Kabanata 6

0 2 0
                                    

°°°°°

"Diyetisse! Shantia! Gumising na kayo diyan." rinig kong sigaw ni Mama mula sa sala ngayong umaga, "May pupuntahan tayo." dugtong ulit ni Mama.

Tumayo na kami ni Shantia sa kama.

"Mauuna na akong maligo ate." sabi ng aking kapatid.

Tumango ako sa kanya. At lumabas muna ako ng kuwarto para mag-almusal.

"Nasaan po si Papa?" tanong ko ng nakita kong mag-isa si Mama na nag-aalmusal.

"Nasa Lola mo. Bumisita." sagot nito.

Ang aga naman yata.

"Saan nga pala tayo pupunta Ma?" tanong ko.

"Naimbitahan tayo sa anniversary ng Tita Alice mo. Maya-maya ay nandito na din ang ama niyo para ihatid tayo." sagot niya.

"Sino-sino pa po ang mga naimbitaban? May makakasama pa ba tayo?" tanong ko ulit.

"Si Tita Marge mo ay naimbitahan din." ang mama ni Tine, "Maging si Tine at Dither." dugtong muli ni Mama.

Huh? Bakit kasama sila? Napakunot-noo ako.

"Kumare kasi ni Tita Marge mo ang Tita Alice mo. Sabay niya kaming inimbitahan kahapon. Hindi ko na nasabi sa inyo kagabi kasi tulog na kayo ng dumating ako." sagot ni Mama sa kunot-noo ko.

Nagkibit-balikat nalang ako.

'Okay lang. Nandoon naman si Tine."

"Maaaaaa!" maya-mayang rinig ko sa sigaw ni Shantia mula sa taas.

Pumunta si Mama.

'Anong problema non?'

Maya-maya ay bumaba silang dalawa.

"Patayin mo ang kuntador ng tubig Shantia." rinig kong sabi ni Mama.

"Bakit po? Ano po ba ang nangyari?" tanong ko habang nakaupo.

"Nasira ang tubo sa CR niyo kaya hindi muna bubuksan ang kuntador. Babaha sa kuwarto niyo kapag hinayaan natin iyon." paliwanag ni Mama.

"Paano ba nasira iyon?" sunod na tanong ko.

"Hindi ko rin alam Diyetisse. Buti na nga lang at tapos nang maligo si Shantia e!"

"E! Paano po ako maliligo niyan?" tanong ko

"Humiram ka muna ng tubig sa Tita Marge mo. At ipabuhat mo dito sa CR sa baba. Bibigyan ka naman non." sabi nito.

"Nakakahiya naman po." Pero tumango ako at pumunta na kay Tita Marge.

Nakakahiya naman kasi talaga. Manghingi ka ba naman ng tubig para sa paligo.

Nakayapak pa akong lumabas ng bahay. Malapit lang kasi kaya ang lakas ng loob kong hindi mag-tsinelas.

'Kalamay na malagkit' nandoon pala si Dither sa labas ng bahay.

Hindi ko nalang tiningnan at dumiretso ako kay Tita.

'Bakit hindi ka kasi nag-tsinelas Diyetisse? Alam mo naman na anytime ay nandiyan siya?'

"Ahm, Tita nasira po kasi yung tubo sa CR sa kuwarto namin kaya pinatay ang kuntador. Baka po pwede na makahiram muna ng tubig." sabi ko kay Tita na nasa loob ng bahay nila. Halatang katatapos lang maligo.

"Ganoon ba?" sambit nito, "Kumuha ka nalang diyan hija."

"Salamat po Tita. Nasaan nga po pala si Tine?" tanong ko pa nang hindi nakita si Tine sa loob ng bahay.

The Amaranth Where stories live. Discover now