Chapter 3

32 4 0
                                    

Air POV

Ilang araw na kaming nakatambay sa bahay ni kuya Zen.Lagi kaming nasa study room ng bahay namin upang sa pagpasok namin nextcweek ay may alam na kami kahit papaano.Nakabili na rin kami ng mga gamit at nakapagpatahin na rin kami ng uniform.

Monday ngayon at balak naming magpaover-night dito sa amin.Tinawagan namin ni Kuya ang mga kabarkada namin.Si kuya rin ang nakaisip nito para raw bago magpasukan ay stress free na kami.

Papunta kami ni Kuya sa Super Market upang bumili ng mga pagkain at iba pa.

"Air,ikaw na ang bahala sa inumin.Ako na ang bibili ng mga lulutuin." sabi ni kuya.

Always naman.Kapag nagkakaroon kami ng over night sa house namin,ako ang bumibili ng mga inumin like beers,juice,soft drinks at iba pa.Si Kuya naman ang nagluluto (pero madalas ako) kaya siya ang bumibili ng mga rekados.

"Kuya,kailangan ba talaga natin itong gawin?Tayo lang naman lagi nagastos ng mga pagkain tapos parang ngayon dumoble pa ata ang binili natin" angal ko kay Kuya.Lagi na lang kasi.

"Oo naman Air,kailangan ito kasi kapag pumasok na ulit tayo hindi na natin ito magagawa." saad ni Kuya.

May point naman siya.

"Pati kaya ako bumili ng marami kasi may inaya akong bago kong kaibigan noong naglaro kami ni Jay doon ko siya nakilala. Kabatch mo siya." pagpapatuloy niya. Ahh! Kaya pala.

Si Kuya Jay ay nakakatandang kapatid ni JK. Kung nagtataka kayo kung bakit JK ang tawag ko sa kanya kasi nickname niya iyon. Ang totoong pangalan niya is James Khent. Ayaw niyang magpatawag ng James kasi ang panget daw pakinggan at ayaw din naman ng Khent kasi ang weird daw kaya JK na lang. Eww! Joke lang.

Ngayon ay papunta na kami sa counter. Laking gulat ko ng makita ang halaga ng napamili namin. OA na kung OA pero sino bang hindi magugulat kung makikita mong aabot ito ng Php 33,000. Seriously,amputs naman buti nalang nagpadala si Tita ng allowance namin kahapon kaya may pambayad kami. Yes si Tita ang nagbibigay ang nagbibigay ng allowance namin pero sa Papa namin galing iyon pati yong pangpa aral namin sa kanya din galing.

Pagkatapos naming magbayad ay umuwi na kami. Pagkauwi namin ay saktong dating nina Kuya Jay kasama sina JK,Czanelle,Czarina kasabay pa ang ilang kabarkada ni Kuya na sina Kuya Kev ,Ate Sam,Ate Nics at Kuya Yuan. Ang nakapagtataka ay wala pa yung sinsabi ni Kuya na new friend niya.

"Yow,what's up papa Zen?" bati ni Kuya Kev kay Kuya.

"Kev, don't you ever call me papa Zen. So gay" halatang nainis si Kuya kasi ayaw niyang tinatawag siya na papa Zen ni Kuya Kev.Hahaha! Si Kuya Kev lang talaga ang nag aalis ng serious mood ni Kuya.

"So now, where's Keiron?" Tanong ni Kuya sa mga kabarkada niya. Keiron pala ang pangalan ng new friend nina Kuya,nice.

"Am i late? Sorry guy,its traffic kaya natagalan ako." Saad ng isang lalaki na nagpatigil sa akin.

Pamilyar sa akin ang tin8g na iyon.Wow tinig so deep.Hahaha! Pero pamilyar talaga ehh parang narinig ko na iyon from somewhere. Agad akong nilingon kung saan nagmula ang boses na iyon at laking gulat ko ng makita ang lider ng mga mokong.

"Anong ginagawa mo dito mokong ka!?" Sabi ko sa kanya.

"Oh hey miss! Long time no see" sagot niya.

Sira ba siya? Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.Mokong talaga.

"You know him Air?" Tanong ni Kuya Zen sa akin.

"Yes Kuya he's the leader of mokongs" inis na sagot ko kay Kuya.

"Oh Zen kapatid mo siya?" Tanong ni Mokong.

Once in the Blue MoonWhere stories live. Discover now