Chapter 4

15 3 2
                                    

Air POV

"UMUPISAHAN NA NATIN!!!" sigaw ni Kuya Yuan bilang hudyat ng pag-uumpisa ng laro.

"Round One. Jk and Sam vs. Zen and Nics." anunsyo nya.

Agad na sumampa ang dalawang babae sa kanilang kapartner.Nagpunta ang magkalaban sa gitna ng pool at nag-umpisa na.

Naging matagal ang laban kaya nainip ako.Kumuha ako ng chichirya at bumalik sa panonood. Natapos ang laban at nanalo sina Jk at Ate Sam.

Sumunod naman sina Kuya Zen at Kuya Kev. Ang laban nila ay hindi nagtagal at nanalo sina Kuya Kev.

Ang mga natalo ay binigyan ni Kuya Yuan ng pagkakataon na lumaban muli.

Sa pangatlong laban ay kami ni Keiron at Kuya Jay ngunit sa pagkakataong iyon ay nanalo kami at natalo muli sila. Sa huling laban ay nanalo sina Kuya Jay at Czarina laban kina Kuya Zen at Ate Nics.Nagapatuloy ang laban hanggang kami ni Keiron ang nanalo.

"Ang nanalo ay sina Air at Keiron.!!!"sigaw ni Kuya Yuan.

"Alam nyo guys nakakapagod iyong laro kaya kumain na muna tayo." Saad ni Keiron at nangungunang pumunta sa pool side kung saan nandoon ang mga pagkain.

Kumuha ako ng aking pagkain at tumabi sa aking mga kaibigan.

"Uyy Air,Congrats ang galing ng partner ship nyo ni Keiron."pagbati sa akin ni Jk.

"Salamat pero sayang ikaw pa naman ang gusto kong kapartner."saad ko ng may panghihinayang na mukha.

"Ok lang yon at least nanalo kayo."ani ni Jk habang kumakain.

"Tsaka Air , chance mo na iyan para maging close kayo ni Keiron at kapag naging close kayo dapat ipakilala mo ako sa kanya para maging close rin kami at sa huli maging kami."kinikilig na sabi ni Czarina.
Napatigil kami sa pagkain at pare-parehong nalalag ang panga dahil sa nabubuong imahenasyon niya.

"Czarina,magtigil ka nga dyan pati si Air gagamitin mo pa para maging close kayo ni Keiron.Kumain ka nalang dyan."panenermon ni Czanelle sa kanyang kakambal kaya naman ngayon ay nakapout si Czarina habang ipinagpapatuloy ang pagkain. After kumain ay nag aya naman si Keiron ng laro.

"Nako laro na naman" sabi ko sa aking isip.

"Guys ang tawag sa game na ito is DARE OR ONE SHOT kung saan ang mechanics ng game is kapag hindi mo nagawa o ayaw mo ng dare ay kailangan mong magshot ng ONE GLASS OF BEER."paliwanag ni Keiron kaya naman sumang ayon sila.

Ano pang magagawa ko edi sumali na rin ako.

"Paano malalaman kung sino ang idadare?"tanaong ni Kuya Jay.

"So ganito,gagawa tayo ng bilog ng nakaupo at sa akin mag sstart ang dare going to right hanggang sa makabalik ulit sa akin and so on. Ang magbibigay naman ng dare is yung nasa kaliwa mo.Gets?"pagsagot nya sa tanong.

Tumango kami at nagform na ng bilog.So ganito ang posisyon namin.Mula kay Keiron going to right :

Keiron
Czarina
Kuya Jay
Ate Nics
Kuya Zen
Ate Sam
Kuya Yuan
Kuya Kev
Czanelle
Jk
Ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakahanda na ang beer at baso pero sa pagkaalala ko ay wala akong biniling beer kaya paanong nagkaroon dyan?

"Let's start,AZ dare me."sabi ni Keiron sa akin kaya naman sinabi ko na agad yung dare ko sa kaniya.

"I dare you to kiss Kuya Zen in his lips."sabi ko.

Nagtawanan kaming lahat pero kumuha si Keiron ng glass at nagsalin ng beer tapos ininom.Sunod naman ay si Czarina.

"I dare you to dare AZ yung mahirap hah." Sabi ni Keiron kay Czarina.

Once in the Blue MoonWhere stories live. Discover now