Chapter 16

444 28 1
                                    

                     CHAPTER 16

Bernaditha Dela Cruz


Lumipas ang apat na araw pulos lectures and quizes ang ginawa namin dahil sa nalalapit na exam. Kaya tudo review naman kami. Syempre ayaw naman namin bumagsak, lalo't nasa kolehiyo na kami. Wala na nga kaming time para makipag-landian online.


Minsan natatawa na nga lang kami dahil may bigla nalang nagcha-chat at nakikipagkaibigan tapos mamaya sasabihing, "pwedeng manligaw" like duh? Wala pang isang oras ligaw agad!

Naalala ko tuloy noong lunes ng gabi. Naisipan ko kasi na i-accept ko na si Paul dahil ilang buwan na rin naman, baka sabihin niya na galit na galit talaga ako sa kaniya. Galit lang pero hindi galit na galit.


Hindi nga mapigilang mapangiti dahil nag-chat siya agad. Iniisip ko tuloy na kung kailan kami mag-uusap o kailan niya siya magpapaliwanag. Syempre kaibigan niya for almost 6 years! Tapos hindi siya nagparamdam ng ilang taon? Sinong hindi magagalit o magtatampo?


Tapos malalaman ko na may relasyon sila ng dati kong matalik na kaibigan? Sinong hindi? Nakakainis lang! Feeling ko tinatraydor nila ako.


Pero syempre hindi ko pa naman talaga alam ang buong rason niya kaya pilit ko siyang iniintindi. Kailangan ko lang talaga ng panahon para ihanda ang aking sarili sa mga ipapaliwanag niya.

Kasi naman bigla-bigla nalang siyang magpapakita sa hindi inaasahang lugar at panahon.

"Choi, gala naman tayo mamaya, maaga naman ang uwian natin dahil friday ngayon." Sabi ni Cris na kumakain ng waffle na may Hotdog at cheese.

Andito kami ngayon sa cafeteria dahil snack time. Kasama namin sila Paul at ang mga kaibigan niya. Palagi naman silang sumasama sa amin kaya napapatingin ang mga kababaihan sa amin dahil sa kanila.

"Oo nga hindi na tayo nakakagala dahil palagi nalang tayo nag-aaral." Sabi naman ni Arrah na akala mo talaga nag-aaral.

"Agree, at feeling ko kailangan kong magpa-check up dahil sa English Policy na 'yan. Pati utak at ilong ko dumudugo! Kalerki!" Sabi naman ni Rachelle kaya natawa kami. Hindi na naka move on sa English Policy.


"Saan naman tayo gagala?"
Natatawang tanong ko. Habang sila Paul naman ay nakikinig lang sa amin. Noong una naiilang pa kami dahil palagi silang sumasama sa amin, pero  na sanay na rin kami. Ayaw naman namin na paalisin sila o itataboy tuwing sasama sila sa amin. Hindi naman kami ganoon kasama. Kaya hinayaan nalang namin at masaya naman silang kasama.


"Syempre sa Mall o 'di kaya sa Luneta park. My god! Berns! Akala mo naman hindi pa nakakagala." Sabi ni Cris sabay irap sa akin. Nagtawanan naman sila. Napahiya pa tuloy ako!


"Okay... hahaha" natatawang sabi ko para hindi mahalata na nahiya ako. Kainis!


"Sasama ba kayo?" Tanong ni Arrah kila Paul kaya nagtinginan sila.


"Pwede ba?" Tanong naman ni Sky 'yong pinsan ni Paul.


"Kaya nga tinanong kung sasama kayo, Oo o hindi lang ang sagot tapos magtatanong ka kung pwede?" Masungit na sabi ni Cris kaya napatingin kami sa kaniya. Nakakagulat naman 'tong kaibigan ko bigla nalang nagsusungit.

"Charrroott lang , kayo naman." Natatawang sabi ni Cris. Kaya natawa kami ng batukan ko siya.

"Sira!" Sabi ko.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now