CHAPTER THREE

383 25 8
                                    

A/N: Sana nabasa mo na ang prologue bago ka nakarating dito para mas maunawaan mo kung bakit naging ganyan na ang pagnanarrate kay Patricia. Attention again, Guys please bear me with some typo-grammatical error that you will notice here. Sa sobrang excited ko na mabasa niyo ang mga kasunod na kabanata ay hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa. Enjoy Reading!


-----------------


CHAPTER THREE

"Aurora?"

Pat is breathing heavily as she listened to that voice once again. Saan ba siya galing bakit ang pakiramdam niya ay pagod na pagod siya? Bakit parang kanina pa siya kinakapos ng hininga at hindi na niya alam saan siya pupunta. Nalilito na siya sa paligid niya. Naririnig niya ang iyak ng mommy niya. Naririnig niya ang paulit ulit na pagtawag nito sa kanya.

"Mommy..." She wanted her to know na nandito siya. Gusto niyang marinig siya nito. But why they could not hear her? Nasaan ba siya. Is there someone who kidnapped her?

Ipinikit niya ang mga mata. And then a voice a man whispered onto her ears. "Gising Aurora."

Nanlaki ang mga mata niya sa tinig na iyon. She knew that voice. Pamilyar sa kanya iyon. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala ang mga huling kaganapan sa kanya bago siya nakulong sa kadilimang iyon. Ilaw. Tama nakakita siya ng ilaw. Nakita niya ang isang tao doon.

"M-Max?" Halos bulong lamang niya iyon habang nakapikit.

"Gising na, Mahal ko." Hindi niya alam ano ang totoo. Hindi niya alam kung nananaginip siya. Hindi niya alam kung nasaan nga ba siya? Basta ang alam niya ay may kakaibang nangyayari sa paligid niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa tila eksena sa isang pelikula na lumabas sa isip niya ang lahat ng mga kaganapang tuluyang nagpagising sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong ni Patricia sa lalaki nang matanawana niya itong nakatayo sa posting nas atapat ng gate nila. Nakapamulsa ito at nakasuot nang maong na pantalon at putting T shirt na pang ibabaw. Sa balikat nito ay itim na jacket habang nakalugay ang mahaba nitong buhok.

"Gusto kitang makausap, Pat." Hinithit nito ang sigarilyo pagkatapos ay basta na lamang initsa sa lupa at inapakan hanggang sa mapulbos iyon.

Nakasunod lamang siya ng tingin sa bawat gawin nito. Max is always opposite of a guy na gusto niya para sa sarili. At alam niyang tama siya na wag itong piliin dahil alam niyang wala itong idudulot sa kanya kung hindi gulo. Tinanaw niya ang maingay at mailaw nilang bakuran. Today is her Grandmother's centenarian birthday. At hindi niya gustong masira ang masayang okasyong iyon dahil lamang sa makikita siya ng pamilya niya na kausap si Max.

"Mabuti pa umalis kana bago pa may makakita sayo." Pagtataboy niya sa lalaki.

Ngunit matiim lang itong nakatitig sa kanya. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo nga ako gusto." Doon namilog ang mga mata niya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Gusto na lamang niyang makalayo sa binata at iwan ito. Ngunit huli na dahil hawak na nito ang kamay niya.

"That kiss, Pat. Alam kong may ibig sabihin din sayo 'yon."

Binawi niya ang kamay niya na hawka nito. "That was nothing, Max. kung ano ano lang ang iniimagine mo."

"Talaga ba? Ang iimagine nga lang ba ako? The way how you respond to my kisses. Iniimagine ko nga lang ba iyon?" alam niyang hindi panunukso iyon dahil nababasa niya ang kaseryosohan sa mga mata nito.

Aurora 1922 (PUBLISHED UNDER KPUB PUBLISHING)Where stories live. Discover now