CHAPTER ONE

640 29 4
                                    

DISCLAIMER: Hindi nagtapos ang WWII at umabot ito hanggang taong 1941. Panahon kung saan nasa ilalim na ang pilipinas ng pananakop ng mga Hapon. Ang ilang detalye ay hango sa kasaysayan ng bansa.

A/N: Ito ang unang pagkakataon na sumusulat ako ng isang nobelang nagbabalik tanaw sa kahapon. Noong una kinakabahan ako dahil hindi ko alam saan ba ako magsisimula. Salamat kay Patricia sa generousity niya. Hihihi This novel inspired me a lot. I was writing this part till 11 pm last night. And I am so awake till this very hour dahil sa excitement. Kagabi ko pa gustong ipost ang chapter na ito ngunit pinigil ko ang sarili ko. Hahaha and mind you, I was singing so loud while writing this chapter. Hard for me by Michele Morrone at the background habang nagsusulat ako. At gusto ko lang sabihin sa inyo na ang ilang typo-graphical error na makikita niyo ay hindi ko sinasadya. Dala lamang ng excitement! hahaha. Enjoy Reading!


--------------


CHAPTER ONE

Dahan dahan itinulak ni Patricia ang pintuan pabukas. Maaga siyang gumising ngayong araw at sinadya niya iyon para maghanda ng breakfast. Usually, nagiging siya pasado alas onse na ng tanghali kapag wala siyang pasok. Madalas kasi ay napupuyat siya sa pagrereview niya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at isang taon nalang ay matatapos na niya ang nursing. Ang gusto ng mga magulang niya ay maging isa siyang doctor kagaya ng mga ito at ng iba pang miyembro ng pamilya nila. Pero napag isip isip niya na hindi dapat siya magmadali. Kailangan niya muna pag isipan mabuti ang bagay na iyon kung ganoon nga din ba ang gusto niya para sa sarili. Hindi niya kasi nanaisin na sa huli ay aatras siya kung kailan nasa kaagitnaan na siya at alam niya na ilang hakbang na lamang ay matatapos na siya. Bukod pa doon ay, gusto niyang siguraduhin na iyon nga ang para sa kanya. That to become a doctor is her calling.

"Nǎinai" Tinawag niya ang matanda sa salitang Chinese na ang ibig sabihin ay Lola. Lumabas ang private nurse na nasa loob nang makita siya. Ito marahil siguro ang dahilan kaya gusto niyang maging isang nurse. Gusto niyang maalagaan ang mga taong mahahalaga sa kanya hanggang sa pagtanda ng mga ito. 

  "Zǎoshang hǎo!" Binati niya ang matanda ng mganadang umaga bago inilapag sa maliit na mesa ang tray na puno ng pagkain na inihanda niya para dito. Hindi niya narinig ang matanda. Basta lamang ito nakatanaw sa malaking pintuan sa loob ng silid nito na tumatagos sa veranda na nasa labas. 

 "Gusto mong magpahangin?" tanong niya. The old woman look at her. Pagkatapos ay dahan dahan na tumango. Ngumiti naman si Patricia at saka itinulak ito sakay sa kanyang wheelchair. Nang sa wakas ay sumayad na sa mapuputing balat nito ang sinag ng araw na nagmumula sa silangan ay hindi niya. Hindi niya mapigilang wag titigan ito. Ang maputi ngunit kulubot na nitong balat at walang bakas ng ano mang peklat o sugat. Ang singkit nitong mga mata na tila nasisilaw sa liwanag ay isang katibayan kung anong lahi nga ba ang pinagmulan nito. Si Aurora Royeca Ante Zhou, asawa ng namayapa niyang lolo na si Antonio Zhou. Mula sa angkan ng mga tsino na isa sa pinakamayamang pamilya sa tsina. Tubong Zambales ang Lola niya na kalaunan ay lumapit sa Tarlac makalipas lamang ang ilang taon. Samantalang ang Lolo naman niyang si Antonio na nagmula sa Hunan, China ay dumating sa Pilipinas hanggang sa kalayunan ay dito na nanirahan. Taong 1939 nang magkakilala ang lolo't lola niya sa train station sa maynila papuntang conception sa tarlac. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa memorya ni Patricia ang mga nakakakilig na kwento noon ng lola niya noong syete anyos pa lamang siya. Sinabi nito na ang lolo niya ang lalaking hindi nito aakalain na gugustuhin nito at iibigin. Ganoon pa man ang naging pag iibigan ng mga ito ay tila isang naging marka sa nakaraang kasaysayan. Dalawang taon matapos ang kasal ng mga ito. Panahon ng world war II nang magsagawa ng hakbang ang bayan laban sa mga hapon. Ang Hukbong Gerilya-Tsino laban sa hapon o ang tinawag nila noong Wha-chi movement. Isa si Antonio Zhou sa maraming tsino na tumulong sa mga Pilipino kontra hapon. Taong 1942 nang isang libong sundalo ang namatay sa Death march kasama na ang ama ng kanyang lola. Ang isang libong Chinese-Filipino troops ay mga naging bihag ng mga hapon during world war II na nagsimula noong 1941. Ika-9 ng abril taong 1942, nilakad ng isang libong sundalo ang kahabaan ng mariveles, bataan hanggang sa Camp O'Donnell sa Capas, Tarlac. Isang kasaysayan na naging makabuluhan sa kanilang angkan. Na namatay man sa pakikidigma ang magiting na sundalong ama ni Aurora ngunit lumaban para sa bayan at pag ibig si Antonio. Hindi nakaligtas sa paningin ni Patricia ang luhang naglandas sa mga mata ng Lola niya.

 "Grandma?" Agad siyang kumuha ng panyo at pinunasan niya iyon. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan nito. Taong 1998, nang pumanaw ang lolo niya sa edad na walumpu't isa. Sayanng lamang at hindi niya inabutang buhay ang lolo Antonio niya.

 "A-Anong petsa na?" narinig niyang dahang dahan na tanong ng Lola Aurora niya. 

 "April 15 na po Lola. Dalawang araw nalang Centenarian na po kayo. Excited na po ba kayo?" aniya na nakangiti. Taon taon kasi ay may inihahandang salo-salo ang buong pamilya nila para sa kaarawan ng lola niya at maging ng namayapa nitong asawa. 

 "S-Si Antonio, d-darating ba?" natigilan siya sa tanong na iyon ng kanyang abuela. Matagal nang namayapa ang abuelo niya ngunit sa memorya nito ay tila hindi pa. walang sakit ang lola Aurora niya. Sadya lamang daw tanda na ng katandaan nito ang nakikitang panghihina at kung minsan pa'y kalituhan sa paligid. 

 Hinawakan niya ang kamay nito. "La' nasa heaven na si Lolo nakabantay lang sayo." 

 "L-Langit?" pag ulit nito. 

 Tumango siya. "K-Kaya pala dumalaw siya sa aking silid kagabi. Ang sabi niya, Hihintayin kita sa langit."

Gustong tumaas ng mga balahibo niPatricia ngunit mas nanaig ang pagtulo ng luha niya. It's true love. True lovenever dies, it's just time expires. At hinahangaan niya ang ganoong klase ngpag ibig. Hindi natatakot sa bilis ng takbo ng oras at sa bilis ng panahon. Angpag ibig na sumusumpa ng walang hanggan. 

Aurora 1922 (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon