Chapter 7

681 31 0
                                    

                    CHAPTER 7

Jhon Paul Lim Levinson

Kasama ko ngayon ang pinsan at ang dalawa kong kaibigan dito sa bahay. Nasa work pa ang parents ko, may negosyo kasi ang parents ko dito pinahawak muna ni Daddy sa kapatid niya na si Tito Jonny nong nasa France kami. May dalawang katulong na kinuha si Mommy para raw hindi siya mahirapan dito sa gawaing bahay kasi minsan ay sumasama siya kay Daddy sa work. Mamayang 7-8 ng gabi ang uwi nila Mommy and Daddy.

5pm na pala hindi man lang namin na malayan ang oras. Kakatapos lang namin maglaro ng basketball. Nandito kami ngayon sa sala nagmemeryenda.

"Buti kinakausap ka na ni Bernarditha." Sabi ni Ace.

"Kinakausap lang naman niya ako kung may mga acitivity na gagawin eh." Sabi ko naman.

"Atleast kinausap at pinansin ka na niya." Sabi naman ni James na nahihirapan pa rin magtagalog pero nakakaintindi naman siya. Dahil nong nasa France palang kami ay tinuturan namin siyang magtagalog. Si Ace at ang pinsan ko naman kahit papaano marunong kahit lumaki sila sa France, dahil sa mga magulang nila.

"You know what insan may tamang panahon naman para pag usapan niyo ang dapat niyong pag usapan, kaya 'wag kang masyadong magalala." Sabi naman ng pinsan ko.

Nong unang linggo kasi namin sa school, hindi niya ako pinapansin o kinakausap. Kahit anong gawin ko wala talaga. Kahit magkatabi na kami sa upuan wala pa rin. Kahit tuwing breaktime ay sinusundan namin sila kung saan sila naka upo andun kami, pero parang wala lang ako sa kaniya. Kaya nong nakaraang linggo ay naglakas loob ako na kausapin siya.

Flashback.

"Class dismiss." Sabi ni Professor Reyes
Maaga ang uwian namin ngayon dahil friday. 3pm palang.

"Badeth please talk to me." Sabi ko habang nakasunod kami sa kanila.
Hindi niya ako pinakinggan. Kaya hinawakan ko ang kinyang braso.

"Bitawan mo ako Paul." Sabi niya. Hindi ko siya binitawan. Ang mga kaibigan niya naman ay nasa likod niya nakatingin lang samin.

"Kausapin mo na kasi ako Badeth kahit saglit lang." Nagmamakawa kong sabi.

"Ayoko nga, kaya bitawan mo ako na ako Paul." Sabi niya. Hindi ko pa rin siya binitawan.

"Please Badeth magpapaliwanag ako, pakinggan mo naman ako." Sabi ko.

"Bakit ba ang kulit mo? Ayaw nga kitang makausap mahirap ba intindihin yun Paul?." Galit na sabi niya.

"Kailan mo ba ako kakausapin" sabi ko.

"Kung kailan handa na akong marinig lahat ng sasabihin mo. Kung bakit hindi ka nagparamdam sa loob ng apat na taon Paul, ni text o tawag wala akong na tanggap galing sayo. Iniisip ko na lang na baka busy ka sa school.
Hindi ko pa kayang pakinggan kung ano man ang mga dahilan ang sasabihin mo. Hindi ko pa kaya Paul, dahil galit ako sayo nagtatampo ako sayo. Kasi sa loob ng apat na taon iniisip ko kung may halaga ba talaga sayo ang pagkakaibigan natin, kasi ako Paul para sa akin mahalaga 'yun. Kaya please lang wag muna ngayon Paul." Mahabang sabi niya habang tumutulo ang kaniyang luha. Umiwas ako ng tingin. Hindi ako makatingin sa kaniya. Galit talag siya sa akin. Binitawan ko na ang kaniyang kamay. Pinunasan niya naman ang kaniyang mga luha. Naka yuko lang ako. Bago siya tumalikod nagsalita ako.

"Okay, hindi na kita kukulitin na kausapin ako, pero please lang Badeth pansinin mo ako kahit kausapin mo lang ako bilang kaklase mo." Sabi ko habang naka yuko pa rin. Kahit na kinakausap niya ako ako bilang isang kaklase na. Hindi lang talaga ako sanay na ganon kami.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now