CHAPTER FOUR

386 18 10
                                    

CHAPTER FOUR 

May tila hangin na humahaplos sa balat ni Patricia. Hangin na bumubulong na tatagan niya ang sarili at wag magpadala sa lungkot na nadarama. Hangin na nagsasabing kailanagn niyang maging malakas para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya. Pero paano? Seeing her Grandmother for the last time makes her feel so alone. 

 Nakatayo ang bawat isang miyembro ng pamilya sa loob ng museleo habang tahimik na namamaalam sa yumaong abuela niya. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na ang kamatayan nito ay siya namang pagkadugsong ng buhay niya. Na habang nag aagaw buhay siya ay binabawian naman ito ng buhay. Nang gabing iyon, ang natatandaan ni Patricia ay nakarinig siya ng mga sigaw sa loob ng bakuran nila. Mga natatarantang tinig at nagkakagulo. Pero hanggang doon nalang ang naalala niya dahil naramdaman nalang niya ang pagtilapon ng katawan niya sa isang madilim na bahagi ng kalye. Ang sabi ng mommy niya ay may isang lalaki daw na pumasok sa loob ng bahay nila at humingi ng tulong. Alam niyang si Max ang taong iyon dahil sila lamang ang magkasama ng gabing iyon. 

 Magkasabay silang dinala ng abuela niya sa ospital ayon sa kwento ni Alicia nang magising siya. Ang akala daw ng lahat ay pati siya'y mawawala na. Her grandmother was still delivered with electric shock to restore her normal heartbeat pero hindi nangyari. Namatay din ito kinalaunan. At siya? After the defibrillation, ay maswerteng nabigyan pa ng pangalawang buhay. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya at saka pinilit na wag maluha muli. Aurora wouldn't like to see them, mourning. 

Alam niyang lalo lamang malulungkot ang matanda kung nakikita sila nito na ganoon. Muli niyang tintigan ang litrato nito na nakapatong sa marmol na bato kung saan kanina ay ipinasok ang kabaong nito. Sa ibabaw ding iyon ay ang lumang litrato ni Antonio. Ngayon niya naisip na magkasana na sa langit ang abuela at abuelo niya. Masaya na ang mga ito dahil saw akas ay magpapatuloy na ang pagmamahalan nila sa kabilang buhay.

 Dahan dahan siyang lumabas ng museleo at binaybay ang daan pabalik sa lumang ancestral house ng mga Zhou. Isang two-storey old mansion iyon na nakatayo sa ituktok ng burol na siyang nakatanaw sa silangan kung saan tanaw ang kalawakan ng karagatan. Sa likod ng lumang bahay ay isang light house na sinasabing mas matanda pa sa mansion na iyon. Lumubog na ang araw. Ilang sandali na lamang ay kakalat na ang kadiliman sa paligid. 

Pinili ni Pat na baybayin ang talampas pababa sa dalampasigan. Gusto niyang mapag isa. Gusto niyang pakinggan ang katahimikan na walang dala kung di payapang sandali. Hinubad niya ang suot na putting sandals at itinapak ang mga paa sa puting mga buhangin na hinahaplos ng mapanuksong mga alon. Nabasa ang mga paa niya at naramdaman niya ang lamig ng tubig. Nakatitig lang siya sa gawing kanluran kung saan ang araw ay nanahan at unti unti ay nagkakalat ng dilim. 

Ang langit na kanina'y asul ngayon pinaghalong asul at lila. Bumuo iyon ng kulay na tila nagsasabing bukas hindi ka na naman nag iisa. That someone will always reminds you that sunsets are proof that no matter what happens every day can end beautifully. Sinabi ng isang social media enthusiast na madalas niyang mapanood sa mga blog nito. Umupo siya sa buhanginan at hinayaang basain lamang ng mga alon ng dagat ang kanyang mga paa. Pinagdikit niya ang mga binti at saka sumubsob sa kanyang mga tuhod. Patricia slowly hummed, sa saliw nang tinig ng mga maliliit na ibon sa paligid. This is how she wanna cope up from the pain. This is how she wanna mourn. Ang tunog ng alon at ang huni ng mga ibon ay tila musika na sumasabay sa kanyang awitin. 

 "Would you know my name. If I saw you in heaven?" Kanta niya.

Would it be the same

If I saw you in heaven?

I must be strong and carry on
'Cause I know I don't belong here in heaven
 

That moment, Pat knew that she was not just singing the song. She's crying with the song. At tila ba patuloy niyang naririnig ang awiting iyon ni Eric Clapton. Ang kantang daw iyon ang awiting madalas kantahin ng Lolo niya sa lola niya. 

Would you hold my hand

If I saw you in heaven?
Would you help me stand
If I saw you in heaven?
I'll find my way through night and day
'Cause I know I just can't stay here in heaven
 

 Nakasubsob pa rin ang mukha ni Patricia sa kanyang mga tuhod. 

"Beyond the door, there's peace I'm---." Her phone vibrated inside her pocket. 

 May bulsa ang suot niyang puti na bestida. And her mom choose it for her. Pinahid niya ang mga luha at saka ipiasok ang kamay sa bulsa at hinugot niya ang cellphone sa loob. May mga text messages doon na pumasok. Nakita din niya ang pangalan ng daddy at mommy niya. Tila hinahanap na siya ng mga ito. Ibabalik n asana niya muli sa bulsa niya ang cellphone nang muli iyong magvibrate. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na galing sa mga magulang niya ang mensahe. 

  If you wanna have someone to talk to. I'm here to listen. Sana alam mo yan. 

 That message. Hindi na niya kailangan na palaging manghula. 

 "M-Max..." 

 After the incident and she recovered from her fatal death ay wala sa ospital si Max. ang buong akala niya ay magigising siya na naroron ang binata dahil alam niyang narinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Dumagan ang palad niya sa dibdib niya. And suddenly, a memory of her flashes through her mind. 

  Nakatanaw siya sa bahaghari na nasa pagitan ng dalawang bundok na nasa kanluran. Ang makulay na pinta sa kalangitang iyon ay tila nagsasabi sa kanya na hindi malungkot ang susunod na bukas. Na bukas pagmulat ng mga mata niya ay may isang umaga na masasabing kay ganda ng buhay. Naramdaman niya ang pagpalibot ng mga braso sa baywang niya. Kilala niya ang amoy na iyon kaya hindi na niya kailanman kailangang manghula kung sino ang taong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. 

 "Alam ko na masakit pa rin sayo hanggang ngayon ang pagkamatay ng iyong ama. Pero hindi mo kailangang mag isa. Kung nalulungkot ka at kailangan mo ng kausap. Narito lang ako, handa palaging makinig sayo. Mahal ko." 

Ikinurap kurap ni Patricia ang mga mata. She saw herself. She saw her and Max in her own memories! Pero paano? Alam niya siya iyon. Ang mga tinig ni Max. tila sanay na sanay na itong tinatawag siyang mahal. Gusto niyang isiping panaginip ang lahat ng iyon pero hindi siya tulog. She is so awake at hindi pwedeng managinip siya ng ganoon ganoon nalang. It was her memory. Her flashback memories. Pero bakit siya nagkaroon ng mga ganoong alaala? 

 Pumikit muli siya at pilit binalikan sa isip ang eksenang iyon kung saan yakap siya ni Max mula sa likuran niya habang ibinubulong ang mga salitang iyon pero hindi na muli niyang maalala. Nalilitong pinakiramdaman niya ang pintig ng puso niya. There is suddenly wrong with her. Bakit sa tuwing maiisip at maaalala niya si Max ay bumibilis ang tibok ng puso niya at ang gusto lang niyang gawin sa mga oras na ganoon ay yakapin ang binata at magpakulong sa mga bisig nito. 

 And she closed her eyes once again. "Gaya ng mga ginagawa niya noon..." she whispered.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aurora 1922 (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Where stories live. Discover now