EPILOGUE

36 7 0
                                    

A/N: Uwu! This is my first story in wattpad. Sorry for errors, hehe. Thank you for the support! Mwaps!

---
Isaiah's POV

Minsan talaga sa buhay ay may gusto kang makuha pero hindi ibinibigay sa'yo.

Ten years ago nang nasabi kong sigurado na ako kay Glady.

Ten years ago, I started praying for Glady not until...

Nine years ago nang makilala ko si Margaux.

Nine years ago nang magustuhan ko s'ya.

Eight years ago ay pinapunta ko s'ya sa dorm para makipaglaro ng chess.

Eight years ago, I decided to let her go and wait for God's perfect timing instead.

Seven years ago, I had relationship with Glady. Masaya kami, I thought s'ya na.

Six years ago, I stopped the relationship that Glady and I had fought for.

Five years ago, I graduated college. Cum Laude pa nga.

Five years ago, I thought the time was perfect.

Almost five years ago, nagkaroon ng Youth Camp at nagkaayos kami ni Margaux. I started proving myself to her.

Four years ago, mula noong simulan kong baguhin ang sarili ko. I let go at Margaux, bitawan ang mga dating bagay na mahigpit kong hinahawakan.

Four years ago, sobra kong nasaktan ang babaeng mahal ko.

Almost four years ago, sinimulan kong seryosohin ang buhay at layuan si Glady. I saw Margaux and James, happy with each other. Pero hindi ako sumuko. Ipinaglaban ko si Margaux sa prayers. Pero sadyang ganoon talaga.

Almost four years ago, grabe ang ginagawa kong effort para sa jar na ibibigay ko kay Margaux.

Almost four years ago, gumraduate si Margaux at kalauna'y naging CPA.

Three years and 8 months ago, mula noong mabili ko ang kotse na matagal kong pinag-ipunan.

Three and a half years ago, hinarana ko si Margaux noong nag-reunion ang batch nila.

Two years ago, sinimulan ko naman pag-ipunan ang singsing na gusto kong ibigay kay Margaux.

Two years ago, may plinano ako, kaso bagsak e. Siguro hindi 'yun ang will ni Lord.

Two years ago, sinagot ni Kaye si Jester.

A year ago, nalaman ko na Glady is in a relationship with someone she deserves. Matagal na pala sila, late ko na nalaman.

A year ago, nabili ko ang singsing na pinag-ipunan ko.

And now... Hindi ko alam.

Mula sa kotse ko ay may nakita akong chess piece—isang pawn.

Para nanaman akong sira dahil ang daming hugot pag-ibig na pumapasok sa utak ko.

"Ang buhay pala parang chess. You have to be careful with your moves. Every move you are doing now is connected to what will happen in the future."

Baliw ba ako kung kakausapin at papangaralan ko ang sarili ko tungkol sa mga nare-realize ko?

"Every chess piece is important. Lahat may role. Gaya ng bawat tao sa buhay natin, lahat may ambag."

Napahinga ako nang malalim.

"Some are just experiences and lessons." Inalala ko ang mga taong nagbigay aral sa akin. Salamat sa inyo.

TOUCH MOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon