Chapter 2

49 6 0
                                    

Air POV

Papunta na kami sa school na eenrollan ko.Si Kuya ang may hawak ng forms ko.Kasabay ko na rin siya maglakad baka raw mangyari muli sa akin ang mangyari noon.Nadala na siguro at nagsisi dahil ang bagal niyang maglakad that time.Hindi na rin kami nagsakay dahil ilang kanto lamang ay nasa school na kami.Sasabay na rin siyang mag enroll dahil doon sa school na iyon siya papasok.Magte third year high school na ako samantala naman si Kuya ay college na.Criminology ang kukunin niyang course dahil iyon daw yung gusto niya paglaki kahit puro pang medical material ang laruan namin noon.

Hilig naming magdoktor doktoran noon tapos yung teddy bear namin ang kunwaring ooperahan namin.Lagi rin kaming nakakasira ng mga gamit ni Mama kasi mag aaway kami ni Kuya dahil lamang sa kung sino ang magiging doktor.Halos wala na ring natirang vase ni Mama noon dahil sa amin.HAHAHA! Nandito na pala kami nang hindi ko namamalayan.

"Pumunta ka na sa hall nyo at magpaenroll.Ito na rin yung pera para sa tuition fee mo at pamasahe mo pauwi dahil hindi ako makakasabay sayo.Inaya kasi ako ng Kuya ni JK na magbasketball.Kaya mauna ka na o kaya naman gumala ka nandito rin sina JK at yung kambal na sina Czarina at Czanelle yung best friend mo,papayagan kita basta sila ang kasama mo OKAY?" sabi ni Kuya kaya naman nagningning ang mga mata ko.Minsan lang kasi ako gumala kasama sila tapos si Kuya pa ang nasuggest.Wahhh!!! Ang bait talaga ni Kuya NGAYON.

"Salamat Kuya.Thank you!! Sigeh na Kuya alis na ako byeee!!" Miss ko na sila.Ilang linggo rin kami na hindi nagkita.

Malapit na ako sa may hall bang may nakabangga ako na grupo ng mga kalalakihan.

"Ayy!!Sorry hindi ko sinasadya.Nagmamadali kasi ako" pag uumanhin ko sa kanila pero parang wala lang iyon sa kanila.

"Sorry!? Iyon na ton.Bobo ka ba? Binangga mo kami tapos SORRY!? Di mo ba kami kilala!?" Mayabang na sagot noong nasa gitna.

Wow as in wow.Ang yabang naman niya nag sorry na nga ako tapos hindi niya tatanggapin?Siya ang bobo.

"Wala akong oras para kilalanin pa kayo kasi kayo naman talaga ang B-O-B-O. Blehhh!!!" Sabay takbo haha!!

"DI PA TAYO TAPOS MISS!!!" sigaw noong isa sa kanila.

Wahh!!wala pa namang pasukan pero may grupo na agad ng mayayabang.Nako salot yan sa lipunan.

Nakarating na ako sa hall.Ibinigay ko na ang form ko at naghintay ng ilang minuto.Habang naghihintay ako ay itinext ko na sina JK at yung kambal para makipagkita mamaya after kong mag enroll.

Tinawag ako nung babaeng pinag abutan ko ng for am at may ibinigay siya na maliit na papel katunayan na nakapag enroll ako.Paalis na ako nang may nakabangga na naman ako.Araw ba ito ng banggaan ng tao kaya na lang lagi akong may nababanggang tao?Sinilip ko yung nakabangga upang humingi ng paumanhin pero parang ayoko na at hayaan na lang yung nakabangga ko dito sa hall na ito.Paano ba naman ehh yung nakabangga ko ngayon ay iyong mga mayayabang na lalaking nakabangga ko kanina.

"Owe!it's you again,Miss. What a coincidence to us." Sabi na naman noong mayabang na nasa gitna.Siguro siya yung lider ng grupo nila.Bagay na bagay sa kanya yung pagiging lider kasi siya talaga yung lider ng mga mokong na tambay sa kanto.

"Oww!oo mga noh.Is this a sign?Oh gash!hahaha!!" Pagsakay ko sa trip ng mga mokong.

"A sign?I think so.Do you think it's a destiny? " lumapit siya sa aking mukha na wala nang isang dangkal habang sinasabi ang katagang iyon.

Agad akong natigilan at nandiri sa mga sinabi niya pero mas malakas ang trip ko ngayon dahil gagala kami ng friends ko kaya sasakyan ko na lamang.Mas  lumapit ako at halatang nagulat siya sa ginawa ko pero nanatili pa rin siya upang ipakita sa kagrupo niya na hindi siya magpapatalo sa isang tulad kong magandang babae.

Once in the Blue MoonWhere stories live. Discover now