CHAPTER TWO

453 19 8
                                    

A/N: Please play the music at the multimedia to feel the vibe. Enjoy Reading!------------------

CHAPTER TWO

Vintage ang theme ng lugar. Ang malaking bakuran ng mga Zhou ay nadedekorasyunan ng samu't saring mga bulaklak. Sa gilid ng entablado ay ang mahabang buffet kung saan nakahain ang maraming klase ng pagkain. Ang iba doon ay ang ina ni Patricia mismo ang naghanda. 

"Sweetheart, bakit hindi ka pa nag aayos? Mamaya lang ay bababa na ang abuela mo dahil nariyan na ang mga bisita." Agad na humalik si Patricia sa pisngi ng inang si Alicia. Ang ina niya ay nasa edad kwarenta'y dos nga ngunit ang hitsura nito ay para pa ding si Charlize Theron, isang American actress na kaedad na rin nito. Her Mom is so fan of her because of Charlize's various and several movies na paborito ng kanyang ina. 

"Pinuntahan ko lang sa portrait stusio ang pinagawa kong frame para kay lola, Mom." 

 "That's so sweet of you, honey. Alam ko na magugustuhan ng lola mo ang regalo mo sa kanya." Ani nito.

 Her chic shoulder length bob hair with layered ends and soft waves gives more classy vintage look on her. Mas nagmukhang batang tignan sa kanya ang Mommy niya sa ayos nito.

 "Thanks, Mom." Aniya sa ina.

 May ginawa siyang charcoal drawing ng portrait ni Aurora at Antonio. She got the photo from the album when they celebrated their Golden Anniversary. Sayang nga lamang na hindi iyon makikita ng lolo niya. But wherever he is by now, alam niyang nakabantay lang ito.

 "Anyway, go upstairs at mag ayos kana. I already prepared your dress for the occasion." Sabi ni Alicia at iminuwestra na siya papasok sa loob ng kabahayanan.

 Gusto niya ang atensyon at pag aalalaga nito. But sometimes, she was thinking kung hindi ba sobra naman na? she is already nineteen years old but her parents still treated her as if she was still an eight-year-old little girl. Ang araw araw niyang sinusuot ay ang mommy niya ang nagdedesisyon kung ano. Even for shoes, jewelry, and perfume to wear. Pagdating sa mga pagkaing kinakain niya ay very conscious ang mommy niya. Habang ang daddy naman niya ay hindi siya hinahayaang magmaneho mag isa. 

At nineteen, ay inihahatid at sundo pa rin siya ng family driver nila. She's not even allowed to go out during weekends with her school friends. Madalas na siyang natatawag na nerd at dork ng mga kaeskwela niya. Wala siyang buhay s alabas ng eskwelahan nila. Her parents are over protecting her. Hindi niya naman masisisi. Nag iisang anak siya ng mga ito. Pero kadalasan ay napapaisip din siya. Wala pa rin bang tiwala ang mga ito sa kanya? She can do more? That she's old enough para gawin naman ang mga bagay na gusto niyang gawin? 

Hindi naman siya nagrereklamo. Alam niya kasing mahal na mahal lang siya ng mga ito. Pumasok siya sa silid niya at tinanaw sa binatana ang bakuran nila. She never had a chance to have a party with her friends kapag iniimbita siya ng mga ito.

 Nang iiwas na niya ang mga mata sa labas ay nakita na niya sa kama ang floral peach dress na susuotin niya. Magaling pumili ng mga kasuotan ang ina niya. But her taste was like a time of 90's. isa iyong botton down dress na may kwelyo at manggas. Maganda naman ang hitsura. Pero agad niyang naisip ang mga style ng damit na nakita niya online yesterday. Mga damit na bagay sae dad niya. Mga mga millenials na kagaya niya. But for sure, Alicia would not agree with those. Ayaw ng mommy niya ng mga damit na makikita ang likod, dibdib at balikat niya. Hindi rin siya nito pinagsusuot ng mga pang ibaba na makikita ang buong hita niya. 

 Napabugtong hininga nalang siya. Hindi na niya mababago ang ngayon. Lumapit nalang siya sa vanity mirror niya at tinignan ang mukha saka nagpasyang magbihis na. eksaktong huhubarin niya ang damit nang magvibrate ang cellphone niya na ansa bulsa pa pala ng pantalon niya. 

Aurora 1922 (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Where stories live. Discover now