28

2.4K 81 0
                                    

Kabanata 28

"I need to go. Bye, baby."

Hinalikan niya ang aking noo, ako naman ay tiningnan ko lang siya. "Hanggang kailan ka ba do'n?" I asked.

"Maybe for a week or more than that. I don't know, but don't worry I'll be back as fast as I can just for you..."

I bit my lip. Lumapit ako at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Ngayon kasi ang alis niya papuntang Canada dahil nga sa next project nila. Alas-syete ng umaga ay gumising na ako para makapaghanda na at nang pagbukas ko ng pintuan ay siya ang bumungad do'n. May bitbit na isang bag at pormal ang suot.

"Mukhang mahihirapan ako sa pag-alis, ah." aniya. He hugged me back and kissed the top of my head. "Babalik din naman ako. We can have a video call or text while I'm working or when I'm done with my work. Please, don't make this hard for me, baby."

Humiwalay ako sa yakap at inangat ang tingin. "Sige na, kailangan mo ng umalis. Di'ba dapat nga ay nung pagkatapos ng birthday ko ay inasikaso mo na ang alis mo pero dinala mo pa ako sa France ng dalawang linggo tapos ay tumulong ka pa sa paghahanap kay Rikki. Late na late ka na..." malungkot kong sambit. Bumaba ang aking tingin sa necktie nito na hindi maayos ang pagkakalagay kaya inabot ko 'yon at ako na ang nag-ayos.

"It's okay. Nagpaalam naman ako sa President na susunod na lang ako. Nasa 1/4 pa kasi ang natatapos nila kaya baka kung nando'n ako ay matatapos 'yon nang mabilis at makakabalik ulit ako dito."

Itinango ko ang aking ulo. He reached both of my hands and kissed the back of my palm. And he comes closer and kissed my lips, giving me a soft and passionate kiss.

"Pagbalik ko, babawi ako sa'yo. Okay? I love you..." He whispered.

I smiled. "I love you, too. Hihintayin ko ang pagbalik mo."

Binigyan niya pa ako ng isang halik bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kinawayan ko si Mr. Will, tumango lang ito sa'kin. I looked at Ryker and waved my hand to him. He mouthed "I love you", again.

Pag-alis ng kotse nito ay mabilis ko ng inayos ang mga gamit ni Matha, nilagay ito sa di-kalakihang bag. Nang matapos na ako sa lahat ay umalis na ako.

Alas-otso y trenta ay nakarating na ako sa hospital.

"Goodmorning!" usal ko. Gising na pala ang dalawa at nanonood ng T.V. Nilapag ko ang bag at ang biniling prutas sa maliit na mesa at tinabihan ng upo si Matha. "Feeling better?"

"Yes. Kumikirot lang minsan ang bandang tiyan ko." Aniya.

"Ah, ganun ba." Tumayo muli ako para kunin ang cream na nasa bag. Nang makuha ko 'yon ay dinampi-dampi ito sa pasa ni Matha. Nabilang ko pa na anim ang lahat ng ito, may natuyo pa ngang maliliit na dugo sa loob.

Si Julie ay tinitingnan ang ginagawa ko.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo. Kakatapos nga lang namin, eh." Julie answered.

"Ayan, tapos na." Binalik ko ang cream sa lalagyanan nito at nilagay muli sa bag. Tahimik lang kaming nakaupo habang nanonood ng T.V hanggang sa maramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Matha sa aking kamay.

Nilingon ko siya.

She smiled weakly. "Salamat, ah."

"That's what cousin's for." I patted her head. Naramdaman ko pagtabi ni Julie sa'kin.

"Hoy, siya lang talaga pasasalamatan mo?"

Matha and I rolled her eyes.

"Para 'yon sa inyong dalawa." ani Matha.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon