Kabanata 36

21.5K 1K 919
                                    

Kabanata 36

"Bakit hindi niyo pa nilahat, tsk," Mako leered.

Oras lang pagtapos ng libing noon ng mga Solasta at Levesque ay napagplanuhan na agad ng dalawa ang gagawin sa mga Caceres.

Halos ubusin ni Lucien Levesque at Azria Solasta ang mga Ceceres. Pati na ang Cruor ay hinanap nila.

Pero gaya ng ginawa ng mga Caceres sa kanila, nagtira rin sila. Pinabayaan nila ang mga bata, si Savanna at Adriana.

"Gusto nila ng ganoon, pinagbigyan ko lang," nagkibit-balikat si Lucien.

Sumandal ako sa upuan at napaisip saglit. Iba ang inakala ko sa babala ni Nyx. Nagkamali roon, mahina akong napamura.

Apat na araw na kami rito sa Santuario. Nailibing na rin ang katawan ni Lola. At hanggang ngayon, wala kaming makita na ebidensyang nagsasabi na mga Caceres na naman ang may gawa nito.

"Maybe the Cruor Organization you said is coming back now?" Atasha said and turned to Lucien.

"We don't have any proofs, yet," Lucien said coldly. "But Almiro is still working on it."

Napalingon kaming lahat kay Kuya Miro. Nagkibit-balikat lang siya, mukhang wala pa ring nahahanap.

"Paano kung wala pala sa dalawang 'yan?" Vielle blurt out.

Lucien glanced at her with narrowed eyes.

"Hihintayin ko siya..." Lucien paused for a while. "O sila... na magpakilala."

"Hindi mo hahanapin?" salubong ang kilay na tanong ni Avani.

Lucien shrugged calmly. She looks like ready anytime.

"Mag-ingat lang muna kayo, Alexia at Leuxia," aniya at nilingon kami. "Dahil bukod kay Vielle, mukhang malalaman na rin nila ang tungkol sa inyo."

"Sila dapat ang mag-ingat," ani Levior Alexia na matalim ang mata.

She's really angry... owing to the fact that Lola died unexpectedly.

"Nasabi sa akin ni Nyx na may kapatid akong matunog ang pangalan sa kanila," untag ko. "Siguradong isa lang iyon sa kanilang dalawa ni Vielle."

"May nalalaman na sila," tumango si Lucien.

Huminga ako nang malalim at sumandal ulit sa upuan.

I suddenly missed our quiet days before when Vielle  wasn't missing. Then days when I don't have any ideas about hoods in Gorostiza.

Karera lang ang pinagkakaabalahan namin nila Azea noon. Na kahit mag-cutting ay gagawin namin para makasali sa karera.

Pero lahat ay naging magulo na. Simula nang akala nami'y nawala si Vielle... at nang mapasali ako sa Bloodfeud.

"Lucien..."

We all transfixed our gaze towards the sliding door, parting its way from mansion and garden.

It's Azria Solasta, calling Lucien.

Lucien stood and walked towards her. Naiwan kaming magpipinsan at ang mga Solasta rito sa labas.

"Anong meron sa association mo Vielle?" tanong agad ni Rusev nang makaalis sina Lucien.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon mapag-usap lahat dahil sa pagiging abala sa nangyari kay Lola. Kahit ang mga Solasta ay nababahala.

Baka mangyari ulit ang dati at hindi kami handa. Kailangan naming makasiguro... lalo na't hindi sila patas maglaro.

"Vigilant Association," Vielle said coldly. "Gaya nung sa Cruor."

BLOODFEUD 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon