Chapter 22

29 5 0
                                    

Pagdating namin sa ospital ay umiiyak si Glady. May dugo sa kanang binti nito na ginagamot at nililinis ng nurse.

"Glady!" ani Isaiah na bakas sa mukha ang pag-aalala. Agad nitong nilapitan si Glady. Si Glady naman ay yumakap dito.

"Are you okay?" tanong ni Isaiah. Bangag talaga 'to kahit kailan. Siya kaya ang mabangga tapos tanungin kung okay lang?

"Isaiah, a-ang sakit. I... I don't know what happened. Mabilis ang pangyayari... It's just, argh! Was it my fault?! 'Di ba hindi naman?" parang batang pagsumbong ni Glady.

"Shh, you're safe now. I'm here na. Don't cry," pag-aalo ni Isaiah rito, nakayakap pa rin sa kaniya si Glady.

Oops, Margaux! I think you should go now. Argh! Parang wala ako rito ah?

"Pupunta lang naman kasi ako sa'yo. Nasabi kasi sa akin ni Margaux na pupunta siya sa'yo ngayon kaya binalak ko rin pumunta. But look what happened! I accidentally bumped!"

What? So kasalanan ko?

"Margaux," mariing pagtawag sa akin ni Isaiah.

Nagkibit-balikat lang ako at naglakad palayo. Kasalanan ko bang nabanggit ko sa kaniya na pupunta ako kay Isaiah? Tsk! Nagkaroon ka pa tuloy ng kasalanan, Margaux!

"Margaux! What have you done?"

Napalingon ako kay Isaiah na halatang gigil. Oh, baket? Kasalanan ko 'yon?!

"What? Papagalitan mo ako kasi feeling ninyong lahat ay kasalanan ko 'yon? First of all, hindi ko sinabing pumunta siya. Tinanong lang ni Glady kung nasaan ako at sinabi kong papunta ako sa'yo. Malay ko bang susunod siya. Tapos ngayon ganiyan ka sa akin?"

Ang bigat lang sa dibdib na sisihin ka sa kasalanan na hindi mo ginawa. Hindi ko naman ginusto ah? Tsaka, sinabihan ko ba 'yung is a pang kotse na banggain siya?

"I know na wala akong karapatan. But, please? You said to me na hayaan kitang patunayan ang sarili mo sa akin. Is that what you want to prove? Alam mo, if you still love Glady and you don't want me to be miserable, you better go back to her. Kung naaawa ka lang sa akin at nadadala ka lang sa panunukso ni Bryant, tumigil ka na."

I thought sasabayan niya ang galit ko.

"I'm sorry. Nabigla lang ako. Takot kasi sa dugo si Glady. Kaya noon ay natataranta ako kapag nakakakita siya ng dugo lalo na kapag galing sa katawan niya. I'm so sorry."

Tumango ako. "Sorry," sabi ko rin. Pakainin ko ng dugo 'yan ih!

"Nah. You don't need to apologize. It's my fault."

"No, Isaiah. It's okay."

"I love you," he said then smiled.

"Balikan mo na si Glady doon. Wala siyang ibang kasama. Uuwi na lang ako, baka kasi umuwi na din si Papa."

"Ingat," aniya.

Nagpaalam akong uuwi pero hindi talaga. Ayoko nga umuwi. 4 pm pa lang kaya! Magsama muna sila roon, nababadtrip ako hays.

"Patutunayan ko na karapat-dapat ako sa'yo," paggaya ko sa mga linya niya noon.

Karapat-dapat your face!

Habang lutang ako sa paglalakad ay nakita ko si James na bumibili ng street foods. Bigla ay nabuhayan ako ng loob. Nakakatuwa naman haha!

Tumawid ako at kinukulbit-kulbit si James.

"Wait lang po, nauna ako," sabi nito na hindi man lang lumilingon. "Sino ba 'yang—Margaux!"

"Hi!" nakangiting bati ko rito. "Mahilig ka pala sa street foods?"

TOUCH MOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now