Part 4

60 2 1
                                    

"AAAAAAAAA!!!!! What are you doing?!" Ginawa niyang inidoro yung legs ko, kinilig pa ang katawan niya pagkatapos niya kong ihian, sa di sinasadyang pangyayari, nasipa ko siya at natumba at tuluyan nang nawalan ng malay

Pinilit kong alalayan siya papunta ulit sa sofa at nakita kong may maliit siyang sugat malapit sa gilid ng kilay niya dahil sa pagkakasipa ko sa kanya ay tumama siya sa pinto. Kinuha ko agad yung medicine kit ko at nilagyan ng ointment ang sugat niya.

Pagkatapos nun ay umupo lang ako sa maliit na upuan katabi ng hinihigaan niya. Nakita ko siyang gumalaw kaya nilapitan ko siya para kamustahin pero hindi nanaman ako makapaniwala sa ginawa niya, hinila niya ang kamay ko papalapit sa kanya at tsaka niya ko hinalikan ng madiin sa labi, pumiglas ako agad, alam kong mali to at lasing siya. Ano bang nangyayari sa kanya.

Kanina nakita ko lang na may iba siyang kasamang babae na hinahalikan niya tapos ngayon naman ako, isa siyang cheater sa asawa niya. Mga lalaki nga naman, hindi marunong makuntento.

Dito ko na siya pinagpalipas ng gabi, nakatulog na din ako dahil sa pagod ko sa buong araw at sumabay pa siya.

*Kinabukasan*

9 am na ko nagising na usually 7 am yung pinaka late kong gising, ang sakit ng likod ko dahil nakatulog ako na nakaupo sa salas. Pagmulat ko ng mata ko ay hinanap ko agad si Mr. Kit pero wala na siya sa hinihigaan niya. Pero okay na din siguro yun dahil di ko din alam kung paano ako haharap sa kanya. Tumayo na lang ako para maghilamos at para makapagluto na din ng breakfast ko.

Pupunta na sana ako sa kitchen pero napatigil ako sa dining table, may kanin, fried egg at hotdog na nakahain. Ito nanaman, bumibilis nanaman tibok ng puso ko, ginawa niya tong lahat na hindi ko namamalayan. Parang ako pa ata yung nalasing kagabi. Napangiti na lang ako sa nakita ko pero there is something in me na hindi ako pwedeng kiligin, for God sake, may asawa't anak na yung tao.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ko, palagi kong ginagawa kapag mag isa lang ako, magpapatugtog lang ako ng mga paborito kong kanta at sinabayan ko lang. ito nga at naka bath robe pa din ako at hindi pa ko nakakapag blower ng buhok ko. I am now in front of my mirror here in my living room, ganito yung gusto kong moment, yung mag isa lang ako tapos sumasayaw lang ako sa harap ng salamin, feeling ko I am so free!!!!

"Ahem!"

"Ay pwet ng kabayo!" Literal na napalundag ako sa sofa nang makita ko sa salamin si Mr. Kit na nasa likuran ko "A—anong g-ginagawa mo dito Mr. Kit?!"

Hindi siya makatingin ng diretso dahil sa naka bath robe pa ko, my gaaaad parang gusto ko na ngayon magpakain sa lupa.

"Sorry, babalik na lang ako mamaya"

Halos isubsob ko na yung mukha ko sa unan dahil sa kahihiyan. Bakit naman sa dinami daming moments na makikita niya ko sa ganitong sitwasyon pa talaga

Gabi na nang naisip kong bumaba na lang muna ulit sa unit ko at maglibot libot. Sa covered basketball court ulit ako pumunta, nakaupo lang ako dun at nag iisip lang ng kung ano ano. Nang biglang napatingin ako sa may entrance at nandun si Mr. Kit na may hawak na bola pero mag isa lang siya. Tumayo na ko at lalabas na.

"Bakit hindi ka muna mag stay dito?"

Ang galing niya talaga magpabilis ng tibok ng puso "ah, may gagawin pa kasi ako Mr. Kit"

"Kit. Just call me Kit"

Napatingin ako sa kanya "Sera, then just call me Sera"

"Okay. Noted! Seraphina" I rolled my eyes, habang siya tumakbo na sa gitna ng court and he is playing alone. "Ganitong time lang ako nakakapagpapawis, kapag tulog na si Yarra" and now, he is talking to me, for real while he is still playing his ball (medyo awkward ba pakinggan yung playing with his ball pero yun naman kasi talaga haha)

Umupo na lang ulit ako habang pinapanood lang siya magpapawis. After ilang minutes, tumabi siya sakin kahit pawis na pawis na siya, bakit naman ang fresh pa din kahit pawis na pawis na? Lalo na nung hubarin niya ang sports hoodie sando niya, wala akong nagawa kundi ang umiwas na lang ng tingin

 After ilang minutes, tumabi siya sakin kahit pawis na pawis na siya, bakit naman ang fresh pa din kahit pawis na pawis na? Lalo na nung hubarin niya ang sports hoodie sando niya, wala akong nagawa kundi ang umiwas na lang ng tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi ko nga pala sinasadya na pumasok na lang bigla sa unit mo kaninang umaga, naka ilang doorbell na kasi ako pero di mo binubuksan, nakalimutan ko din kasi i lock before I leave. Gusto ko lang pala humingi ng sorry about last nig—-"

"Okay na yun! Ah, uhmm kalimutan na natin yung nangyari"

"Gusto ko lang mag explain na, I thought it was my unit, yung unit mo kasi ngayon, it was my unit before I transfer next to your unit"

"Ganun ba? Uhm basta next time, mag ingat ka na lang sa mga ginagawa mo kasi baka kung anong sabihin ng asawa mo sakin"

Tinitigan niya ko at tumawa ng malakas, nahataw niya pa sa upuan yung sports sando niya sa sobrang tawa niya. Ako naman clueless, wala namang nakakatawa sa sinabi ko

"Asawa? Kailan pa ko nagkaroon ng asawa?!" At patuloy pa din ang pagtawa niya

"Uhm y-yung babae nung isang gabi na nakita ko sa balcony mo, yung—"

"She's not my wife" sabay inom sa bottled water niya

"So kung hindi mo siya asawa, ano mo siya? At ano mo din yung nakita ko kaninang nakahalikan mo sa kalsada? Ha sige nga?!" Omg, bakit ako nag hyhysterical?

Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya napaiwas naman ako "Are you stalking me?"

"Ha? Ikaw? Iistalkin ko? Tsss bakit ko naman gagawin yun?!" Hindi pa din ako makatingin sa mga mata niya. Sa wakas nilayo na niya ang mukha niya sakin

"Let's just say, mga babae ko lang sila pero walang commitment, life is so short, I am just enjoying it, enjoying them"

"Kung ganun? Masaya ka din bang nakikita ng anak mo na iba ibang babae ang nakakasama ng daddy niya?"

Yung mukha niyang masaya at tumatawa kanina biglang nag iba, bumalik sa poker face niyang mukha at uminom ulit ng tubig. "Wala kang alam sa buhay ko" sabay umalis na siya. Ang galing diba? Pinag stay niya ko pero sa huli, ako pa pala tong maiiwan dito. Haaay siguro bipolar tong lalaking to. Bakit parang ako pa tuloy yung na guiguilty ngayon dahil sa kinilos niya? Haaay makabalik na nga lang din sa unit ko

"Yarra?" Nakita ko siyang nakaupo sa gilid malapit sa entrance "Anong ginagawa mo diyan? Hindi mo ba kasama si daddy mo?"

"Nagising po kasi ako na wala siya kaya bumaba ako" at nagsimula na siyang umiyak kaya pinapatahan ko siya, sinabay ko na siya papaakyat para ihatid sa unit nila.

Hinawakan niya ang kamay ko "Sana ikaw na lang mommy ko" parang anghel ang ngiti ng batang to, pasalamat talaga yang Kit na yan may cute siyang anak.

Nag doorbell na ako sa unit niya at agad naman niyang binuksan, nagulat siya nang makita niyang hawak ko ang anak niya, sa mukha niya parang wala siyang alam na nakalabas na pala ang anak niya, akala niya siguro nasa kwarto pa din at natutulog.

"Daddy! Si mommy oh!" Sabay turo sakin ni Yarra, my God! Hindi ko alam irereact ko sa totoo lang

"Ah sige hinatid ko lang si Yarra, nakita ko kasi siya sa baba, hinahanap ka niya" Papalakad na ko pabalik sa unit ko

"Tomorrow at 12nn, have a lunch with us" at sinara na niya ang pinto ng unit nila. What was that? Is he officially inviting me for a date? Char char ka Sera! Lunch daw with them, ibig sabihin tatlo kami. Wag assuming Sera!

Dating a Single Dad Where stories live. Discover now