Part 9

56 0 0
                                    

Pareho kaming gulat ni Kit na nakipagtitigan kay May na gulat na gulat din na makita kaming nagyayakapan.

Nasa loob na kami ng unit ni May nang hindi na niya ako tinantanan na may halong tawa pa magtanong "So ano yun sis?" Tanong niya habang kumakain ng siomai na dala niya

"Nagyakapan lang, is there something wrong with it?" Kinuha ko ang tinidor niya at tumusok din ako ng siomai. Tinitigan niya ko ng matagal habang naniningkit ang mga mata niya na para bang kinikilatis ako "nag sex kayo noh?"

Muntik na ko mabilaukan sa sinabi ni May kaya uminom agad ako ng tubig. Tumawa siya "Naku Sera, kilalang kilala na kita. Lalo na't ang blooming mo ngayon"

Hindi na ko nakatiis at napaamin na ako sa kaibigan kong to. "Mali ba?" Tanong ko

"Maybe it's just way too fast? I mean, hindi pa kayo magkakilala talaga ng lubos right? Pero ikaw, kung wala naman sabit why not?" Nagkatitigan kami bigla "OMG" sambit niya pa "ready ka ba maging mommy????"

"Well, hindi pa naman kami official pero if ever oo ready naman ako sa ganung situation"

Ngumisi si May at inasar ako "Ayiieee mommy Serra!!!" Hinampas ko siya sa braso at napapatawa na din ako.

Actually hindi ko alam kung ano man yung pwedeng mangyari, magulo pa din kung official na ba kami o hindi. Ang bilis ko naman kasi bumigay. Bahala na

Maaga kaming umalis ni May papunta sa shop, ang dami na agad customer kaya naman tinutulungan na din namin ang mga staff namin.

"Delivery po for Ms. Serra?" Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman akong ineexpect na delivery at kung meron man ay sa condo ko naka address. "Ma'am flowers po, delivery for you po" Walang nakalagay na pangalan kung saan galing basta pina receive na lang sakin, bayad na daw kasi at hindi din sinabi sakin nung nag deliver kung kanino galing.

"Uy, baka galing kay Kit" bulong ni May sakin. Napangiti naman ako habang inaamoy ang bulaklak, ang aga magpakilig ni Kit.

Maya maya pa ay dumating si Kit sa milktea shop namin, nakangiti ko siyang sinalubong habang bitbit ko ang bulaklak "Kit! Thank you sa flowers"

"Flowers?" Tanong niya

"Oo, diba ikaw ang nagpadala nito sakin?" Natahimik siya for a seconds at nagpaalam na aalis lang daw siya sandali pero babalik din daw siya agad. Naiwan naman akong nakatulala sa pinto at nagtataka kung anong meron at bigla siyang nagmadaling umalis.

Ilang oras na pero hindi pa nakakabalik si Kit, akala ko sabi niya sandali lang daw siya. Hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta. Hanggang sa mag closing na sa shop hindi pa din siya nakakabalik. Umuwi na lang ako at kahit isang text or call wala akong natanggap mula sa kanya.

Papasok na ko sa unit ko nang maisipan kong dumaan muna sa unit ni Kit. Nakatayo lang ako sa pinto ng unit niya, dalawang beses ako nag attempt na mag doorbell pero nag dadalawang isip ako, baka magmukha naman akong makulit nito, wala naman kaming label. Pero gusto ko pa din siya makita. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang magbukas na ang pinto at bumungad sakin ni Paula. Anong ginagawa niya sa unit ni Kit? As usual wala nanaman reaksyon ang mukha niya, tahimik lang siyang umalis. Hindi ko na sinubukan pumasok pa sa unit ni Kit. Hindi ko alam pero nasasaktan ako ngayon, bakit ko ba kasi pinasok tong sitwasyon na to.

Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kay Kit. Ano ba talagang nangyari? Kaya niya ba ko iniwan at nagmadaling umalis sa shop dahil kay Paula? Kanina pa ko pagulong gulong sa kama ko, para na kong nababaliw kakaisip.

Kinabukasan nagising ako na hindi pa din mapakali, nakakawalang gana ngayong araw. Parang ayoko pumasok pero I need too. Kahit mukha akong panda ngayon dahil sa napuyat ako kagabi kakaisip. Paglabas ko ng unit ko ay sabay din ng paglabas ni Kit sa unit niya. Pareho kaming napahinto at hindi ko alam ang sasabihin ko, nakasuot siya ng shades. Ano naman kaya ang eksena niya ngayong araw na to. Lumapit ako sa kanya. Kailangan ko na paandarin ang kamalditahan ko "Saan ka nanggaling kahapon? Sabi mo babalikan mo ko? Ano ba talagang ginawa mo?" Tinitigan niya ako at sinenyasan na tumahimik ako dahil baka marinig ni Yera. Dahan dahan niyang tinanggal ang shades niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating a Single Dad Where stories live. Discover now