Kabanata 3

12 12 1
                                    

°°°°°

"Ate Lovely, nandiyan po ba si Diyetisse?" rinig kong tanong ni Tine habang ako'y nasa kuwarto

Hindi na kasi ako lumabas kahapon hanggang ngayon. Nagtaka siguro kung bakit hindi ako pumunta sa kaniya. Palagi kasi akong nabisita tuwing umaga sa kanila kapag tapos na ang aking gawain.

At kaninang umaga, hindi ako nagbalak na pumunta. Nanood nalang ako sa TV at nag cellphone na din.

"Diyetisse! Andi--" akmang sigaw ni Mama pero pinutol ko na

"Narinig ko Ma. Palabas na ko. Wait lang" sabi ko kay Mama

Lumabas na nga ako at nakita ko siyang nakapamewang at nakataas ang isang kilay.

Umalis na si Mama.

"Anong arte mo at hindi ka pumunta sa akin kanina? Alam mo bang wala akong makausap?" pagtataray nito

"Walang makausap? Nalalaman mo? Eh samantalang nandiyan ang kuya mo. Hindi ba kausap yon?" balik kong arte sa kanya

"Mas gusto kong kasama ka okay? Mas vibes tayo eh" sabi niya at sabay ngiti

"Bakit mo nga ba ako hinahanap? Tanghaling tapat at masyadong mainit" tanong ko

"Magpapatulong sana ako sayo" sabi niya ng naalala ang pakay sa pagpunta

"Patulong ng?" nakakunot-noo kong tanong

"Pagmi make-up. Tulungan mo ako, alam ko na hindi ka nagmi make-up pero alam ko na marunong ka maglagay" sabi niya

"Para saan? Bakit ka maglalagay ng kolorete ng ganitong oras?" anong balak nito? Sino ang magpapaganda ng ganitong oras? Ang init-init ah

"May date kami ng iyong pinsan mamaya. Kaya gusto ko lang magmukhang tmaganda" ngiti niyang sabi na animo'y kinikilig

Maganda na naman siya kahit walang make-up, bakit kailangan pa non?

Tinulungan ko nalang. Mamaya, masira p ag araw nito dahil sakin. Tsaka support ko sila ng aking pinsan

Sinimulan ko na ang paglalagay ng kung ano-ano. Pumwesto kami dito sa duyan sa harap ng bahay namin dahil dito lang walang sinag ng araw.

Air is refreshing.

Nalagyan ko na din siya ng eyeliner. Kaya ngayon, nakapikit siya at pinapatuyo.

"Diyetisse, pakuha naman ng hairpin sa bahay. Magpapaayos na din ako ng buhok sa iyo" utos nito

Ang kapal talaga nito. Pagkatapos akong istorbohin ay uutusan pa ko sa bahay nila.

"Kanino ko kukunin?" irita kong tanong

"Kay Kuya Dither" maikli niyang sabi habang pinapaypayan ang kanyang mata gamit ang kamay.

Ang arte nito, mabilis naman matuyo yan.

"Bakit sa kaniya pa? Wala na bang ibang tao doon? Tsaka saan nakalagay?"

"Si kuya lang ang nandon. Nakalagay sa divider, sa may salamin. Dalian mo nalang" pantataboy niya sakin.

Sinunod ko nalang. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay baka nabatukan ko pa ito ng malakas.

Nakita ko na nandon nga si Dither. Nag-stay lang ako sa labas ng pintuan nila.

May kausap siya sa cellphone. Nang nakita ako ay biglang pinatay ang tawag.

"Ah, may kailangan ka?" sabi nito

Nagsasalita din pala ito. Kala ko wala itong dila eh

"Pakuha daw ng mga hairpin ni Tine" sabi ko na hindi makatingin sa mata niya

"Saan daw ba nakalagay?" ngiti niyang tanong

"Sa may divider daw, sa may salamin." maikli kong sagot

"Ganoon ba? Saglit lang. Kukunin ko na. Pasok ka? Baka mangalay ka diyan" mabait niyang sabi.

'Naku! Tigil-tigilan mo ako Dither sa ganiyang pabait-bait mo. Hindi pa nga kita kilala ng sobra pero iba na ang epekto mo sakin. Ano pa kapag lagi kang nangiti at nagpapaka-gentlemen diyan' sa isip-isip ko

"Ah, hindi na. Sigurado na mabilis mo lang naman mahahanap yon diba?" tumingin na ko sa kanya ng nakataas ang kilay

"Oo naman. Nagmamagandang-loob lang naman. Hindi magandang tingnan na nandiyan ka sa labas eh" sabi niya

Ano? Patatagalin niya pa talaga ito. Hindi ba pwedeng kunin niya nalang?

Mukhang narinig ang sinabi ng utak ko dahil tumalikod na para kunin ang hairpin.

Nakita ko na matangkad siya. Siguro kapag nagtabi kami nito, nasa baba niya lang ako o bibig.

Nababaliw ka na ba Diyetisse? Pinapangarap mo ba na magkatabi kayo nan? Tumigil ka nga!

"Ito ba ang hairpin?" tanong niya sabay pakita sakin ng nakuha niya

"Ah, oo. Yan nga iyon. Pakuha nalang lahat ng hairpin niya." utos ko

Kinuha niya nga lahat.

Inabot niya sakin iyon at nagkahawak ang aming kamay. At nakita kong sinadya niya na huwag bitawan ang kamay ko.

Babawiin ko na sana kaso natuon ang atensyon ko sa cellphone niya na biglang tumunog.

"Rosalie, mamaya ka nalang tumawag pwede ba? Busy kasi ako ngayon?" bigla niyang sabi na hindi man lang pinatagal

Busy? Saan?

Saan siya naging busy? Sa paghawak sa kamay ko? Tsaka ano daw? Rosalie?

Babae ang tumawag sa kanya? Kapal naman ng babae na iyon. Siya pa nag-iinitiate na tumawag.

Teka nga? Bakit ganito ba iniisip ko?

Pinatay niya na ang tawag at tinuon na ang atensyon sa akin.

Tiningnan ko yung kamay ko sabay tingin din agad sa kanya na nakataas ang kilay.

"Nasa kamay ko na ang hairpin kaya pwede mo na siguro bitawan?" pagtataray ko

May kinuha siya sa tabi niya na wet wipes.

Saan niya gagamitin yan?

Nagulat ako na pinunasan niya ang kamay ko.

"Nakita ko na may dumi. Tatanggalin ko lang ito" mahinahon niyang sabi sabay tuon ng mata sa eyeliner na pumatak sa aking kamay kanina.

Hindi naman yan mahirap tanggalin kaya hindi na iyan kailangan.

'Diyetisse, magpasalamat ka nalang no? Sa kabila ng pagtataray mo ay naging mabait pa din yung tao' biglang singit ng konsensya ko

Hinayaan ko siya sa pagtanggal ng eyeliner. Halatang iniingatan niya na hindi maidiin ang pagpupunas dahil nakita niya siguro na konting diin lang ay namumula na ang aking balat.

Bumakat nga agad ang kamay niya na nakahawak dahil naidiin niya ito kanina ng muntik ko ng bawiin ito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon? Kaba? Tensiyon? O pareho?

Nahawakan na din ni Jaydee ang kamay ko pero hindi ako nakaramdam ng ganito.

Warning: Wag mag-isip ng kung ano-ano

"Yan, tapos na" sabi niya sabay ngiti sakin.

Ngumiti nalang din ako

"Sorry nga pala at namula ang kamay mo dahil sa hawak ko. Masyado yatang napahigpit. Hindi ko naman alam na may pagkasensitive ang balat mo" malungkot niyang sabi

"Ah, wala yun. Okay lang. Hindi naman masakit eh. Isa pa, salamat sa pagtanggal ng eyeliner na tumalsik sa kamay ko" sabi ko ng nakangiti na

Mukhang komportable na ko sa kanya.

"Diyetisse, ang tagal mo naman. Nasan ka na ba? Hindi mabigat ang hairpin kaya hindi ka matatakluban nan" narinig kong sigaw ni Tine

"Nandiyan na" pabalik kong sigaw

"Ahm, sige. Salamat ulit" sabi ko sabay talikod.

The Amaranth Where stories live. Discover now