Chapter 19

378 27 2
                                    

                   CHAPTER 19

Bernarditha Dela Cruz

Habang naka upo ako sa aking trono ay nilibot ko ang aking paningin sa mga bisita. Mga kaklase ko, mga schoolmate ko na kilala ko. Wala naman siguro ako inanyayahan na hindi ko kilala?

Nahagip ng aking tingin si Paul at ang pinsan at dalawang kaibigan. Nakatingin sa akin si Paul na nakangiti pa kaya nginitan ko rin siya. Si Sky naman ayaw kumaway pa, at ang dalawa naman ay ngumiti rin sa akin. Umiwas na ako ng tingin at bumaling nalang sa ibang bisita.

Nakita ko naman si Samarah Ellize Cordovilla at ang kaniyang kaibigan na si Nickie Ash Guttierrez. At may isa pa silang kasama si Lean Venice Tixion! Siya 'yong babae na maldita kung tingnan pero mabait naman pala. Siya 'yong nakita namin last month  na tinulongan niya ang isang estudyante na may kaaway at siya pa ang nagmukhang may kasalanan! Eh, siya na nga itong tumulong. Ang ganda pa naman niya. Seryuso nga lang siya at ang hirap niyang lapitan. Sino kaya ang nag-imbita sa kaniya?  Alam ko na si Cris! Ang alam ko magkakilala sila noon. Gusto ko pa naman siya makilala pero parang nakakatakot.

Nagsalita ulit si Cris para sabihing kumain na bago simulan ang 18 roses, 18 books at iba pa. Imbis na 18 candle ang ginawa ko ay 18 books. Para maiba naman.

"Excited kana sa 18 roses noh?" Sabi ni Cris. Kasama ko Si Mommy, Tito at kuya Micheal at ang tatlo kong kaibigan na kumain

"Hindi. Mas excited ako sa 18 books." Sabi ko kaya natawa sila sa kaniya na katabi ko lang.

"Hindi kaba excited na makasayaw si Paul? Este ako pala. Sorry masmado." Sabi ni kuya kaya nagtawanan ang mga kaibigan ko pati sina Mommy.

"Kuya naman eh!" Sabi ko nalang kaya natawa ako.

"Why? He's your boyfriend right? I mean lalaking kaibigan, he's your boybestfriend. Right?" Tanong niya pa. Puntik pa akong mabulunan sa kinain kong Hotdog!

T'wing kaarawan ko hindi nawawala ang hotdog. Hindi nawawala ang favorite ko. Kasi sa t'wing may hotdog feeling ko kasama ko si Paul. Feeling nasa tabi ko lang siya.

"Noon 'yon!" Sabi ko.

"Wee? 'Di nga? Sabihin ko nga sa kaniya na hindi mo na siya boybestfriend." Sabi niya natawa naman kami. Alaka mo bata eh.

"Kuya nama eh." Nagtatampong sabi ko kaya tawa ng tawa mga kaibigan ko. Napaptingin tuloy samin ang mga bisita.

Nang matapos akong kumain ay lumapit ako sa mga bisita na kumakain pa. Kasama ko naman ang mga kaibigan ko na ayaw akong mahiwalay. Ano akala nila sa akin bata na para bang mawawala? Parang mga tanga eh. Kahit ganiyan mga 'yan mahal ko sila.

"Salamat sa inyo at nakapunta kayo." Sabi ko sa mga kaklase ko.

"Ano kaba! Syempre hindi kami papahuli noh? Kompleto kaya ang team Talong, team Saging at Team Hotdog!" Sabi ni Gayzelle kaya nagtawanan naman kami. Nag-picture muna kaming lahat.

Lumamit naman kami sa iba pang bisita. Bago ako umaalis nagpi-picture muna kami.

"Thanks for coming Sam,Nickie and Venice right?" Sabi ko at tumango naman ito. Pinakilala naman siya ni Sam sa akin.

"Siya si Lean Venice Tixion at siya naman si Bernarditha Dela Cruz." Pagpapakilala ni Sam sa amin. Umalis na kasi si Cris dahil may gagawin pa ito. Kawawa naman kaibigan ko busy.

Nakipagkamay naman si Venice sa 'kin at nagpakilala ulit. Ang ganda niya lalo sa malapitan.

"Hope you enjoy this night." Sabi ko bago lumapit sa table nil Paul.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now