Chapter 15

468 26 0
                                    

                      CHAPTER 15

Jhon Paul Lim Levinson


"Class dismissed." Sabi ng Prof. namin.

Kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Lunch time na rin naman. Nag-ayos na rin si Badeth nang tingnan ko siya.

Kailan ko kaya siya kakausapin tungkol sa amin bilang magkaibigan?

Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kaniya. Bigla siyang napalingon sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Napansin niya siguro na nakatingin ako.

Five months na rin pero hindi pa rin namin napag-usapan ang tungkol samin. Ayaw ko rin naman ipilit 'yon. Maghihintay nalang ako ng tamang oras.

Naisip ko na rin na sa kaarawan niya ko siya kakausapin para hindi na kami ganito. Kaklase lang amg turingan? Parang wala naman kaming pinagsamahan. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kasalanan ko naman.

"Hoy!" Nagulat ako ng may sumapak sa akin kaya napa hawak ako sa likod ng ulo ko.

"Bakit kaba nanapak?" Inis na sabi ko kay Sky. Nasa harap ko na silang apat. Na pansin ko na kami nalang apat natira sa room. Kanina pa pala ako tulala?

"E, kasi naman kanina ka pa tulala. Kanina ka pa namin kinakausap. Ano ba iniisip mo? Nauna na tuloy sila Bernarditha." Mahabang sabi niya. Natawa naman ang dalawa sa likod.

"Let's go I'm hungry. Baka iba makain ko." Natatawang sabi ni Ace. Nauna ng lumabas si James na tumatawa pa. Sumunod naman ako.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay hinanap ko kaagad kung saan sila Badeth. Nakita ko sila sa may dulo, may kasama silang apat na lalaki na hindi ko kilala.  May bigla akong naramdaman na hindi maipaliwanag.

"Ayan tuloy na unahan tayo. Ikaw kasi insan kung ano-ano pa ang iniisip mo." Sabi ni Sky na sinisi pa ako. Hindi ko sila pinansin naglakad ako papunta sa direksyon nila. Dahil bakante naman ang katabing table nila doon kami umupo. Na pa tingin  sila sa amin dahil pa bagsak ko nilagay ang bag ko sa lamisa.

"Someone jealous," natatawang sabi ni James.

"Kalma lang insan masyado ka naman halata niyan." Sabi naman ni Sky. Kaya tiningnan ko sila ng masama. Kaya tumawa lang sila.

"Kami na ang mag-oorder ni Ace, ano sa inyo mga zir?" Sabi ni Sky.

"Steak with rice and Orange juice." Sabi ko habang naka tingin sa kabilang table.

"Sayo zer? What's your order?" Tanong naman ni Ace kay James na para bang  waiter. Binalik ko na ang tingin ko sa mga kaibigan ko.

"Same with Paul and please faster because I'm hungry." Sagot naman ni James na para bang customer din. Sinakyan pa talaga ang kabaliwan ng dalawa.

"Yes Zer" sabi naman ni Ace. Kaya tumalikod na silang dalawa. Nagsalita pa si Sky na akala niya na hindi namin na rinig.

"Feel na feel din ng dalawang kupal na iyon." Sabi niya kay Ace kaya nagtawanan ang dalawa.

"Hey! You look angry. What's your problem? Kanina ka pa share it naman." Sabi ni James kaya napa tingin ako sa kaniya.

"Open your share it and I will share it to you." Sabi ko kaya naguluhan siya sa sinabi ko. Kaya natawa ako.

"What? Why do I open my Share it? What I mean is, if you have a problem." Sabi niya kaya natawa ako lalo. Ang slow.

"Just kidding, don't mind me I'm okay." Natatawang sabi ko.

"Tsk. Bipolar." Sabi niya

Ayaw kong dumagdag sa problema nila kaya hindi ko sinasabi kung ano man ang problema ko. Alam kung may sarili rin silang problemang iniisip. Ayaw ko ng dumagdag pa.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now