Kabanata 4

36.5K 1.3K 1.4K
                                    

Kabanata 4

Kinuha ang atensyon naming lahat nang may marining na harurot ng mga motor. Tunog palang ay alam ko na kung sino ang mga 'yon.

Sa gitna ng paligid na malapit nang dumilim ay bumulusok ang humaharurot na motor nila Azea at Atasha.

Iniharang ko sa mukha ng bahagya ang kamay dahil sa liwanag ng ilaw ng motor nila. Lahat kami ay nasilaw sa biglang paglitaw noon.

The Bloodfeuds were behind me, waiting too. I was about to go home with Mako and Kael, the reason why we're already outside.

Pero napahinto kami dahil sa mga humaharurot na motor papunta sa gawi namin.

"Sino sila?" Kaiden asked curiously.

"I don't know, tsk," Trevan hissed. "Why the guards let them in?"

It's their place so I don't have anything to say about that. I didn't answer their question even though I knew it. Mako and Kael did the same.

Ako ang nasa unahan nila kaya kitang-kita ko ang pagharurot papunta sa amin ng motor nila. Ngumisi ako nang kahit ilang metro nalang layo namin sa isa't isa ay hindi bumagal ang takbo nila.

Dinig ko ang malulutong na mura ng mga Bloodfeud na nasa likod ko. Bahagya silang napaatras nang mas lalong lumapit ang distansya namin sa isa't isa.

Azea and Tasha drifted and parted their ways exactly in front of me. I heard a member beside breathed heavily. They felt relief on it. They are like Ate Alexia's friend when we did it too with them.

Lahat sila ay napatingin kay Tasha nang tanggalin nito ang helmet na suot. Agad kong narinig ang mga bulungan nila nang makita siya. Ang iba ay nagulat at napamura o 'di kaya'y namangha.

Holding her helmet, Atasha walked towards us. She raised her brow when she heard a whistle. Her eyes surveyed to the Bloodfeud members at my back.

Naglakad ako palapit sa kaniya para salubungin siya. Tumingin ako sa kaniya na nagtatanong. Nilingon niya ang gawi ni Azea na may kung anong kinukuha kaya naintindihan ko agad.

Something came up.

She turned again her gaze to the Bloodfeud members.

"Kayo pala ang Bloodfeud?" tumango-tango si Tasha habang nanunuri ang tingin sa kanila.

Bloodfeud looked at each other with a doubt on their eyes.

"Have we met before?" Vlast asked her in a seemingly flirty tone. "You loo-"

"Manahimik ka," nanunuyang ngumisi ang pinsan ko sa kaniya. "Gasgas na 'yan."

The members laughed at Vlast when he got rejected immediately. I can sense now that he's a playboy... or sort of.

Hindi nakatakas sa paningin ko si Kaiden na nakatulala kay Atasha at tila na tigilan. Nakita ko rin siyang ganoon kanina, na para bang gulat na gulat makita ang isa sa amin.

"Azea?" I heard Giusteo's voice.

Lahat kami ay napatingin sa gawi kung saan nakatitig si Giusteo. Azea was walking towards us without any expression. And she looks like in a bad mood.

"Who are you?" Azea asked him casually.

He was smitten while looking at her. He looked so nervous. I'm sure that it's because of the incident in Tialis earlier... or maybe not?

"Siya yung nakalaban ng Prome," Killian blurt out.

The members nodded in sequence while looking at Azea. Their brows furrowed, observing her.

BLOODFEUD 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon