Kabanata 5

0 2 0
                                    

°°°°°

"Earth-to-Diyetisse." sabay pitik sa tenga ko ni Tine.

"Ano ba?" inis kong sabi sabay irap, "Wala ka bang magawa? Pakamatay nalang huh! Best option yan."

"Aba! Ateng, kanina ka pa tulala diyan? Ano ba ang nangyari huh? At kahapon ka pa natatahimik diyan?" sunod-sunod niyang tanong, "Masyado kang tulalaers. "

Ano ba yan? Ang ingay naman masyado nito. Nag-iisip nga ako sa nangyari kahapon eh. Lalo na sa agad na confession na crush daw ako ng kuya nito.

"Wala naman nangyari ah? Ano bang sinasabi mo diyan?" pangkakalma ko sa aking boses ng hindi halata ang kaba at frustration, "Alam mo, talagang tsismosa ka lang kaya lahat na ay napansin mo."

Nang sinabi niya kasi iyon kahapon eh hindi na ako nakapagsalita. Syempre nagulat ako ng super duper. Tapos siya 'playing cool'? Ang unfair, samantalang ako hindi ko na alam ang gagawin. Walking in the rain ba naman tapos with confession pa?

'Do I find it romantic?'

"Okay, sabi mo eh. Halina't pumunta nalang muna tayo sa bahay." pang-aaya niya sa akin.

"Teka! Teka! Anong gagawin natin sa inyo?" bigla akong nataranta.

"Bakit ganiyan ka maka-react. Parang first-time mong pupunta doon ah!" sarkasmo niyang saad, "Lagi naman tayo nasa amin diba? Alam mo naman na wala ang aking boyfie ngayon diba? Kasi nga pumunta sa mga barkada niya at dadayo ng basketball. Kaya para mawala ang boredom nating dalawa ay punta nalang tayo sa bahay at maninood ng movie." sabi niya ng tuloy-tuloy.

"May problema ba?"

"Ahm. Wala naman." i said in defeat.

"Pero wala na bang ibang option na dapat gawin natin? Sa Calamba nalang tayo." singit ko pa.

'Ayaw ko pa kasing makita ang kapatid niya.'

"Ayoko nga! Tinatamad akong bumiyahe okay? Sa bahay nalang." pangunglit niya.

Mukhang wala akong lusot dito ngayon. Ano idadahilan ko? Ayoko, pumunta sa kanila. HELP ME!

"Bakit kasi hindi ka nalang sumama kay Kuya Knos? Ngayon tuloy ako ang gagambalain mo." pag-uumpisa ko ng kawalan ng interes sa ideya niya

"Ayoko nga. Ang layo ng pupuntahan nila eh. Tsaka wala akong makakausap doon. Buti sana kung kasama ka diba?" tapos ano?

Hahampasin mo ako kapag kinikilig ka? Akala mo naman ang ganda ng banat ni Kuya Knos para kiligin ka ng sobra. Yung totoo? Hampasan ba ako? Ang luluma kaya ng galawan noon.

"Ano? Tara na!" aniya na may ibang ngiti, "Ngayon na nga lang ulit tapos tatanggi ka pa? Tsaka nandoon si kuya sa amin. Usap-usap naman kayo." nakangiti niyang sabi na halatang may pang-aasar

Pasalamat nalang talaga ako at hindi nila narinig ang sinabi ng kuya niya.

'Jusko Tine, kuya mo nga ang dahilan kung bakit ayaw ko pumunta sa inyo tapos ganyan ang suggestion mo?' sarap ipangalandakan sa madaldal niyang bibig.

"Oo na. Tara na! Nakikita mo naman diba? Natayo na ako. Nahiya naman ako sayo." pamimilosopo ko at tumayo na nga.

Kinuha ko ang cellphone ko nang may mapagkaabalahan kapag ayaw ko sa scene.

"Dapat lang na tumayo ka diyan. Kanina pa tayo dito sa inyo eh." reklamo na naman nito. Eh kanina ka pa nga nakain ng kung ano-ano sa ref diyan.

Kumuha pa nga siya ng pagkain para sa panonood na gagawin.

The Amaranth Where stories live. Discover now