35

2.5K 76 10
                                    

Kabanata 35

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nahigit ko ang aking hininga ng ilang saglit. Malakas silang humagulgol sa aking tabi habang ako naman ay tulalang nakatingin kay Julie.

Hindi totoo 'yon...

Magkasama lang kami kagabi. Everything is real with him! Naramdaman ko pa siya kagabi, nagtalik pa kami kaya paano siya mamamatay?!

"Huwag kayong m-magbiro..." I said in a low voice, trembling.

Julie sobbed. "We're not joking, Muriel. Ryker is dead. Naka-burol ang katawan niya sa bahay niya." She said.

"Pero kasama ko siya kahapon!" sigaw ko at tumayo. "Magkasama din kami kagabi, nagtabi pa kami matulog...nag-usap pa kaming dalawa..." bigla kong naalala ang binigay niyang singsing. And thank goodness! Nando'n 'yon. Pinakita ko sa kanila ang daliri ko. "See this? Binigay niya sa'kin 'to kagabi, we're now engaged. So, come on...you must be joking, guys." I slightly chuckled but deep inside I'm hurting, so much...

Muriel and Julie stood up and held my hand. "Kung ayaw mo maniwala, pumunta tayo sa bahay niya."

Hinila ako ng dalawa. Pagkalabas namin sa Santa Monica City Hall ay may tumigil na sasakyan sa aming harap. Nang bumaba ang bintana ay nakita ko ang boyfriend ni Julie, si Brian. Kami ni Matha ang nasa backseat habang si Julie ay katabi ni Brian.

Nanatili akong tahimik sa byahe hanggang sa nakarating na kami. Nakita ko sa labas ang maraming tao, may media din. Kaagad akong lumabas at tumakbo patungong gate nila. Pagpasok ko ay nakita ko si Nanay Nita, Mr. Will at ang mga barkada ni Ryker.
May dalawang nakaitim na bodyguards ang pinatigil ako sa main door.

"She's the girlfriend of Ryker." Julie said. Pero hindi pa din nila ako binigyan ng daan. "Are you two deaf? Let her see her boyfriend!"

Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang isang puting kabaong at ang malaking larawan ni Ryker sa gilid, bundles of funeral flowers. May mga tao do'n sa loob. Tumingkayad ako para makita ang loob ng kabaong pero wala din silbi ang tangkad ko, sumama pa ang guards na nakaharang sa daanan ko.

Lumingon si Nanay Lita na kaagad kong tinawag.

"Nanay Lita! Nanay Lita!" sigaw ko. Tumayo siya sa pagkakaupo, nakita ko ang pagpunas niya sa kaniyang luha. Nagbigay ng daan ang guards para makalabas si Nanay na akala ko ay makakapasok na ako pero mabilis nila itong hinarang, niyakap ko si Nanay Nita na nakalabas.

"N-Nay...Sabihin niyo pong hindi si Ryker 'yan. Hindi siya 'yan...Please, nagmamakaawa ako."

She gently tapped my back. "Sorry, hija."

'Yon lang ang sinabi niya. Humiwalay ako sa yakap at sinubukan na makapasok sa loob. "Let me in!! Papasukin niyo ako!" marahas ko na silang pinagpapalo para mabigyan lang ako ng daan. Kahit na anong gawin kong bayolenteng aksyon ay wala pa din, hindi nila ako pinapasok.

"Muriel, kumalma ka. Gumagawa ka ng eskandalo." Matha said. Pero hindi ako tumigil.

"Bakit ba ayaw niyo akong papasukin?! Gusto ko lang naman makita ang boyfriend ko! Please naman, oh...maawa na ho kayo... I want to see Ryker, I want to see him!" I sobbed so badly and punched their chest, again.

Nanginig ang aking tuhod kaya napaupo ako.

"Hindi ako naniniwala na siya 'yan!" sigaw ko. "Ryker! Nasaan ka ba?! Magpakita ka na sa'kin..." tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad. "Please..."

Kahit na anong gawin kong pagmamakaawa ay hindi talaga nila ako pinapasok, maging si Nanay Nita ay tumulong pero wala ding nagawa. Hanggang sa mag-dapit hapon ay nando'n pa din ako. Hinihintay na baka sakaling umuwi dito si Ryker o mapadaan lang.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon