36

2.5K 73 7
                                    

Kabanata 36

"Ate!!!"

"Belle!"

Pagbaba namin sa bangka ay tumakbo si Julie sinalubong ang dalawang kapatid niya. Napangiti ako nang magkayakap na sila. I wished na may mga kapatid din ako pero thankful naman ako dahil nandito ang dalawang pinsan ko na hindi ako iniwan at minahal na parang kapatid nila.

Matha and I walked towards them.

Nanlaki ang mata ng dalawang babae nang makalapit kami. I looked to the one girl, she's very pretty...a morena beauty. This is Belle for sure, hindi ko kilala ang isang bata dahil ngayon ko pa lang naman ito nakita.

"S-Si Ate Muriel na ba 'to, Ate?" tanong ni Belle.

"Oo. Buti nga ay pumayag na umuwi dito sa Pilipinas eh. Ganda niya 'no?" Julie said. Lumapit sa'kin si Belle na may mangha sa kaniyang mata, tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. I smiled sweetly at her, she gasped.

"A-Ang ganda mo..." Aniya.

"Well, not really...but thank you. You're also beautiful too."

Tinakpan nito ang ilong na ikinataka ko. "Ay, speaking english. Dugo ilong ko dito." Aniya.

Natawa ako. "Nagtatagalog din naman ako."

"Hay, buti naman."

Nilingon ko si Julie na hinawakan ang kamay ko. "Tara na para makapagpahinga na tayo." Julie looked at Belle. "Nakahanda na ba 'yung matutuluyan namin?"

Belle nodded. "Oo. Handang-handa na, Ate. Last week pa. Saka naghihintay si Nanay sa bahay. Tara na." Aniya. Nauna itong naglakad na sinundan namin. Lumingon ako sa likuran at nakita na buhat-buhat ng ibang kargador ang mga gamit at naglalakad din papunta dito.

Tumigil kami sa isang bahay na ngayon ko lang nakita. If I'm not mistaken this is a bahay kubo, a nipa house. It looks so refreshing and calm. Sa aura pa lang ng bahay ay para na akong hinehele samahan mo pa ang malakas at fresh na simoy ng hangin. The rooftop is tall and steeply pitched shaped ending in along eaves.

"Dito ang inyo, sa kabila ang amin." Tinuro ni Belle ang kabilang bahay na gawa sa bamboo mats and rods, woods and small ladder. May pagkakahalintulad ang amin sa kanila pero mas malaki nga lang ito.

"Salamat, Belle." ani Julie. "Ay mga Kuya! Dito na lang po ang mga 'yan," sinundan ko nang tingin ang mga lalaki na binaba ang aming mga gamit sa may buhanginan.

"Thank you," I said and smiled. They bowed their heads like a prince.

"Welcome sa Tangalan, Aklan...mga magagandang binibini." Ani nila.

Pagkatapos ng ilang usapan ay pumunta muna kami sa Nanay ni Bella dahil nga sa hinihintay ang aming pagdating sa kanilang bahay bago kami magpahinga. Hindi pa naman gabi, alas-singko y kinse pa ng hapon kaya maaga pa.

"Maaga natutulog ang mga tao dito, Muriel. Mga alas-syete or six pa lang ay mga tulog na tapos gigising ng alas-kwatro o alas-tres ng umaga. Kaya kailangan din natin bilisan." Matha said.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam na ganito pala sa Pilipinas, I mean sa province dito. Binilisan na lang ang aming lakad at nakita ang isang ginang kasama si Belle at ang kapatid nito na naghihintay sa pinto.

"Anak!"

Tumakbo si Julie sa kaniyang ina at binigyan ito ng yakap. Maging kami ay binigyan ng yakap ng ginang at ngumiti.

"Ang gaganda niyo naman. Iba talaga ang nagagawa kapag nasa Amerika..." She looked at me. "Hala, ikaw ba ang anak ni Auriela?!"

I nodded.

Found Myself In You ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon