02

5K 196 101
                                    

Kabanata 2

Malakas kong isinara ang pintuan at padabog na ibinagsak ang katawan sa sofa.

I closed my eyes massaging my forehead.

Pakiramdam ko hindi ako napagod sa kakahanap ng trabaho. Napagod ako sa lalaking 'yon.

Grabe, napaka-isip bata niya!

Hindi ko na nilingon ang nagbukas ng pintuan. Sa ingay nila ay kilala ko na.

"Muriel, naman! Hindi mo kami hinintay!" ani Julie. Rinig ko ang mga yapak nila papunta sa akin, umupo sila sa magkabilang gilid ko.

I let out a deep sigh and looked at them.

Bakit ko kayo hihintayin? Importante ba kayo?

"Sino ang Ryker na 'yon?" tanong ko.

Tila kumislap ang mga mata nilang dalawa at nilapit ang mukha sa akin.

Ipinikit ko ang mata ko dahil kukulitin na naman nila ako.

Damn, naughty cousins.

Mas bata nga ako sa kanila pero kung pag-uusapan ang pag-iisip ay mas matured ako, sila naman ay immatured.

Hays.

"Crush mo si Ryker noh?!" sinundot ni Matha ang tagiliran ko. Kaagad ko siyang binigyan ng matalim na tingin kaya tumigil 'to.

Si Julie naman ay yumakap sa braso ko.

"Gurl! Bagay kayo ni Ryker. I swear! Gosh, bakit mo siya nagustuhan?" tumaas-baba ang kilay niya.

I rolled my eyes.

"Tinanong ko lang kung sino ang isang 'yon. Naiinis ako sa kanya, alam niyo ba 'yon?! Ang lakas ng tama niya! Isip bata pa, huh!" I scoffed, with a loud voice.

Me? Crushing on that guy? Oh, god! No!

"Bihira lang 'yon maging makulit, insan. May mga panahon na nagiging seryoso siya. Tsaka, alam mo ng mahuli ko siyang nakatingin sa'yo, grabe!!! Para ka niyang hinuhuburan!" ani Matha.

Tumili pa ang dalawa. Naitakip ko tuloy ang kamay ko sa tainga.

"Matha, kakapanood mo ng bold 'yan ang iniisip mo. Malibog ka talaga kahit kailan." saad ko. I stood up and go to the kitchen. Of course, they'll still following me.

Umupo sa kitchen counter si Julie. Nasa gitna ito ng Kitchen Area. Gawa sa mamahaling tiles pero wala man lang pakialam ang dalawa.

Gumaya din si Matha.

I opened the refrigerator and took the pitcher to drink some water. Narinig ko na naman ang hagikgikan nila kaya inis ko silang nilingon.

"Can you please stop giggling? It annoys me." binaba ko ang baso at pumunta sa gilid ng counter.

Kinuha ko ang dalawang mansanas at hinagis sa kanila. I took a bite from my green apple and looked at them with my bored eyes.

"Ryker Jett Lincoln, 31 years old..."

Nabilaukan ako.

Kaagad akong inabutan ni Julie ng isang basong tubig na mabilis kong nilagok.

Laking-mata kong tiningnan si Matha.

"31 years old?!" sigaw ko.

Gulat pa ang dalawa sa biglaang pagsigaw ko. 'Di kalaunan ay malakas silang tumawa.

Lumunok ako. Hindi halata sa mukha ng lalaking 'yon na nasa 30's na siya. Akala ko nga ay magkasing-edad kami o may agwat lang na dalawa o tatlong taon.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon