Chapter 5

3 2 0
                                    

Air's POV

KINABUKASAN~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Arghh-----Ang sakit ng ulo ko. Gising na ang diwa ko pero hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Umupo muna ako sa aking kama. Maya maya lamang ay ibinagsak ko ang aking katawan na nakabuka ang dalawa kong braso upang mahiga muli.

Naramdaman kong may nasanggi ako sa aking kama kaya naman kahit antok pa ako ay idinilat ko ang aking mga mata at laking gulat ng makitang si Keiron na himbing sa pagtulog. Sa sobrang gulat ko ay napa------

"Wahhhh!!!!"sigaw ko kaya naman nagising siya.

"Wahhhh!!!!!"sigaw ko ulit habang hinahampas siya.

"Ano ba!?"sigaw niya nang nakaharang ang dalawang braso sa sarili.

"Anong ginagawa mo dito!?"

"Natutulog malamang. Ano bang silbi ng kwarto kung hindi tutulugan!? Mag isip ka nga. Tsk!"

"Ehh bakit dito ka natulog!? Mayroon namang guestroom dito ahh."

"Excuse me!? Ikaw na babaeng madaldal daig pa ang palaka, ikaw kaya nagpumilit sa aking huwag kang iwan dito. Hindi mo ba naaalala!?"

Natigilan ako sa sinabi ni Keiron. Ako ang nagpumilit sa kanya? Bakit wala akong maalala?

Inisip ko kung ano ang nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala.

"Umalis ka na dito bago pakita masapak! Alissssssss shoooo shooo....." pagpapalabas ko sa kanya habang tinutulak siya pababa sa kama.

"Ito na nga ohh! Aalis na,manunulak pa."at ayon na nga siya lumabas na at pinagbagsakan ako ng pinto?

Agad kong inayos ang kama ko bago tumayo upang maligo.

Natapos na akong maligo nang mapansin ang isang camera sa side table ko. Hindi naman ito akin kaya kanino ito? Dahil sa na curious ako pinanood ko ang isa sa video nito at nakita ko dito si Keiron na inaayos ang pagkakalagay ng camera. In open ko ito at pinanood ang kabuuan nito.

Keiron's PIV

Hay nako, ang aga aga pa ang sakit na agad ng katawan ko. Sira ulong babae, maingay na nananakit pa. Ano sya AMAZONA?

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa CR. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Jay na nakahiga at parang natutulog? Dito ba siya natulog? Luko talaga.

Nilapitan ko siya upang gisingin. Hayop ang himbing ng tulog ng luko.

"Jay, Jay ,JAY!" sigaw ko sa kanya. Ayaw pa papagising ehh.

"Ano ba!? Ano ba!? Keiron? Bakit ka na dito? Kitang natutulog pa yung tao ehh"

"Ikaw, bakit dito ka natutulog sa CR may kwarto naman?"

"Huh? Anong CR ba sina---" siya mismo ang napatigil sa sinasabi niya nang mapansin na nasa CR nga siya.

Halatang nagtataka siya pero nagawa pa rin niyang makatayo at makalabas ng CR kahit na pagewang gewang siya. Natawa na lamang ako at nagpatuloy na sa gagawin ko dapat. Ilangminuto lamang ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina.

Nadatnan ko doon sila na masayang nagkukwentuhan kaya naman ay nakisali na rin ako sa kanila.Napansin kong wala pa si Air dito kaya naman napatingin ako sa taas at biglang nagtagpo ang paningin  namin. Anyare doon? Bumaba na siya at lumapit sa akin kaya taka ko siyang tiningnan.

"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya pero imbis nasagutin ako ay may inabot siya sa akin. Ito yung camera ko na ginamit kong pang video kung sakaling magtanong siya sa pinaggagawa niya kagabi.

Once in the Blue MoonWhere stories live. Discover now