Chapter 4

37 5 0
                                    

"Girl, nililigawan ako ni Jester!"

Kanina pa nagkukwento si Faith about sa mga ganap sa kanila ni Jester. At heto naman ako, hinahanap at kino-contact 'yung pake ko. Nawawala kasi, ih.

"Monggi ka! Huwag mo sagutin," sabi ko na lang.

"E, super duper crush ko s'ya tapos hindi sasagutin? Nako naman, Margaux Magdalene! Wake up."

Aba, ako pa raw ang kailangan gumising sa katotohanan?

"Hoy, huwag mo ikuwento sa akin 'yang panliligaw ni Jester sa'yo kung ayaw mong ma-bash." Umirap ako sa kan'ya.

"Che!" patampong sabi nito.

Ang arte, akala mo naman seseryosohin talaga siya ni Jester.

"Nagchu-church pala si Jester, 'no? Nakaka-turn on, hehe."

Whut?! Nagchuchurch 'yon sa ganoong lagay?

"Hoy, alam kong jina-judge mo na si Jester pero 'wag kang judgementalist!" patawa-tawa pang usal niya.

"Wow ha, judgementalist."

"By the way, may pupuntahan nga pala ako. May date kami ni Jester. Good bye, Margie!" paalam niya saka bumeso sa akin.

As usual, nandito ako sa 7/11. Medyo malamig at walang tao. It's already 6 pm at medyo madilim na ang paligid.

Bigla kong naalala ang libro na kinuha ko sa bookshelf namin noong isang araw. Nakaka-curious lang kasi. Puro halos godly courtship ang nandito. Tapos kay Isaiah Gabriel Samaniego pa 'to. Sino ba 'yun?

Nakakahiya naman, masyado s'yang maka-Diyos.

Iniisip ko tuloy kung bakit ba nangyayari sa amin ni Papa ang lahat ng 'to. Ano bang mali sa'kin, sa'min? Ano bang pagkukulang ni Papa kay Mama at nagawa siyang iwan? Ang alam ko may ibang pamilya si Mama. Napakaligalig naman ng nanay ko kasi.

Muli kong binuklat ang libro at binasa. Pagkalipat ko ng page ay may story pala ito. At 'yung binasa ko kanina ay quotes lang. I thought puro quotes ang laman ng book, but I'm wrong.

'It was already a year since I started going to church. Sa una parang ang OA nila mag-worship. But later on, I realized that it was the best worship. It's been 6 months since I am praying for the girl I admire. She's my churchmate. Nakita ko kung paano n'ya i-glorify si God.

Yes, I am in love with her. But I will not be doing any moves.'

Huh? Not be doing any moves? E bakit? 'Di ba sabi n'ya inlove siya sa girl tapos ayaw niya gumawa ng moves? Kabaliwan.

Naisara ko ang libro dahil parang ang boring naman. Paano niya naisulat ang love story nila kung ayaw niya gumawa ng first move?

"Teka, paano nga ba n'ya naisulat love story nila?" takang tanong ko sa sarili. Binuklat ko muli ang libro pero nasa kalagitnaan ng page ang nabuklat ko.

'Let God be the author of your love story and it'll be the best!'

Agad kong isinara ang libro pagkabasa ko. "Hala, kinakausap ba ako ng book?" pagkausap ko muli sa sarili. Ang creepy naman! Tinanong ko lang kung paano n'ya naisulat love story nila tapos biglang may gano'n?

Dahil medyo gabi na rin ay agad akong tumayo at lumabas ng 7/11. Pag-uwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng pinsan kong si Kaye. Pangiti-ngiti pa habang parang kinakausap ang unan sa sofa.

"Hala? Bakit ka kinikilig?" tanong ko.

"E kasi 'yung kaklase mo, hehe."

"Kaklase? Sino?"

TOUCH MOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon