Chapter 8

30 5 0
                                    

"Finally! Makapagpapahinga rin!"

Solo ko ang bahay namin ngayon. Nasa campus pa si Kaye at nasa trabaho si Papa. 8am to 12pm lang ang schedule ko for today.

Humiga ako sa kama at hinayaan ang isip kong balikan ang grade 11 self ko na baliw na baliw kay Isaiah. Or should I say... how we started everything.

Flashback

"Margaux, huwag ka ngang magulo," reklamo ni Isaac.

"Oo nga, ang likot-likot mo. Kanina ka pa!" reklamo rin ni Eunice.

Kumakain kami ng lunch— ayy sila na lang pala. Tapos na pala ako kumain hehe.

"Bakit ba ang ligalig mo? Alam namin na tapos ka na kumain, pakainin mo naman kami," pagsali sa usapan ni Jester. Makapagreklamo akala mo katabi niya ako. E ang layo ko naman kaya sa kaniya!

"Hoy, Jester, huwag ka makisali sa usapan lalo na kapag hindi ko naman kailangan ng opinyon mo!" angil ko.

"E, kahit na. Ang ligalig mo kaya. Kanina pa kawawa 'yang plastic bottle na hawak mo. Tapos ang likot-likot mo sa upuan mo. Parang kiti-kiti," aniya.

"Nye nye," asar ko at nag-make face pa. "Wala kang pake."

"Alam mo, kung nagpapapansin ka kay Isaiah, huwag ganiyan ang pagpapapansin mo. Nakaka-turn off," mahinahong aniya.

Turn off? Dapat ba behave lang ako? Dapat ba tahimik? Dalagang Pilipina ang peg, ganoon?

"Puro aral si Isaiah. He is family and goal-oriented. He has no time for girls. Sa tingin mo gusto niya ng ganiyan?"

"Edi tatahimik na." Binitawan ko ang kanina ko pa pinipilipit na plastic bottle.

Kanina pa rin kasi nandito sila Isaiah sa canteen, kinakabahan ako kasi last time narinig niya na kinukwento ko siya sa mga kaibigan ko. Nakakahiya kaya!

After ko 'yun marinig mula kay Jester ay tumahimik na talaga ako. Pasulyap-sulyap sa kaniya nang makita ko siyang maggitara. Minus one lang, wala kasing kanta.

Nagtaka ako kung bakit tila hindi na kami umaalis sa mesa. Tinignan ko ang kabuuan ng puwesto namin. Kanina ay lima lang kami— si Jester, Nicole, Eunice, Isaac at ako. Pero ngayon? Seriously? 12 na kami! Wow, great! Dumami mang-aasar sa akin.

Parang the last supper lang, ah?

"Margaux," pagtawag ni Jester at hinila ang upuan niya patabi sa akin.

Saktong pag-akbay nito ay ang paglingon ko kay Isaiah na nakatingin din pala sa akin. Binitawan nito ang gitara na hawak niya at naglakad papalapit sa amin.

Oh my gosh! Sabi na nga ba may gusto rin siya sa'kin! Pero wait, ayoko ng gera sa canteen!

"Jester, lapit ka pa sa'kin," bulong ko. Hindi siya umimik. Bigla ay kinuha niya ang cap ni Isaac at inilagay sa'kin. Kainis, ang diin kasi tapos natakpan na kalahati ng mukha ko!

"Jester, tatadyakan kita 'tamo!"

"Stop. Tungo ka lang. Don't look around," aniya.

I zip my mouth at naghintay kung siya ba ang susugurin ni Isaiah. But... I saw Isaiah's feet, lumagpas siya sa amin.

Mabilis pa sa fastest ang naging paglingon ko. I suddenly felt bomb inside my chest.

It's... it's Glady. His crush. His ultimate crush. He held Glady's hand at dumaan muli sa gilid namin para pumunta sa table nila Isaiah.

"I told you not to look around," bulong ni Jester.

"Una na 'ko sa taas," paalam ko at mabilis na hinablot ang bag ko.

TOUCH MOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now