Part 2

52 2 0
                                    

"Hi! Who are you po? Girlfriend ka din po ba ng daddy ko?"

I think, I just need a moment again. What?! Daddy?!!!! May anak na siya?! What the—— F*ck?!!!

"Yarra, who's——-" Nagulat si Mr. Kit pagkakita niya sakin, hindi ko alam kung titingin ba ko sa kanya o hindi. Bakit kasi ngayon ko pa siya naabutan na tanging towel lang sa baba niya yung suot niya. Tumutulo pa yung tubig sa katawan niya na galing pa sa basa niyang buhok

"Ah, ano kasi" Hindi talaga ako makatingin, kaya inabot ko na yung pagkain sa kanya na hindi tumitingin "Naisip ko lang na bigyan ka ng pagkain to say thank you na din and sorry din sa pagpapahintay ko ng matagal kanina"

"Wow daddy chicken! It's my favorite!" Kinuha ng , uhm okay, ang hirap sabihin na may anak na siya, huhu di talaga ako makapaniwala.

Umiwas na siya sakin ng tingin at sinara na ang pinto ng unit niya. Okay kahit thank you hindi siya marunong magsabi. Tsaka bakit ba ko nag eexpect? Tsss! Hmp!

After kumain ni May ay nagpaalam na siya sakin na aalis na siya, hindi na niya ko tinulungan magligpit ng kinainan niya, well ganyan din naman ako pag nasa bahay nila ako, ganyan gawain naming magkaibigan.

Ang ganda ng condo unit na to, kompleto na sa gamit at mukhang mga bago pa. Ang ganda pa ng city view sa may balcony ko, mapapapikit ka na lang talaga habang nilalanghap ang hangin na may kasamang pollution. Umikot ikot pa ko habang nakapikit pero laking gulat ko pagmulat ko "Ay puke mo!" Natakpan ko talaga yung bibig ko pagkakita ko kay Mr. Kit, paano ba naman? Magkatabi lang pala yung unit namin so magkatabi din pati balcony namin. As usual, wala nanaman siyang reaction at pumasok na sa loob ng unit niya. Sungit talaga. Sunod naman na lumabas ng balcony ay ang anak niya.

"Hi po! Ikaw po ulit?" Ang cute cute niya, sana ako na lang mommy niya haaaay! Omg?! Wait?! What?! Ano ba tong iniisip ko?! No no no!

"Hello" sagot ko sa kanya

"Ang ganda ganda mo po" Mga bata talaga mahilig magsabi ng totoo. Napalingon siya bigla sa loob, mukhang tinatawag siya ng daddy niya "Opo daddy! Papasok na po ako" tumingin ulit siya sakin at nagpaalam "tawag na ko ni daddy sungit" Natawa na lang ako, kahit anak niya nasusungitan sa kanya.

*****
First morning ko dito sa condo unit ko, wala pa pala kong pagkain kaya plano ko today mag grocery pero bago yun, bibisita muna ko sa mga kamaganak ko para ibigay ang mga pasalubong nila, including my cousin's pasalubong for her mom, syempre yung mga pasalubong ko kina mama naibigay ko na.

Dumaan na din ako sa bahay namin para sunduin ang kapatid kong si Tony para ihatid siya sa school niya sa Taft. Pinakiusapan kasi ako ni mama dahil ayaw daw mag commute ng kapatid ko, naku mukhang spoiled brat din ang isang to. Balak pa bumili ni mama ng isa pang sasakyan para kay Tony.

"Kanina ka pa diyan sa cellphone mo nakangiti, do you have a girlfriend na ba?"

"I'm courting her pa lang ate" nakita ko naman sa mukha niyang kinikilig siya habang sinasabi sakin yun, I didn't expect him to open up "kaso she's 2 years older than me"

"Seryoso ka ba dyan? Is she also interested to you?"

"I think so ate kasi she's replying din eh"

"Haaay Tony, you are just 1st year college, don't take all things seriously specially when it comes to love"

"Ate, speaking of love. I saw kuya James last week and he was asking if——"

"Okay! Nandito na tayo sa school mo, you can go  na" pero bago siya bumaba ng kotse ko, inipit ko muna ang kamay ko sa magkabilang pisngi niya at hinalikan siya ng madiin sa labi niya

"Ate naman! Binata na ako"

Napatawa lang ako sa kanya "You will always be my baby. Mwah!" Namiss kong asarin tong kapatid ko ng dalawang taon

Tawa lang ako ng tawa habang pinupusan niya ng tissue ang labi niya dahil bumakat yung red lipstick ko

****
Magpapasama sana ako mag grocery kay May pero may lakad daw sila ng boyfriend niya, buti pa sila 5 years na sila. Yung akin aabot na din sana sa ganun katagal pero, haaay! Nevermind

Bumibili at pumipilit na ko ng mga gamit na puwede ko idagdag sa condo ko, madami akong nabiling mga pang display sa living room, kitchen at bedroom, pansin ko kasi sa unit sobrang lamya at lungkot ng dating though maganda at malaki yung unit, gusto ko lang maging lively yung place sa paningin ko.

Habang iniikot ko ang buong grocery, naramdaman kong may humihila ng dress ko sa likuran, kaya napalingon ako bigla. Isang batang babae na mukhang kakatapos lang umiyak dahil pulang pula ang ilong niya at namumugtong ang mga mata, mga nasa 4-5 years old siguro ang batang to at mukhang nawawala

"Daddy ko" yan lang ang sinabi nya at nagsimulang umiyak ulit, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya dinala ko siya sa guard. I kneeled down para kausapin siya "Baby? Daratinf si daddy m——" wait? Omg? No?! Anak to ni Mr. Kit, bakit ngayon ko lang na realize?!

"Yarra!" Napalingon ako at ayun na nga, si Mr. Kit na hinihingal at halatang nag-aalala, nilapitan niya agad ang anak niya at hinawakan "Okay ka lang ba? Sorry Yarra sorry, nandito na si daddy"

And again, nanigas nanaman ako sa pwesto ko pagkakita ko sa kanya. Tumingin siya sakin at napaiwas naman ako ng tingin. Binuhat na niya si Yarra at nagpasalamat sa guard.

"Ay sir, magpasalamat din po kayo dito kay Ms. Ganda, siya po ang nagdala sakin ng anak niyo" nakangiting sabi ng guard pero tinignan niya lang ako at umiwas sabay alis. What was that?! Really? For real?! I didn't expect him to say thank you pero the way he treated me? Hindi na acceptable. Dapat nga siya pa ang maging mabait sakin dahil ako ang tenant niya. From now on, I will not try to reach out for him anymore!

Dating a Single Dad Where stories live. Discover now