Part 1

357 5 1
                                    


Inabot na ko ng gabi sa pag iimpake ng mga gamit ko na dadalhin ko pabalik ng Pilipinas, natapos na kasi ang 2 years contract ko dito sa San Diego California. Naisip ko din na bumalik na ko sa Pilipinas for good, tutal nakaipon naman na ko ng sapat na pera para sa sarili ko.

2 years ago when I decided to work here in US. I admit, I was a spoiled brat but when I worked here in US, I have learned how to stand on my own kaya balak ko pagbalik ko sa Pinas, bubukod muna ko sa parents ko and I will build my own business. Malaki kasi ang naipon ko sa pag tatrabaho ko dito, tatlong trabaho sa isang araw ang pinapasukan ko.

Buti na lang talaga at kasama ko dito ang pinsan ko kaya mga ilang araw pa lang ako noon dito, nakapag adjust na agad ako sa madaming bagay.

"Sera, nilagay ko na yung passport mo sa gilid ng bag mo, baka makalimutan mo pa. And don't forget to give this to my mom okay?" Paalala ng pinsan ko sabay abot sakin ng limang pabango na pasalubong niya for her mom

I hugged her tightly before I leave, she will not be able to drop me off sa airport dahil may urgent meeting pa siyang pupuntahan. Sa totoo lang, mamimiss ko ang America, this country has changed me a lot, to become a better person.

"SERA!!!!! ANAK!!!!" Tinanggal ko ang earphones ko nang makita ko sina mama, papa at ang bunso kong kapatid  na si Tony na kumakaway kaway din habang papalapit ako sa kanila. Dalawang oras daw nila akong hinintay sa airport, di naman masyadong excited tong pamilya ko na makita ako haha

"2 years lang ang nakalipas mas matangkad ka na sakin?!" Sabi ko kay Tony habang ginugulo ko ang buhok niya, ngumiti lang siya at tinulungan na kong dalhin ang mga gamit ko. Si Mama naman ay tinadtad ako ng yakap at halik. Samantalang si papa walang reaksyion, sabagay, wala naman din akong ineexpect na reaction niya.

"Saan niyo gusto kumain ma?" Tanong ko kay mama

"Naku anak, sa bahay na lang tayo kumain, ipagluluto na lang kita ng paborito mong inihaw na pusit at papaitan!"

"Ma, next time na lang po, ayoko din na mapagod ka pa ngayon, sumundo na nga po kayo sakin sa airport eh, treat ko na lang po kayo kahit saan niyo po gusto" sumakay na kami sa sasakyan namin para pumunta sa dampa kung saan isa sa mga paborito naming kainan dahil lahat kami ay mahilig sa sea foods.

After namin kumain ay dumiretso na kami sa bahay namin. Pagkapasok ko agad sa gate namin ay sinalubong na agad ako ng pet namin na si coco, he is a white bichon frise. Namiss ko siya ng sobra.

"Ate ilalagay ko na sa kwarto mo mga gamit mo" Sabi ni Tony

"Uhm no Tony, uhm, i'll be renting my own place from now on" sabay namang napatingin sakin sina mama at papa. "Uhm ma, May nahanap na po kasing condo si May for me"

"You should have told us anak, pinaayos pa namin kay yaya yung bedroom mo last night, kahit dito ka na lang muna matulog tonight?"

"Let her be" sabi ni papa at pumasok na sa loob ng bahay. I know our house is too big for the four of us but one of the reasons kung bakit ayaw ko mag stay dito is because of him and he knows that.

I asked Tony to put all my things inside my car, gosh! Ang tagal ko din di nagamit nitong sasakyan ko pero Tony is using this habang nasa US ako, but I feel so sorry for him dahil mukhang wala muna siyang magagamit ngayon papunta sa school niya.

"Sera, nasan ka na ba?! Naghihintay na yung condo owner, mukhang badtrip na nga yung mukha nya eh, pero in fairness guwapo"

I just rolled my eyes habang kinakausap ko over the phone si May, ang bestfriend ko since college, kahit kailan talaga napaka harot nito pero anyway, ganyan lang talaga yan pero loyal yan sa boyfriend niya.

Haay nasa Pilipinas na nga ako, sobrang traffic.

After an hour, sa wakas, nakarating din ako sa Bay Garden Condominium Tower 2. In all fairness naman sa place na to, malapit na din sa mall.

Dumiretso ako sa reception area "Yes ma'am, what can I do for you?"

"I have an appointment with Mr. Kit Joseph Ramos at unit 412"

After a few moments, she let me go upstairs na.

"Sera!!!! Omg omg! Finally you're here!" Hinila ako ni May papasok sa unit

"Uhm Mr. Kit, nandito na po yung kukuha ng unit niyo"

Wait, I just need a moment to appreciate his face, May was right, ang guwapo niya nga but she didn't mention na matangkad din siya, maputi, matangos ang ilong, singkit, makinis. Tao ba to? Nasa langit na ba ko? Kung oo sige basta itong lalaking to ang makakasama ko. Lalo pa siyang gumuwapo sa suot niyang fitted black pants, black longsleeves na bumabakat pa yung abs niya, jusko po! Napaka yummy naman po nitong condo owner na to.

"Ah uhm, so—-sorry t—- to keep you waiting" I lend my hands to have a shake hands with him pero he ignored it, HE JUST F*CKING IGNORED IT!

"No Downpayment, 0% Interest Flexible payment, 1 bedroom unit with balcony, 60 sqm, 40,000 per month. By your looks, I think may pambayad ka naman, that's all. Keys are on top of the dining table, you can get it there. If you would like to know more about this condo unit or other amenities, you can read the manual, nasa dining table na din. I was supposed to discuss these all to you but since you were late, just read it all, I still have more appointments. If you would like to ask something or if you have other concerns, yung unit ko katabi lang ng unit na to, unit 411" Wala akong nasabi the entire time na nagsasalita siya, nakatitig lang ako sa mukha niya kahit wala siyang reactions, as in poker face habang nagsasalita, mukhang mahirap siya pakisamahan. Naku buti na lang talaga guwapo

"Uhm wait" Papalabas na siya ng unit ko kaya napalingon siya sakin "I——i'm Sera, Sera Mendoza"

"I know, Ms. Seraphina Mendoza" At tuluyan na siyang lumabas ng unit ko

Did he just say my full name?! I honestly don't want to be called by my full name. It pisses me off. I just noticed May na tumatawa magisa sa gilid ko.

"Seraphina ka daw friend hahahaha"

Kinuha ko yung unan sa sofa at binato ko sa mukha ni May "Alam mo ang guwapo niya pero nakakapikon ugali ha? Tsaka yung mukha niya parang di man lang marunong ngumiti"

"Kahit naman ako di ako matutuwa sayo. Kanina pa kaya siya naghihintay sayo, special ka girl?!"

Nagpa deliver na lang kami ng bucket of chicken wings ni May since di pa ako nakakapag grocery and gabi na din. I have also decided to add 1 more bucket na ibibigay ko sa masungit na owner nitong unit, pambawi man lang sa pagiging late ko kanina.

"May, ikaw na kaya magbigay"

"Ayoko nga, ikaw na! And besides ang tagal kong siyang nakasama kanina, baka naman magsawa na yun sa mukha ko" Sarap na sarap tong isang to sa pagkain ng chicken

"Haaay sige ako na magdadala, tirhan mo ko ah, nakaka tatlo pa lang ako, tirhan mo ko ng soicy flavor. Para kang 1 week hindi nakakain diyan eh"

Unit 211

Nag hehesitate pa ko mag doorbell, di ko man lang pala nakita yung itsura ko bago ako pumunta dito, pero bahala na. Maganda naman ako kaya keri na to. Mag doorbell na ko.

Ilang seconds nang mabuksan yung pinto ng unit niya pero walang tao. Pagkatingin ko sa baba, medyo nagulat pa ko pagkakita ko sa isang cute na batang babae na nakangiti sakin.

"Hi! Who are you po? Girlfriend ka din po ba ng daddy ko?"

I think, I just need a moment again. What?! Daddy?!!!! May anak na siya?! What the—— F*ck?!!!

Dating a Single Dad Where stories live. Discover now