito

Dahil April na ngayon kaya kami ay wala ng pasok. So, sa May ang dating ng kuya niya?

"Bakit daw pupunta dito? Tsaka anong date?" curious kong sambit.

"Di ko alam ang exact date. Basta ang alam ko lang ay dito muna siya mag-aaral. Nahihirapan na ata sa pinansiyal sa Masbate. Alam mo, mahirap kasi ang buhay doon. Kaya dito muna siya at tutustusan siya nila Ate at Kuya" paliwanag niya

"Ah, ganoon ba?" yan nalang ang nasabi ko

Kinagabihan ay nasa amin si Tine dahil nasa amin ang aking pinsan.

"Kuya Knos tama na muna ang lambingan niyo ni Tine. Bitiwan mo muna at ng may makausap naman ako dito sa kusina" sigaw ko mula sa kusina

Nasa sala kasi silang dalawa. Nanonood ng telebisyon

Pasalamat sila at wala pa si Mama at Papa dahil nasa bahay ni Lola. Kinukumusta nila ito at sabi ay maya-maya pa uuwi.

"Ano ba ang lulutuin mo Bitter?" biglang sulpot na sabi ni Tine

"Sinigang lang naman. Kailangan ko lang talaga ng kausap dito." sabi ko ulit

"Matanong ko lang, ano ang label niyo ni Jaydee" bigla niyang tanong.

Sa daming topic ay iyan ang itatanong niya.

"Hay naku! Tine, magkaibigan lang kami ni Jaydee. Hanggang doon lang iyon okay? Walang label na kahit ano kaya wag ka mag-isip ng kung ano" paliwanag ko

"Eh, kasi lagi kayong magkausap at magkasama naman kayo lagi sa church. Tuwing practice sa kanta at instruments ay magkasama din kayo" nagtataka niyang tingin sakin. Habang tinulungan na akong maghanda ng rekados

"Wala talagang kahit ano. Okay na kami na crush namin ang isa't-isa. Aral muna ang dapat namin isipin no. Tsaka 16 palang ako" katwiran ko ulit

"17 na ngayong June tapos 18 na siya" singit niyang bigla

"Hanggang crush lang talaga ako Tine. Huwag mo ako igaya sa inyo ni Kuya Knos. Alam mo din naman na mahigpit sila Papa" sabi ko ulit

"Okay, okay. Nga pala, pagdating ni kuya ay ipapakilala kita sa kanya." bigla niyang banggit

"Bakit mo pa ako ipapakilala eh makikilala ko naman siya sa pagtagal ng panahon dahil dito naman siya mag-aaral" taka kong tanong ng nagsisimula na akong magluto at si Tine ang naghuhugas ng ginamit naming mga pinaggayatan.

"Sabi mo, wala naman kayo ni Jaydee. Crush mo lang din naman siya. Kaya kay kuya naman kita ipapakilala. Ilalakad ko siya sayo kasi bagay kayo. Mabait yon, gwapo, matangkad, talented at sporty. Magugustuhan mo iyon, sigurado ako diyan" sabi na naman niya

Ano na naman nasa utak nito?

"Pwede ba huwag mo ako idamay sa mga kalokohan mo. Puro ang nasa utak mo nalang ay lovelife. Basta mag-aaral muna ako. Bahala ka sa buhay mo" sabay talikod sa kanya.

"Basta, pagdating niya ipapakilala kita" pinalidad niyang sabi

Bahala siya diyan. Si Jaydee lang ang magiging crush ko.

Bumilis ang takbo ng araw sa buwan ng Abril.

"Diyetisse, sama ka sakin bukas huh" sabi niya ng kami ay papunta sa Mercury Drug. Sinamahan ko siya kasi may pinapabili daw ang Mama niya

"Saan naman yan? Anong oras?" sunod-sunod kong tanong

"Bukas kasi ang dating ni Kuya. Susunduin namin siya ni Kuya ng alas kuwatro ng umaga."

"Ano? Alas kuwatro? Tsaka magsusundo? Anong akala mo papayagan ako sa ganyan? Kaya niyo na ng kuya mo yan. Dalawa na kayo tapos iisa lang naman ang susunduin. Tsaka ayoko din gumising ng ganyan kaaga" ismid kong sabi

"Sasama kalang naman. Ang damot mo talaga" sabi nito

"Kadamutan ba iyon? Hindi ba pwedeng hindi lang ako papayagan huh?" pagtataray ko.

Ayoko sa lahat ng pinipilit ako. Lumalabas kasi ang pagtataray ko.

"Tsaka linggo bukas ah. Magsisimba tayo" naalala kong sabi

"Hindi muna ako makakasama sa iyo sa umaga. Baka humabol nalang ako. Pakisabi nalang sa kanila na mali-late ako ng konti dahil kay Kuya" sabi niya sabay pasok na sa Mercury Drugs ng nakarating na kami

"Huh? Paano yan? Hindi ako nabiyahe ng mag-isa. Alam mo naman na kailangan ko lagi na maaga doon kaya hindi ako makakasabay kanila Mama. Paano ako babiyahe?" pag-aalala ko

"Anong  gagawin ko eh darating si kuya. Tsaka pasundo ka nalang kay Jaydee. Gusting-gusto ka naman sunduin non kung hindi mo lang ako kasabay lagi" pangangatwiran niya

"Kuya ka ng kuya. Ano bang pangalan ng kuya mo na iyan at ipagdadasal ko na sana huwag nalang siya magpasundo" inis ko na sabi

"Naku! Curious na siya" pang-aasar niya na naman

"Tigilan mo ako at naiinis na talaga ako. Ayaw ko kayang magpasundo kay Jaydee at nakakahiya. Pero kung ganyan lang din, mukhang no choice ako kasi kailangan kong mag maaga doon"

"Dither ang pangalan ng kuya ko. Dither Andres. Palusot ka pa no? Eh gusto mo naman talaga makasama si Jaydee" natatawa niyang sabi

Nababaliw na ba ito? Uunahin niya pa ang kuya niya kaysa ang pagsisimba?

The Amaranth Where stories live. Discover now